Sabi nila, ang mga madalas talagang mag-reklamo sa buhay ay iyong mga “meron na”. Yun bang mga kumpurtable na sa buhay---mayroon nang natitirhan, may datung dahil sa trabaho at may pagkain na sigurado sa hapag-kainan. Sa madaling salita, mga mayayaman. Bakit kaya ganun? Mahirap daw kasing paliwanagan ang mga yan. Laging may “say”, laging “kontra-bulate combantrin”. Yung tipo na hindi nagpapatalo basta-basta, parang nasasapian, sobrang nangangaral at galit sa mga bobo at tanga. Sabi rin nila, mas marami ang extra-time ng mga yan. Kapag nakakita nga ako ng ini-interview na leader ng nagra-rally, lagi akong napapatanong na, “Trabaho nya na kaya iyon? May pamilya ba o responsibilidad yan?” Kasi ang daming time! Active na active! Siguro nga ay compensated ang mga yan, otherwise, maalwan sa buhay. Yung mga printed materials, mga tarpaulin, yung mga effigies na sinusunog, may expense lahat yun. Saan galing ang funds? Sus ginoo, minsan nga nakakita ako ng mga nagra-rally na naka- OOTD pa! Eh di wow! Ang mga maiitim gustong pumuti. Ang mga mapuputi, nagpapa-tan. Ang mga macho, gustong maging beauty queen. Ang mga sexy, gustong may mababang boses. Ang mga kulot, gustong magpa-straight. Tingnan mo, ang lahat ng mga yan ay para lang doon sa mga may kakayanan. May panggastos. May extra si Ma’am Sir. Panay reklamo sa trapik sa EDSA, di ba mga pribadong sasakyan ang nagpapasikip sa daan? Panay reklamo sa pagtaas ng presyo ng gasolina, sino nga ba ulit yung may pambili ng sariling sasakyan? Sa tingin ko, hindi lang talaga nakukuntento, kaya nagre-reklamo. Mayayaman sa kaalaman pero sadyang mahirap makaintindi sa payak na mamamayan. © 2022 LVS Works
0 Comments
Muling nakinig ang natakpan kong pandinig. Nadadalas man ang pagiging pabaya ng mga tao sa paligid, hindi ko kailanman natutunan ang magtanim ng sama ng loob. Nananatili ako sa gilid. Ang minsang sagabal sa pag-unlad, ang pakiramdam na hindi na kailangan ang pagsuyo at ang pagtitiyaga na walang nilaga ay parusa sa nangangalahating saya. Ngunit ano ba talaga ang kasunod ng mga ganitong pangyayari? Ang unang gagawin ng iba ay mag-isip ng panapat at paghihiganti. Sa akin, itinuturing ko itong isang magandang pagkakataon.
Noong malaman ko na ako’y bulag sa kulay (color blind), naging masaya pa ako dahil matutuloy na ang unang pangarap--- ang maging isang artist. Itim at puti lang naman ang kailangan sa papel ng musika. Pagkakataon ko na ito para buuin ang tunay na tinitibok ng puso. Nang malaglag at matalo ako sa isang Game Show, nalungkot ako nang saglit lang dahil makalipas ng ilang araw ay nakatanggap ako ng isang tawag (phone call) mula sa isang production ng soap opera sa TV at binigyan ako ng pagkakataon na tumugtog sa likod ng camera at kalauna’y sa harap ng national TV. Naging kaibigan at kabanda pa ang lead actor paglaon. Noong hindi naging matagumpay ang isa sa aking Annual Concert, tinaguyod ko ang isang Guitar Orchestra dito sa Dubai noong 2009. Ginamit ko ang sobrang oras sa pagsusulat ng Ensemble Pieces. Dinikdik ang utak ngunit ang mga naging resulata ay sadyang tumpak. Nagising na lang ako isang araw at nag-desisyon na ibigay ko na ito sa iba. Ayos na siguro para sa akin ang (8) walong taong pagkumpas. Sa tingin ko ay nagbigay daan naman ito para magising ang isa sa mga natutulog kong pangarap--- ang maging isang filmmaker. Noong tumigil ako sa pag-upload ng videos sa Youtube, nagkaroon ako ng tamang pagkakataon na tingnan ang kasalukuyang sitwasyon, napansin ko na maliit lang pala ang nangyayari sa aking musika. Natakpan ang tunay na silbi ng aking musika ng ilang maliliit at maiigsing tagumpay. Pitong taon ko na pala itong ginagawa. Hindi naman ako nagsawa pero nawala na lang bigla. Sanay na sanay na siguro ako at hindi na nadadapa kaya naging bale-wala. Ang resulta ay isang malaking proyekto sa gitara na kahit ako ay masu-sopresa at hindi makapaniwala. Hindi lahat ng hinihintay ay dumarating. Nadadaig din ng masikap ang maagap. Nawawala rin ang bango ng bulaklak lalo na kapag may nakatapak. Lumilihis din ang mabilis na bala kung sakaling may gumambala. Napapagod din ang kalabaw kahit walang tao sa ibabaw. Natutunaw din ang yelo kahit ito ay nasa tuktok ng Everest. Ngunit hindi dapat magpatalo sa pagbabago ng panahon. Lumabas sa pagkakakulong sa kahon. Magdiwang kahit walang solusyon. Magpasalamat at ituring ito na isang pagkakataon. © 2017 Lex Von Sumayo May ilang nilalang sa mundo na nabubuhay at namamatay sa sasabihin ng iba. Ang ilan naman ay napa-praning at halos mabaliw sa sinasabi ng iba. Sa kabilang banda naman ay mayrung ding naaayos na buhay dahil sa natandaang sinabi ng iba.
Sino ba yung “Iba” na yan? Lubhang makapangyarihan na nagdudulot ng pag-uga sa puso’t damdamin ng isang indibidwal na may paggalang at pakialam sa katotohanan. Ang ilang iba ay iyong mga abot-kamay lang. Yun iba ay nakikita lang din araw-araw. Nakakasama halos araw-araw. Nakakausap mula umaga hanggang gabi. Nakakasalamuha o napapanood lang din araw-araw. Puede ring nadadaanan lang ng ilang segundo. PAMILYA Kapag sinabi ng Nanay na pagbutihin ang pag-aaral, dapat iyong isapuso at hindi dapat kalimutan. Simple lang yun pero may malaking epekto iyon sa kinabukasan. Kapag sinabi ng Tatay na tumigil ka na sa bisyo, dapat ding isaalang-alang. Tanga lang ang hindi nakakaalam ng dahilan. Respeto ang nabuo dahil sa mga sinabi ng ating mga magulang. Nabuhay tayo sa dugo at maging sa salita. ASAWA O KASINTAHAN Bago pumikit ang mga mata sa pagtulog, tunay na walang katulad ang mga salitang “Goodnight, I Love You”. Masarap matulog. Masarap ding gumising. Masakit na masarap naman sa pangdinig ang mga comments o criticism kapag galing ito sa iyong kabiyak. Bago ko i-upload ang isang areglo o video sa Youtube, si Misis ang huling hukom. Kapag pangit sa pandinig nya, iyon ay akin nang ibabasura. Dahil sa pagsasalita, nagkaroon ng pagsasamang maluwat. Nasaksihan ang maligayang pagmamahalan. BEST FRIEND Ang tunay na kaibigan ay iyong tapat na nagsasabi na tama o mali ang hitsura mo sa suot mo. Kung mukha kang taong grasa o sobrang baho mong tingnan, hindi sila nagdadalawang-isip. Sapul kaagad. Kapag nagtampo ang BFF dahil sa honest na pagpuna, hindi siya legit na BFF. Patunay lang na mas maraming puedeng sabihin ang BFF dahil masasabing sila ay neutral lang at walang pinapanigan. COLLEAGUES, FACEBOOK & SOCIAL FRIENDS Lumalabas pa na ito ang may pinakamalaking bahagi ng “stress” or “depression” sa buhay ng iba. Dahil sa sobrang dami nila, sobra din ang pag-asa or expectations na nabubuo. Ang mga kasama sa trabaho na maraming dada kapag nakatalikod ka maging ang mga nagsasabi ng half-truth ay may negatibong epekto sa mga sarado ang isip. Kung bukas ang iyong isip, derecho ang pagsasalita at buong-buo ang pagsasalaysay ng katotohanan. Kaya nakakaawa ang mga biktima ng Cyber Bullying. Dahil isip at mata ang naaapektuhan, mahirap iwasan at matatagalan ang pagsasaayos nito para bumalik ang confidence o pagiging normal ng buhay. Subukan mo minsan na huwag mag-log-in sa Facebook o Internet, bababa ang stress level at magiging productive ang iyong oras at araw. May nakuha ngang attention sa kanila ngunit katapat nito ay dobleng pagtaas ng kabaliwan sa hinaharap. ARTISTS, ACTORS, MENTORS & FAMOUS PEOPLE Mga quotes nila ang minsang naging bahagi o solusyon sa isang prublema. Kapag nagbitaw ng salita ang iyong idol, madalas na ikaw ay maniniwala at mapupuno ng saya ang damdamin. Ang hiwaga ng kanilang mga pananalita ay may magandang epekto lalo na sa iyong tatahaking landas o karera. Dahil sa nagkapareho na ang inyong ideolohiya, madaling dalin at kahit araw-araw itong sabihin o basahin, hindi ka magsasawa. Inspirasyon ang binigay nito sa atin. Kapag wala nang inspirasyon, wala na ring direksyon. - - - Kailangan natin ang iba. Walang ibang magiging kulay ang buhay kung hihinto na sa itim at puti lang. Umiikot ang mundo kaya dapat kasama tayo. Tanggapin ang mga mabubuting sinasabi at ito’y iyong pangalagaan. Tanggapin din ang mga hindi magagandang sinasabi ngunit isantabi, ilayo sa puso at iyong pag-aralan. © 2016 Lex Von Sumayo Kahit na tama ang landas na dinadaanan, hindi pa rin tiyak na makakarating sa paroroonan kung ang nilalakaran ay medyo maulap. Kadalasan pa nga ay may mga di inaasahang pangyayari na makakapagpabagal, makakapagpabalik o makakasira nang tuluyan sa buong biyahe. Kasi nga hindi malinaw, malabo.
Subok na hindi maiintindihan nang maayos sa unang pakikinig ang bulol na pagsasalita. Para kasing may lakad ka at tila nagmamadali. Puede namang iwasan noong sa simula pa lang ngunit hinayaan, kaya yan tuloy napagtatawanan pa. Kasi nga, hindi malinaw, malabo. Isuot kasi ang salamin. Nabasa tuloy nang mali ang “I Love You”, naging “I Lose You” kaya nagdulot ng pagkakahiwalay ng landas ng magsing-irog. Iba talaga ang tinititigan sa tinitingnan lang. Kitang-kita naman sa kilos pa lang na hudas yang kasama mo kaso nagdadahilan ka pa. Kasi nga hindi malinaw, malabo. Pahaging-haging. Papansin. May alinlangan pero hindi umaaktong nanliligaw. Kaya tuloy naagaw. Kalauna’y nagsawa rin at nagdesisyon ang panahon. Ang bagal kasi. Alam naman na hinihintay ka rin. Ang pakay ay hindi man lang nasambit nang tuwid. Nasa huli ang pagsisisi. Kasi nga hindi malinaw, malabo. Humanap ka ng ibang puesto dahil parang umaalon ang linya mo. Ang tunog ay para ding nanggagaling sa ilalim ng lupa. Napipilas ang ibang mga salita na para bang ikaw ay nagmumura. Tang inumin mo, huwag Milo. Naubos lang load ko, talunan at nabuwisit pa pero hindi naman nakuha ang matamis nyang Oo. Kasi nga hindi malinaw, malabo. Kung hindi mo pa rin nakikita ang tunay na silbi sa mundo — ilawan ang daan, magsalita nang mabagal nang maintindihan, ugaliing magsuot ng salamin sa mata, seryosohin ang pakay at ilagay ang sarili sa tamang lugar. Unti-unti at dahan-dahan, na parang pagmulat ng mga mata at pagbukang-liwayway, sasabay ang kulay sa aninag ng iyong buhay. Sabi ng iba, kapag may konting hiwaga, ito ay laging susubaybayan at tuturuan sa pagkakaroon ng pag-asa na baka may maganap na kakaibang himala. Pero sa tingin ko, isa lang lagi ang dahilan ng kabaliwan --- kasi nga hindi malinaw, malabo. © 2016 Lex Von Sumayo Naglipana ngayon ang mga ganito. Para bang ikamamatay nila pag hindi sila napansin. Parang nakakadagdag ng confidence kapag madami o dumarami ang likes and views. Yun nga siguro ang sense ng social media sa kanila. Pero ano ba talaga ang tunay na intensyon ng mga ito? Sa tingin ko, ito ay para sa personal development, yung iba ay regarding naman sa business opportunities at yung isa, papansin lang. Parang panggulo, panabla at parang mga nuisance candidates sa election.
Noong wala pang social media, madali naman masipat ang mga ganitong uri. Sila yung tumataas ang kamay sa classroom na wala namang sense ang sagot. Sila rin iyong nagsa-suggest ng mga ideas na wala namang substance. Sila rin yung madalas na sumisingit sa usapan para lang may masabi. At the end of the day, sila yung walang tunay na kaibigan, nag-iisa sa sulok at pinipirmahan ang sariling slumbook. Sila rin iyong nagpapalit ng style ng pananamit at naglalagay ng kakaibang pabango na hindi naman akma sa kanilang status. Naniniwala pa rin ako na may binabagayan ang bawat bagay sa mundo. Kapag di mo kayang ma-sustain ang isang bagay, nagpapanggap ka lang. Iba yung hinog sa pilit sa hinog sa panahon. Iba pa rin ang Organic na pagkain. Kakambal ng Papansin ang Inggit. Kasi kung iisipin mo, ano ang nag-trigger sa mga ito para magpa-pansin? Maaaring nakita nya lang sa iba ang isang IDEA at feeling nya ay gusto nya rin ito kaya nya mabilis na naisip ang isang walang kuwentang bagay. Kahit di naman masyadong inaral ang sitwasyon, pasok lang nang pasok. Kadalasan tuloy ay palpak ang resulta. Hindi na rin makaahon dahil mabigat ang dinadala. Kung meron siya at wala ka, ayos lang dapat yun. Hanap ka na lang nung bagay na wala pa siya at siguradong ikaw ay magiging masaya. Labas pa run yung inggit at somehow ay makakatulong ka pa sa iba. Think differently but with a definite purpose. Tama lang naman din minsan ang magpapansin. Tulad nung ginagawa ng mga OFWs sa Facebook. Lalo na yung time ng Balikbayan Box na binubuksan, Yung Tax sa mga gamit upon arrival sa airport at yung bagong issue ng Tanim-Bala sa NAIA. Kinalampag ng mga OFWs ang gobyerno at kahit papaano ay nabigyan ng imbestigasyon at later on sana ay ang tamang solution. Masarap ang Spam na de-lata pero pag sa e-mail, nakaka-buwisit. Epalogs. Nakakatawa ang mga Papansin pero kadalasan ay pang-asar ang mga ito. Kaya kung ako sa iyo, para hindi rin naman masira ang araw mo, huwag mo na itong pansinin. © 2015 Lex Von Sumayo Ang nakakatuwa pa dito, hindi ko inabot ng personal sa kanya. Nilagay ko ito sa drawer nya dun sa booth ng Smart sa Jollibee. Alam ko kasi ay bubuksan nya iyon pagpasok nya kinabukasan.
Siyempre, pa-mysterious effect para hindi mahulaan. Ang pinang-sulat ko pa dito ay ang aking kaliwang kamay para maiba lang ang stroke at yung font style. Itong papel na ito ay galing pa ata sa best bud kong si Jon or kay Kuya Vic. Basta Beatles ay cool naman lagi kaya ito ang ginamit ko. Ang ginamit kong "Alias" ay FIRST RAYS OF THE NEW RISING SUN, na title ng isa sa mga album ni Jimi Hendrix. Malamang na bandang April 1998 ito naisulat. Sa aking pagkakaalam ay pagkatapos mabasa ito ni Juvy ay hinanap nya sa lahat ng logbook ng Jollibee ang handwriting style ng nasa sulat. Medyo natagalan pa siya na malaman ito. Natagpuan nya ang aking alias sa isang logbook na ako lang ata ang nagsusulat. Nakakatuwa dahil tinabi pa ito ni Juvy. Kakakilig kapag naaalala mo ang mga ganito. Nakakatakot din minsan dahil pagkatapos ng sulat na ito, bumilang pa ulit ako ng 8 months bago ako muling makasulat sa kanya. Hindi naman kasi nanliligaw ang style ng sulat kaya walang proof na na-busted ako, hehehe. Si Juvy ay naging kasintahan ko noong February 2, 1999 at naging kabiyak noong July 8, 2006. Anyway, ito ang nilalaman ng sulat: Juvy, I really don’t know how to start things out here. May be my fear towards you is helping me a lot. But you know, instead of saying silly words of love to you, I will rather shut down all my rugged senses and keep them as it is. Just in case you’re filled with simultaneous “wonders”, or you have this desire to know who I am, well I think you better look for a strange reason and a perfectly done response --- that I’m sure it will immediately mould into an answer. Anyway, I’m really scared to lose a friend and a feeling and by that, my innate propensity is telling me to be in silence and to wait for the right time. Thank God, the feeling of love is in my heart again. The race is on --- between my fears and my everlasting hope to be loved. Your time and attention is much appreciated. Be well, I will be sending twelve angels just to take care of you. - First Rays of the New Rising Sun Hindi na uso ang ganitong mga sulat. Medyo tamad at mainipin na ang tao. Gayunpaman, ang mas mahalaga pa rin lagi ay ang sincerity ng bawat salita at titik na pinapahiwatig ng may katha sa kanyang napupusuan at minamahal. © 2015 Lex Von Sumayo KUWENTO #1
Ako rin, nasa likod lagi. Sumayo ang apelyido ko kaya sa likod madalas pinapaupo. Pero nakikiusap ako kung puede ako sa harapan, kunwa’y malabo ang mata. Yun ang sabi ng nanay ko. Isa pa, kulang din ang height ko kaya medyo sapat na dahilan na yun. Payag naman ang mga naging guro ko. Mula sa mababang paaralan at halos hanggang sa kolehiyo, ganun ang sitwasyon at nalulusutan naman. Maingay sa likod. At nahandun na halos ang mga tamad, mga nangongopya pag exams, ang mga antukin at ang mga ayaw makinig kay prof. Pero siyempre, narun din ang mga matatangkad, wa silang choice, kasi isipin mo na lang kung sa harap sila uupo, alangan at sala sa paningin o wala sa ayos. Pag medyo tinanghali ng gising, at may trapik sa Rizal Avenue, paniguradong sa likod ang uupuan at minsan, magtatangkang makalusot na hindi makita ni ma’am. Ikaw nasa likod ka rin ba? KUWENTO #2 Kapag magbabayad, magtatanong o may bibilin—sa pila. Token sa LRT, sa department store, sa grocery, sa pagkuha ng NBI, sa pagsakay sa dyip pauwi, pagkuha ng health card, pag-verify sa NSO, pag magwi-withdraw sa bangko, follow-up ng transcript sa registrar at maging pagbili ng hotdog sa 7-eleven. Lagi akong nasa likod. Madalang akong mauna sa pila. Pero ayos na rin kasi may pagkakataon ka pang makapagtanong dun sa tao sa harapan mo. Lalo na pag wala kang idea sa pinilahan o nagdadalwang-isip kung bibilin ang hawak o hindi. Swak! Pag nasa sa likod din, nalalaman mo kaagad kung tama ba ang pinilahan mo, para di ma-elads.. Ganun lang, magmasid-masid muna, he he he. Doon sa likod. Ilang galon ba iyang nainum mong beer? Ihing-ihi na ako. Kanina pa ako dito sa likod mo. KUWENTO #3 Ako, kanina lang puro likod ang nakita ko (December 25, 2005). Pero siempre yung likod ko, tanaw rin nila. Grabe ang misa sa simbahan dito sa Dubai. Sa St. Mary’s, ang daming tao, parang rally, parang Edsa Revolution. 10 minuto mahigit bago ka makalabas ng compound. Puro likod. Hindi namin akalain na “Indian Mass” pala yun. Kaya madaling makilala ang mga kasama kong Pinoy. Sa likod nila, yung buhok ay hindi kulot. Ang mga Indian kasi, kulot at itim na itim. Saka yung amoy nila sempre, pagpasensiyahan na lang. Kahit hindi nakaharap ang mga kasama ko, kilala ko ang likod nila. Mabuti na lang at nasa likuran ako, kasi nalalaman ko kung nasaan sila, hindi magkakawalaan. Ganun lang. Puro likod talaga. Tama ba yun? Kilala mo ba yung nasa likod mo? Malamang na hindi. KUWENTO #4 Pag bibili ako ng pagkain, lalu na pag sitserya tulad ng chippy, Pringles, Magnolia Chocolait o kahit ano, malamang na binabasa ko pa ang mga bagay-bagay sa likuran nun. Kung anung mga nutrition facts, ingredients, company name, ganun. Kaya, matapos malaman ang mga ganung bagay, sige, bibilin ko na iyon! Oops, pati nga pala ang instruction sa pagluluto ng pancit canton at paminsan-minsan, may free na recipe sa likod ng century tuna. Ayos! Wala sa harap, nasa likod lagi iyon. Pag bibili rin ng mga mp3 players, DVD players, laptops, cellular phones, CDs or DVDs, lagi na lang tumitingin ako sa likod ng kahon nito. Kung ano ang features, kung saan gawa (kadalasan naman ay made in China at pag made in Japan---panalo!) at kung ano ang description ng movie or games na nabili. Lahat sa likod nakasulat. Importante na mabasa ko muna ang nasa likod ng mga bibilin ko, para sigurado at hindi magsisisi sa huli. Huwag tumingin masyado sa harapan, sa likod nakasulat ang mga dapat basahin. Ikaw, nagbabasa ka ba muna ng mga nakasulat sa likod? KUWENTO #5 Nag-iikot kami minsan sa isang mall dito sa Dubai, to be exact sa Carrefore, City Centre. Naghiwa-hiwalay kasi iba-iba naman ang trip naming tingnan. Yung iba sa pagkain, ako sa mga electronics. Pucha, ang naging prublema lang ay paano ko sila makikita, eh nagkataon ba naman na wala akong load sa mobile ko. Buti na lang ay nakasuot ng jersey itong kasama ko, kaya no doubt na nakita ko kaagad siya. Kasi di ba, yung apelyido ang nakasulat sa likod. Sa sports, importante ang nakasulat sa likod ng mga uniform or gears ng mga players. Nakasulat nang malaki ang numbers at apelyido. Nakakita ka na ba ng apelyido na nakasulat sa harap? Kadalasan sa likod nakasulat, kahit nga yung referee may ganun din. Exempted lang si Tito Varela dun sa PBA, kahit hindi ka na tumingin sa likod o sa harap, kilala mo na siya kasi kalbo iyon eh! Ano kaya ang feeling ng mga nagsusuot ng jersey ng mga sikat na players? Uy, alam mo kaagad pag si Jordan kasi number 23 at Jaworski naman kasi number 7. Kaya, yung iba, feeling Jordan sila, pero hindi naman. Tapos pag Jaworski ay nakakatakot guwardiyahan baka kasi sikuhin o hawiin ka. Pag sinuot mo naman yung sarili mong jersey na may number o yung apelyido mo, feeling magaling ka naman. Ingat lang din sa pagsusuot lalo na mga shirts na may nakalagay na POLICE o FBI sa likod. Who knows, baka mayari ka pa, mapagkamalan ba. KUWENTO #6 Ang haba na ng buhok ko, pagupit na ako. Pagkatapos magupitan, yung likod lagi ang gustong makita, request pa ng salamin. Kung anu nga naman ang hindi nakikita, yun ang dapat laging siguradong nasa ayos. Tapos minsan, lagi tayong nagtatanong pagkatayo sa isang upuan ng “marumi ba yung puwitan ko?” o pagkasandal ay “marumi ba yung likod ko?”, ganun lagi. Ang isang masarap sa likod naman ay pag minamasahe na ito. At ang pinakaayaw ko at nakakairita ay pag binatukan ka naman. Pag kinakalabit ka o sinungayan pag may picture taking, pag hinampas ng paddle sa frat. At ang laging parusa ni Nanay pag may nagawang hindi maganda—ang palo sa puwitan ng sinturon o patpat. Sa likod, hindi mo alam kung kailan o kung paano ang mga mangyayari. Sa likod lagi iyon, hindi sa harap. Pero ang pinakamasarap sa lahat sa likod ay iyong kamutin mo ito. KUWENTO #7 Pupunta si nanay sa palengke, sama kaya ako? Eh ang kaso hindi ako pinayagan. Ang style ko, susundan ko si nanay. Hindi alam ni nanay na nasa likuran nya ako kaya ganun, pag nalaman nya, mapipilitan na nya akong isama. Iyon nga lang, may kapalit na pingot sa tainga yun! Atleast nakasama pa rin, he he he. Si Beth, ang childhood crush ko, siguro mga grade 4 pa ako nun. Lagi ko siyang sinusundan pag nagbibisekleta yun. Sempre sa likod lagi ako, para hindi halata na sinusundan ko siya, pag tumingin siya eh, focus kaagad sa bike ko kunwari! Para akong aso na sumusunod kahit saan magpunta! Ganun din naman ang alaga kong kambing, panay ang sunod nun sa akin, sinusuwag ako madalas sa likod ko, sa puwitan ko! Pag may mga politiko o mga VIP na tao, laging may convoy sa likuran yan at bodyguards. Ang mga ambulansya o mga pulis, marami sa likuran para makasiguro sa kaligtasan ng mga tao sa harapan. Kahit ako rin, pag may kasama ako paglalakad sa kalsada, lalu na pag babae o nanay ko, lagi kong sasabihin, “after you…”. Respeto ang ibig sabihin pag nasa likuran ka at sempre tanda iyon ng paggalang. Sinu-sino ba ang mga nasa likuran nina Enrile at Ramos nung Edsa Revolution? KUWENTO #8 Uy, showing na ang pelikula ni Mel Gibson, nood naman tayo. Maraming tao sa baba, sa taas na lang tayo. May mga bakanteng upuan pa dito. Oops! As expected, puro partner-partner dito. Sa likuran, sa pinakalikod ang target place. Sempre, para makasimple ng yapos at halik. At dun din sempre lumulugar ang mga pirata na kumukuha ng mga bagong palabas gamit ang camcorder kaya tuloy minsan nakakakita ng mga tumatayo o mga ulo sa mga nabili kong VCD o DVD. Sa likuran kadalasan nagaganap ang mga ilang kalokohan natin di ba? Pero sa bus o sa dyip, hindi ako lumilikod o sa estribo nauupo, sa harapan lagi ako. Kasi ang mga hinahablutan at hino-holdap ay yung mga nasa likuran kadalasan. Sa Space Shuttle sa Enchanted Kingdom, mas nakakahilo pag sa pinakalikod ka naupo. Pero ang biyahe sa FX papuntang Monumento--- the best sa likuran! Kasi hindi masyadong masikip. Pag sa LRT, sa harapan at sa gitna ay masikip, at sa likuran naman, 75% ang chances na makakasakay kasi maluwag. At pag nagmamadali, kahit na delikado, sasabit na lang sa likuran ng dyip. Sigurado namang may bababa na pasahero sa bayan kaya okey lang. Ang mga loyal fans ng Barangay Ginebra ay nauupo at lumulugar sa likuran. Naroon ang mga Cheering Pang-asar Squad at yung mga nambabato ng baryang piso, pag sa palagay nila ay nagkakadayaan na. Naku! Andyan na si Ma’am, upo tayong madali sa likod! Pucha baka tawagin ako nun, hindi ako nag-review. KUWENTO #9 Madalas ang mga aksidente sa daan dito sa Dubai. Panay banggaan ng mga sasakyan. As usual, pag may banggaan, lagi ang nasa likod ang may kasalanan at ang mananagot. Ang madalas na kumikitil sa buhay ay ang mga bagay sa likod natin. Nagkaroon ng stampede minsan noong Ramadan dito, maraming tao na galing sa pagsamba. May sumigaw na may bomba! Iyon, takbuhan lahat, tulakan. Hindi alam kung sino ang tumulak sa mga likod nila. Hanggang sa matuwad, matapakan ng libu-libong beses, hanggang sa hindi na makahinga at tuluyan nang namatay. Puro bata at babae ang hindi pinalad na makaligtas dun. Huh. Mabali na ang ilang buto mo sa katawan, wag lang ang buto sa likuran o yung spine natin. Tapos ka! Lumpo na kaagad at mapa-paralisa. Kahit nga iyong tapik lang sa likod ay sobrang sakit, yun pa kayang mabalian ng buto sa likod. Isang bambo na malakas sa batok--- tulog! Isang sipa sa likod ng tuhod--- tumba! At isang palo ni Nanay sa puwet--- magtanda ka! Kaya pakiusap lang, wala pong tulakan sa likod. KUWENTO #10 “Hindi na tayo puedeng magkita, alam na nina Mommy ang relasyon natin--- maghiwalay na tayo! “, sabay talikod ng babae kay Juan. Ang pagtalikod ay isang paraan kung paano tapusin ang isang bagay. Kaya ganun, habang dumurugo ang puso ni Juan the lover boy, ang tanging tanaw lang niya ay ang likuran ng babaeng pinakamamahal ngunit mabilis na lumalakad palayo sa kanya. Ang sakit nun. Isang araw, natanaw ni Juan sa likuran ng isang taxi ang dating kasintahan. Oops! May kasamang iba! Akala ko ba naman ay mahigpit ang parents kaya sila nag-break? Huh, asar- talo si Juan. Ang sarap batuhin nga naman ng likuran nung taxi. Sa paghingi ng tawad, sa pagpigil ng galit, ang pagpapasensya at pagmamakaawa, sa likod lagi ang punta o ang dapat hawakan. Ilang beses na ako nakasama sa paglalakad pag may ililibing. Sa likod ng karo, andun ang mga mahal sa buhay ng namatay. Sa bawat hakbang ay may luha na tumutulo at hinihiling na malayo pa sana ang sementeryo para makapiling pa kahit sandali. Kita ko sa likod ang bawat anggulo ng lungkot at ang ilang bahagi ng pagsisisi. Ganun lang. Ang huli kong natanaw bago ako pumasok sa airport papuntang Dubai ay ang likuran ng dyip na sinakyan ng mga naghatid sa akin. Nakakalungkot. Nakakaiyak. Kahit na masakit, pilit pa ring tinitingnan ang likuran ng mga bagay-bagay at pagkakataon na minsang inilayo sa akin ngunit nagbibigay naman ito ng pag-asa. KUWENTO #11 Isang buwan na ata akong hindi nakakapaglinis ng kuwarto ko, makapaglinis nga. Medyo sinipag ako kaya pati likod ng cabinet ko, lilinisin ko. Ang daming dumi. Sa paglilinis ay nakakita ko ang papel na nakasiksik at puno na ng alikabok. Uy, telephone number ng kaibigan ko ang nakasulat. Matagal ko nang hinahanap ito ah, narito lang pala. Matawagan nga at alamin kung buhay pa ito. Ang mga nasa likod talaga, kung hindi mo papansinin o bibigyan ng panahon, hindi mo malalaman ang halaga nito. Parang yung kaibigan ko na hindi masyadong iniintindi ang wallet sa bulsa niya sa likod, kaya iyon… nadukutan. Nahandun pa naman yung driver’s license nya, yung ID sa school, ilang resibo, registration card at maging yung pictures ng ex-girlfriend nya. Ako nga, kahit backpack ang tawag sa bag ko, madalas ko itong pinupuwesto na harapan ko kung saan makikita ko nang maige. Mahirap na. Kaya wag ding balewalain ang mga bagay na nakasulat sa likod ng mga truck: Distancia Amigo, Caution: Right Hand Drive. At mga kotse na may nakasulat na “Baby on Board”. At maging yung mga company vehicles na may nakasulat na: “How’s My Driving?”. Pero okey na i-ignore ang ilang nakasulat sa likod ng ilang public jeep tulad ng “Katas ng Saudi”, “Basta driver…Sweet Lover”, “Sakay na Sexy” atbp. Madalas ko ring makita sa ilang sasakyan ang sticker ng “El Shaddai”. Naalala ko tuloy si Brother Mike, na sabi nila na sa likod ng taong ito ay ang magagarang sasakyan at mga mala-palasyong tahanan. Nasalo mo ba ang panyo ng El Shaddai na inihinahagis mula sa stage? Malas mo lang kung nasa likod ka, hindi ka makakaagaw. He he he. KUWENTO #12 Nag-work ako minsan sa ABS-CBN bilang isang gitarista sa isang soap opera, ang Recuerdo de Amor. Ang scene ay ganito, nanghaharana si Dante Rivero nun, habang kumakanta siya at may hawak na gitara. Ngunit di naman talaga siya ang tumutugtog. Kunwari lang siya at ako ang narun sa likod niya (pero hindi kita sa camera), ang tumutugtog. Doon ko nalaman kung gaano ka-importante ang tao sa likod ng isang production, lalo na pag mga ganun. Ang mga cameramen, lightmen, mga P.A. at sempre, si Direk. Sa likod ng isang matagumpay na pelikula ay ang matiyaga at magagaling na staff. Kaya nga kahit konti lang ang naitulong mo sa pelikula o sa isang production, isasama ka pa rin sa end credits. Sa likod daw ng isang matagumpay na lalaki ay isang babae… Ewan ko lang kay Ferdinand Marcos o kay Mike Arroyo kung ganoon nga ang sa kanila. Parang yung kaibigan ng kaibigan ko, sobrang yabang nun! Lagi niya kasing kasama yung girlfriend nyang pamangkin ni Mayor Atienza. Ganun talaga minsan. Tumatapang, yumayabang, nakakalimot, nagiging suplada at feeling pogi ang isang tao pag nasa likod ng isang kilalang artista, sikat na manlalaro, hepe ng pulisya or major sa army o makapangyarihan sa pulitika. Ikaw, sino ba ang nasa likod mo at ang angas-angas mo? KUWENTO #13 Madalas akong makinig sa radyo, AM o FM. Curious kasi ako sa boses ng mga DJ. Sino kaya ang tao sa likod ng mga sexy at mga machong boses? Kadalasan ay sablay ang hitsura--- matataba, mukhang boksingero, ganun. Pero puhunan lang naman talaga ang boses sa ganung profession, kaya okey lang. Kahit sa mga cartoons. Ang nagda-dub pala sa boses ni Bart Simpson ay isang babae. Si Tom Hanks naman ang kay Woody sa Toy Story. Kahit yung mga unang pelikula ni Joyce Jimenez, Alice Dixon at Kris Aquino, hindi nila boses yun. Yung mga artista na kumakanta sa show ni German Moreno na kadalasang lip sync, hindi nila boses yun! Kilala mo ba ang Milli Vanilli? He he he. Mapanlinlang talaga ang mga nasa likod ng mga bagay-bagay. Parang puppet show. Parang si Arturo na co-teacher ko dati, ang laki-laki at ang macho-macho ng boses, bading pala! Si Arnie rin na napagkamalan ni Dr. Feliciano (dating dean namin sa college of music) na babae kasi nakatalikod habang nagpi-piano. At sempre para ring padding sa likod ng bra ni Susan. KUWENTO #14 Sa kalagitnaan ng panonood ng sine, bigla ba namang nag-brown-out! Huh, lagi na lang ganun, may balat ata ko sa puwet. Bakit ang balat sa puwet ang malas? Eh iyong balat sa braso, sa batok, sa binti? Ang puwet, sa pagkaka-design ng Diyos Almighty sa atin, ito ay laging nasa likod. Kahit ang mga hayop din di ba? Ang ilang mga mababaho at marurumi ay nasa likod. Mula sa utot hanggang sa ebak. Ang paborito ni Tekla the dyokla—ang anal sex. Ang pagsisiga ni Erpats ng basura ay sa likod-bahay namin. Ang mga hasang at bituka ng isda, pinagkainang hipon at alimasag ay ibinabaon ko rin dun. At maging ang aso kong si Barbie (10 years kong naging aso), inilibing ko rin dun. Sa Edsa, ang mga maiitim na usok ng sasakyan ay lumalabas sa tambutso na nasa likod din. Ang mga mababaho, marurumi, napaglumaan, mga busted na bombilya, mga tsongke boys, mga ilang kilong sulat ng ex-GF at ang mga gustong tumakas, tulad nung magnanakaw na pumasok sa bahay namin na parang si James Bond ay dumaan din sempre--- sa likod-bahay namin. KUWENTO #15 “Ba’t kaya ayaw akong ipasok ni coach?”, pucha binangko na naman ako, 4th quarter na at tambak naman ang kalaban. Huh, sa likod lang lagi ako ni coach at taga-tapik sa likod ng mga teammates ko pagkatapos ng time out. At pag natalo naman dahil sa hindi mo na-shoot ang free throw, si coach naman ay tatapikin ka sa likod. Pang-alis dismaya yun. Parang semana santa, may mga nagpe-penitensya, pang-bawas kasalanan daw iyon. Panay likod ang pinapalo pero pagkatapos ay talon sa dagat at inuman ulit ang tropa! Pinapatahan ko ang pamangkin ko, umiyak dahil nakita na naman itong si Mang Boy na kapit-bahay namin. Sa likod ko hinilot at hinaplos kasi medyo mahina ang baga nun. Tumahan naman. Nung umiyak din ako dahil sa sinira ng Kuya ang padalang robot ni Tatay na galing pang Saudi, sa likod din ako hinaplos ni Ate. Sus ginoo! Ibenta na kasi iyang oner natin ‘tay, nakakainis na iyan. Pag hindi kasi nag-ii-start, tinutulak namin. Sempre sa likod ang puwesto ko para maganda ang buwelo. Mabuti na lang at kinabit na ni tatay ang basketball ring sa likod namin, makapag-shooting at makapag-onsehan mamayang hapon pag wala ng araw. KUWENTO #16 Ang boring naman nitong teacher na ito. Panay basa lang sa libro. Walang wenta. Pag ganito ang mga teacher, ang una kong ginagawa ay magsulat ng kung anu-ano sa likod ng cattleya notebook ko. Sempre, kundi si Voltes 5 ang idu-drawing, isusulat ko naman ng iba-ibang style ang pangalan ko. Kaya pag manghihiram ako ng notes sa mga classmates ko, tinitingnan ko lagi ang likod nito, very weird at interesting ang mga nakasulat dun. Minsan yung mga crushes nila, celfone numbers, FLAMES (uso pa ba ito?), pangalan ng mga sikat na banda o artista, bungo, tic-tac-toe, at kung anu-ano pa. Pag pipilas din sa notebook ng ilang pahina ay sa likod din, kahit na wala pa namang sulat ang mga unang pahina. May bagong padalang picture ang Ate, kaso di naman sinulatan ang likod ng kahit anong dedication. Dati, pag manghihingi ka ng picture sa kaklase mo o sa secret crush mo, naman po, pakilagyan naman ng sulat sa likod. Pero ngayong digital photos na ang uso, captions na ang inilalagay, pero iba pa rin ang sincerity ng sulat kamay sa likod ng picture ‘no? KUWENTO #17 Gising nang maaga na naman, ROTC sa Fort Bonifacio. Dami naming mga cadets na wala namang ginagawa dun. Kumikita ang mga opisyal dito mula sa maiinit na softdrinks at malalamig na pizza pie (umiinit naman sa sikat ng araw). Panay palo sa likod ang inaabot ko pag medyo na-late ako nang pasok. Yung mga kupal na sadsad ang buhok ang mga epal dun! Puede namang kurot lang hehehe. Sa mga ilang laban, hindi naman lumulugar sa harapan ang mga opisyal. Panay dikta lang iyon at utos lang ang mga iyon. Tapos yung mga nilalagay sa harapan ay sempre ang mga private o mga bagong recruit. Napanood ko iyong The Last Samurai, although may konting usap muna ang mga opisyal sa simula, pag banatan na, lumilikod na ang mga opisyal. Pero pagkatapos ng laban, sa mga opisyal pa rin ang honor at credits. Ang pinaka-confusing na order ng mga opisyal : Harap sa likod…harap! He he he. KUWENTO #18 Saan nakasuot ang kapa ni Superman at Batman? Sa likod. Saan nakalagay sa kotse ang stroller ni baby? Sa likod. Saan nagtago ang kalaguyo ni Monica nang dumating ang asawa niya? Sa likod. Saan nakalagay ang suksukan ng speaker ng bagong DVD player ni Pot-Pot? Sa likod. Saan nakalagay ang makina ng kotseng-kuba (Volks) ? Sa likod. Saan dumaan si Judith nung nakipagtanan siya kay Esteban? Sa likod. Saang bahagi ng pinto nakasabit ang pantalon ni Uncle? Sa likod. Saan nagpunta si Dina nung makita ang crush niyang si Harry? Sa likod. Saan nakatahi ang logo ng pantalong Levi’s at Guess? Sa likod. Saang bahagi ng katawan inilalagay ni Lola ang munting tuwalya pag pawisan? Sa likod. Saan ako titingin para malaman ko na nakasuot ng T-Back si Susan? Sempre, Sa likod. KUWENTO #19 Pards, ‘wag kang gagalaw…papatayin ko iyong ipis sa likod mo! Ang daming ipis dun sa una kong accommodation, maliliit na ipis lang naman. Kaya asahan mo sa likod ng cabinet ay may pulong ang mga ipis. Nag-request kami ng Pest Control at iyon, napuksa lahat sila! Mahirap talagang makita ang nasa likod natin. Kaya nga madalas ang aksidente pag may umaatras na sasakyan. May mga nababangga, naiipit at nagugulungan. Hindi sapat ang rear view mirror minsan. Kaya pinapababa ako ni Tatay pag aatras siya….kasya, kasya… oops! Naalala ko tuloy si Ram (nag-impluwensya sa akin sa paggi-gitara), nung sinapok siya mula sa likuran ng isa naming schoolmate. Maangas daw kasi si Ram, pero hindi naman. Traydor ang mga ganun ano? Hindi muna inaantay na humarap. Pero pag pulis ka at tinutukan mo sa likod ang criminal, huwag mo na itong antayin humarap! - FIN (written January 2006, Dubai, UAE) © 2015 Lex Von Sumayo Kapag may inaaral kang bagong skill o kapag nahihilig ka sa isang hobby, sumasagi lagi sa isip ang pinagmulan ng mga ito. Ibig kong sabihin ay aalamin mo ang history, mga facts and trivias, mga famous na tao tungkol dito, mga reviews at kung anu-ano pa. Nag-aral ako ng guitar noong ako’y 15 years old, ang una kong Jingle Songbook ay ang The Beatles (yung pula). Marahil ay nagkataon lang ito dahil muling naipalabas ang mga documentaries ng The Beatles sa mga unang palabas ng ABC-5. Tama naman si Erpat, kapag natugtog ko daw ang mga awitin nila ay mas lalawak ang appreciation ko sa music. Naroon na kasi sa tingin ko ang mga basic information about different genres like rock, pop, country, blues, jazz, etc. Nang lumaon ay parang nagsawa na rin ako sa pagbabasa ng chords at TABS lang. Naisip ko na harapin ko na ang aking kinakatakutan---ang standard notation! Sa tingin ko ay mas mapapalawak pa nito ang aking interes sa musika dahil hindi naman lahat ng music ay recorded via audio. Ang iba ay nakapaloob sa mga libro in sheet music or standard notations. Hmm… I need to dig deeper. So, I enrolled sa PWU School of Music (formerly PWU College of Music) para sa isang Summer Preparatory sa classical guitar. Naituro sa akin ang left/right hand techniques and sempre ung pagbabasa ng notes or standard notations. Akala ko ay mula 1960 music lang ang malalaman ko, mas luma pa pala sa luma ang musical journey na ito. Nagustuhan ko ito at naging seryoso. At siempre, tinapos ko ang course na ito. Sa palagay ko ay madali mong matatapos ang isang bagay kung masaya ka at gusto mo ang iyong ginagawa. Wala nang tanong pa. Ito ay isang hobby na naging profession eventually. ~ ~ ~ Pagdating ko dito sa Dubai, pa-boom pa lang ang digital point and shoot cameras. Wala akong idea tungkol sa mga DSLRs. Una akong nakakita ng ganung klaseng camera during our pre-nuptial shoot noong 2006, Canon 20D yun! I was so amazed kung paano lumalabo or nagiging blurry ang background. Gamit nyang lente ay yung 70-200mm f/2.8 (based yun sa Exif) I need to dig deeper. Noong nasa Boston pa si Erpat, I asked him to look around sa Target for a Nikon D40. Sa sobrang excited siguro ni Erpat ay nabili nya ay yung Nikon F65! Sabi ko, “Tay, balik nyo po yan! Film camera pa po yan…” At iyon nga, napalitan naman at na-iskor nya ang Nikon D40 with kit lens at yung 55-200mm lens. Shoot dito, shoot doon. Practice talaga lagi. Pero parang may kulang. Hindi ko ma-blurred out ang background sa kit lens. So, I acquired my first prime lens, ung Nikkor 35mm f/1.8, then followed by Sigma 10-20mm. Then the journey continued pa hanggang sa bumili ako ng second hand na Nikon D50 na wala palang backlight ang top LCD. Few months lang ito then binenta ko ulit. ![]() Since nauuso ang videography sa mga DSLRs, I acquired a Nikon D7100. Wala pang 1 year ay binenta ko ulit dahil masyadong bulky at malakas maka-intimidate ng mga tao sa public. Parang PRO pero hindi naman, hehehe. Matagal na akong naku-curious sa mirrorless cameras. At matagal na rin akong binubuyo ng mga photo friends ko to try out this technology. So, I did tons of research tungkol sa mga mirrorless cameras at napusuan ko ang Sony a6000. Bought the body sa DigitalRev with Sigma 19mm f/2.8, Sigma 30mm f/2.8 at yung Sony 55-210mm OSS. Mirrorless! Smaller, lighter and of course, has the ability to acquire older lenses (legacy lenses). I need to dig deeper. Since sobrang mahal ng mga lenses ng Sony, may mga cheaper and affordable alternatives. Ito nga iyong mga legacy lenses na tinatawag. Ito iyong mga gawa pa from 1928 to 1990. Yun nga ang nangyari, dahil sa camera kong ito (Sony a6000), bumalik ako sa mga luma. Cool talaga and since na manual focus lahat, mas bumibilis ang reflex mo to compose at talagang mata-mata lang. Hindi ko na masyadong iniisip ang mga auto features, yun lang pag-shoot lang or pag-compose ang iniintindi. So far, ay ito ang mga na-acquire kong legacy lenses: Hanimex 28-80mm Macro, Vivitar 35mm f/2.8, Takumar Bayonet 135mm f/2.5, Vivitar 28-105mm f/2.8-3.8, Minolta 50mm/1.7 at ang SMC Takumar 50mm f/1.4. Very cheap ang mga ito pero very sharp ang output! Ganito talaga siguro ang sequence. Babalik at babalik talaga tayo sa nakaraan para matugunan ang kailangan ng kasalukuyan. I always learn from the past. That is why… I dig deeper. © 2015 Lex Von Sumayo |
AuthorLex writes because his head is always full. Titles
All
|