LVS Works
  • HOME
  • ABOUT
  • SHEET MUSIC
    • OPM
    • POP
    • E-BOOKS
    • FREE SHEET MUSIC
  • BLOGS
  • VIDEO
  • AUDIO
  • GUESTBOOK

Paghihintay

8/8/2010

0 Comments

 
Picture
masarap maghintay
Bahagi na ng buhay natin ang paghihintay. Maaaring ito ay tungkol sa sagot ng pag-ibig, resulta ng isang exam or lotto draw, pagdating o pag-alis ng isang nilalang, promo or sale sa isang mall, pagpalit ng panahon, paghaba ng buhok, pagkain na pina-deliver, sulat or confirmation sa isang transaction at maging ang sueldo sa katapusan ng buwan.

Sa kabila ng paghihintay natin ay binabalot ng maraming pakiramdam ang kalooban natin. Sa paghihintay ay puede tayong ma-excite, matakot, mainip, matuwa at ang kadalasan ay yung mabigyan ng pag-asa. Maaari ka ring madismaya pero puede ring mabago ang buhay mo sa iyong ginagawang paghihintay.

Pero ano ba talaga ang paghihintay? Para sa akin ay dalawang klase lang ang paghihintay--- ang matiyagang paghihintay at iyong mainiping paghihintay.

Pag-usapan muna natin ang "mainiping paghihintay". Ito ay yung klase na naghahanap kaagad ng resulta sa ikli ng oras ng paghihintay, na gusto lang ay puro sarap at hindi saya. Sila yung mahilig sa mga de-latang pagkain at ayaw ng mga putahe na kailangang gawin ang proseso mula sa paghiwa ng sibuyas hanggang sa pagpapakulo ng karne.

Kaya malinaw na ang mainiping paghihintay ay kasama ng mga tao o mga bagay na tamad, magastos, burara, magulo at walang plano sa buhay. Sila rin iyong mahilig umasa sa biyaya ng iba at walang initiative or ayaw nang ihakbang ang paa pasulong. Nabaon na sa nakasanayang pananaw at ayaw na ng pagbabago. Ayaw nang matuto dahil ayaw nang mahirapan. Ayaw na ring umibig dahil ayaw na ring masaktan.

Sa kabilang banda, ang "matiyagang paghihintay" ay ang pinakamahirap na gawin pero ang pinakamagaling at ang pinakamapalad. Ito iyong klase na may nakahandang mga hakbang bago sumabak sa isang proyekto. Sila din iyong napupuyat sa gabi pero buhay na buhay sa umaga. Kabilang din dito ang mga mahilig mag-isip ng paraan kung paano pa-simplehin ang isang komplikadong proseso.

Mahirap ding matutunan ang ganitong klase ng paghihintay. Para sa akin, ito ay isa ring "Art" at masasabi ko ring isang "skill" na kailangan ng practice at passion. Pero linawin nating ang bagay na ito. Hindi ibig sabihin na kapag marunong kang maghintay ay magiging mapalad ka na. Kasi ang iba ay napipilitan lang maghintay. Ang iba naman ay nakikisama lang. Hindi ito kabilang sa tunay at matiyagang paghihintay. Ang genuine ay iyong sa gitna ng paghihintay ay gumagawa ng paraan para maging makabuluhan ang oras ng paghihintay. Doon kasi nabubuo ang mga idea na hindi kayang isipin kapag hindi naghihintay.

Handa ka na bang maghintay? Simulan sa isip at ilagay nang mabuti  sa iyong puso at makakamit mo ang tagumpay.


© 2010 Lex Von Sumayo




0 Comments

Your comment will be posted after it is approved.


Leave a Reply.

    Author

    Lex writes because his head is always full.

    Archives

    January 2017
    March 2016
    January 2016
    November 2015
    September 2015
    May 2015
    March 2015
    August 2014
    June 2014
    April 2014
    February 2014
    July 2013
    May 2013
    April 2013
    November 2012
    September 2012
    May 2012
    April 2012
    December 2011
    October 2011
    September 2011
    August 2011
    June 2011
    May 2011
    April 2011
    March 2011
    February 2011
    December 2010
    November 2010
    August 2010
    July 2010
    June 2010
    May 2010
    April 2010
    March 2010

    Titles

    All
    Ang Buhok Ayon Kay Leema
    Ang Langaw Sa Ibabaw Ng Kalabaw
    Ang Pagbabalik
    Ang Pagitan
    Ang Pila
    Ang Pinakamalapit
    Ang Sasabihin Ng Iba
    Anong Klaseng Gulay Ka?
    Bulkan Ni Plado
    Dig Deeper
    Disiplina Lang
    Dream Coming True
    Dyaryo Na Naman
    Eleksyon 2010
    Eric Clapton
    Gaano Katagal
    Happy Naman Lagi
    Hindi Naman Talaga Iyon Ang Nasa Isip Ko
    Iguhit Ang Araw Para Hindi Umulan
    I'm Back To Weebly
    Kahulugang Hindi Maintindihan
    Kailan
    Kailangang Mangailangan
    Kalayaan
    Kasi Nga Hindi Malinaw Malabo
    Katumbas Ng Balbas
    Keep On Trying
    Kuwento Ko Sa Bato
    Lalaban Ka Ba Sa Laban
    Mami
    May Aalis May Darating
    Mga Kuwento
    Mga Kuwento Sa Likod
    Music Notes Or Bank Notes
    My First Autograph
    My First Love Letter To Juvy
    Nabasa Ko Lang
    Nandito Ako Naghihintay Sa Iyo
    Opm For Solo Guitar 1st Year Anniversary
    Opm For Solo Guitar 2nd Year Anniversary
    Oras Ng Buhay
    Paghihintay
    Pambansang Papansin
    Payong Kaibigan
    Productivity
    Read And Write
    Salamat 2010
    Sa Totoong Buhay
    Selective Hearing
    Sorry To Be Honest
    Sumasabit Ang Naiipit
    Summer Of 88: Salamat Sa Sound
    Tamang Mali
    Tumingin Sa Araw Wag Sa Buwan
    UFO (Unidentified Fan Of...)
    Uri Ng Facebookers
    User-friendly
    YOUTUBE: Unknown Errors

Powered by Create your own unique website with customizable templates.