LVS WORKS
Menu

Ang Pagitan

4/28/2012

0 Comments

 
Picture
medyo
May ilang aspeto sa mundo na ang mga nasa pagitan o mga nasa gitna ang nakakakuha ng kakaibang pakiramdam at responsibilidad. Masarap naman para sa iba ang gumitna. Naiirita naman ang ilan kapag naiipit na sa isang sitwasyon. Ang pagitan daw ay walang pinapanigan, walang tama at mali ngunit may ideya ng pagkakaisa. Tinatanaw nang pantay ang dalawang elemento at pinag-aaralan ang bawat paraan para maisa-ayos ang sigalot. 

Dahil hindi naman kadalasang tanaw kaya hindi na lang din pinapansin at hinahanap. Kaya nga isang titik lang kapag sinusulat ang gitnang pangalan. Hindi kasi sobrang ganda o teribleng kulang sa hitsura kaya karaniwan lang din ang pakikitungo. Kung naakyat ang pinakamataas na bundok, paniguradong ipapagbunyi ang pagsisikap. Kapag nahulog sa matinding paghahangad, nasa harapan ng dyaryo kinabukasan o laman ng usap-usapan. 

Pero kapag nasa gitna lang ang estado, halos walang pakialam ang mundo pero wala namang takot at pangamba. Ang mga sobrang mayayaman ay hindi matapos ang pag-iisip kung paano palaguin pa ang salapi pero takot pa rin na  masalisihan ng mga magnanakaw. Ang mga sobrang hirap naman ay nakakapag-isip na magnakaw siempre, sa mga mayayaman. Kung karaniwan at simple lang ang pamumuhay, madalang na isyu ang seguridad ngunit kumakain pa rin ng halos apat na beses isang araw (kasama na dun ang merienda).

Sa gitna ng agahan at hapunan ay ang tanghalian. Importante ang agahan at konti na lang ang lamunan sa hapunan. Ang pinakamasarap na oras ng pagkain ay ang tanghalian. Puede kasing damihan dahil malaki ang pagkakataon na matunawan. 

Sa piktyuran, una daw mamamatay ang nasa gitna. Kapag naramdaman na ang balanse sa gitna, matututunan ang pagpapatakbo ng bisekleta. Kaya kapag nawala ang haring araw na nasa gitna ng sistema, babagsak daw ang mga planeta. Kaya magulo ang tatsulok na pag-ibig. Kaya tatamarin na ding ituloy ang isang aklat kapag nasa gitna na ang pang-ipit. Wala nang saysay para bumalik pa pero pagod na para umusod pa patungo sa katapusan. 

Huwag mabahala kapag nagkakaroon ng moderatong tagumpay. Walang masyadong tensyon at atensyon sa kulay na abo. Ang gitna ng pang-lima ay ang pangatlo. Langit, lupa o impierno? Pag-igihin ang buhay sa lupa bago mag-isip ng mga bagay sa susunod na paglalakbay. Puede pa ring matuto ang nagmamasid lang sa dalawang klase ng tao. Hindi na dapat subukan, pagkumparahin lang ang mga subok na pormula sa isipan at ituloy ang engkuwentro sa umiikot na mundo.

Sa pagitan ng isang mabait at masama, matalino at bobo, masipag at tamad, walang hiya at makapal ang mukha ay ang mapagkumbaba. 
 
© 2012  Lex Von Sumayo


0 Comments

Your comment will be posted after it is approved.


Leave a Reply.

    Author

    Lex writes because his head is always full.

    Titles

    All
    Ang Buhok Ayon Kay Leema
    Ang Langaw Sa Ibabaw Ng Kalabaw
    Ang Pagbabalik
    Ang Pagitan
    Ang Pila
    Ang Pinakamalapit
    Ang Sasabihin Ng Iba
    Anong Klaseng Gulay Ka?
    Bulkan Ni Plado
    Dig Deeper
    Disiplina Lang
    Dream Coming True
    Dyaryo Na Naman
    Eleksyon 2010
    Eric Clapton
    Gaano Katagal
    Happy Naman Lagi
    Hindi Naman Talaga Iyon Ang Nasa Isip Ko
    Iguhit Ang Araw Para Hindi Umulan
    I'm Back To Weebly
    Kahulugang Hindi Maintindihan
    Kailan
    Kailangang Mangailangan
    Kalayaan
    Kasi Nga Hindi Malinaw Malabo
    Katumbas Ng Balbas
    Keep On Trying
    Kuwento Ko Sa Bato
    Lalaban Ka Ba Sa Laban
    Mami
    May Aalis May Darating
    Mga Kuwento
    Mga Kuwento Sa Likod
    Music Notes Or Bank Notes
    My First Autograph
    My First Love Letter To Juvy
    Nabasa Ko Lang
    Nandito Ako Naghihintay Sa Iyo
    Opm For Solo Guitar 1st Year Anniversary
    Opm For Solo Guitar 2nd Year Anniversary
    Oras Ng Buhay
    Paghihintay
    Pambansang Papansin
    Payong Kaibigan
    Productivity
    Read And Write
    Reklamadors
    Salamat 2010
    Sa Totoong Buhay
    Selective Hearing
    Sorry To Be Honest
    Sumasabit Ang Naiipit
    Summer Of 88: Salamat Sa Sound
    Tamang Mali
    Tumingin Sa Araw Wag Sa Buwan
    UFO (Unidentified Fan Of...)
    Uri Ng Facebookers
    User-friendly
    YOUTUBE: Unknown Errors

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • HOME
  • POP
  • OPM
  • E-BOOKS
  • FREE SHEET MUSIC
  • The LEX-Files
  • BLOGS
  • PHOTOS
  • VIDEOS
  • GUESTBOOK
  • GLOBE GCASH
  • ABOUT
  • CONTACT US
  • HOME
  • POP
  • OPM
  • E-BOOKS
  • FREE SHEET MUSIC
  • The LEX-Files
  • BLOGS
  • PHOTOS
  • VIDEOS
  • GUESTBOOK
  • GLOBE GCASH
  • ABOUT
  • CONTACT US