![]() healthy Sa kabilang banda ay ginagamit natin ang gulay bilang isang bansag, pintas, sukat, deskripsyon, kulay o katangian. Nag-research ako nang konti para dito at naging batayan ko siempre ang kantang “bahay kubo” at iba pang veggie books. TALONG - pinakamahabang gulay. Long = haba UPO - pinakamagalang o most polite. Upo = opo MUSTASA - palabati. Musta = How are you SIGARILYAS - pinakamatapang at maton. Siga = street king KINCHAY - pinakahari. Kin = king; pinsan ni PECHAY ONION - magaling makisama. Onion = union REPOLYO - paralyzed. Polyo = polio SITAW - laging nakaupo. Sit = seat BATAW - youngest. Bata = young YOUNG CORN = second youngest OKRA - mahilig manlait. Okra = okray BITSUELAS - mahilig magpunta o maligo sa dagat. Bits = beach PECHAY - magaling sa kalendaryo. Pecha = date KANGKONG - pinsan ni King Kong. Babaeng King = Kang MAIS - nakakalito. Mais = maze MANI - mukhang pera. Mani = money PATOLA - ang makata o poetic. Tola = poem KALABASA - mahilig sa books at madalas sa library. Basa = read PATANI - pinakamataba. Pat = fat KUNDOL - mahilig sa building. Kundo = condo SINGKAMAS - mahilig sa videoke. Sing = kanta AMPALAYA - freedom fighter. Laya = free SPINACH - nakakahilo. Spin = ikot LECHUGAS - mahilig magmura at maglinis sa tubig. Lechu = leche; Hugas = wash PATATAS - kasin-taba ng PATANI. Pat = fat LABANOS - mahilig magkusot ng damit. Laba = laundry KAMATIS - mahilig matulog. Kama = bed TALBOS - pinakamataas o amo. Bos = boss BAWANG - laging nakayuko. Baw = bow MALUNGGAY - pinakamalambot. Gay = bading Alam naman nating lahat na hindi lang iisa ang katangian ng isang nilalang. Kadalasan, tayo ay puedeng ihanlintulad sa pinaghalu-halong gulay o sa masarap na CHOPSUEY! © 2011 Lex Von Sumayo
0 Comments
Your comment will be posted after it is approved.
Leave a Reply. |
AuthorLex writes because his head is always full. Titles
All
|