LVS Works
  • HOME
  • ABOUT
  • SHEET MUSIC
    • OPM
    • POP
    • E-BOOKS
    • FREE SHEET MUSIC
  • BLOGS
  • VIDEO
  • AUDIO
  • GUESTBOOK

Oras Ng Buhay

3/31/2010

0 Comments

 
Picture
time will tell
Bukod sa pagtulog at paghinga, isa rin sa pangangailangan ng tao ay ang paggamit ng oras. Noong unang panahon pa man ay umaandar na ito at ino-obserbahan. Dati ay sa paglitaw at paglubog lang ng araw nasusukat ang oras pero ngayon ay may iba-iba ng mga paraan para dito.

Ano ba talaga ang oras para sa atin? Minsan nga ay natatakot pa ang tao dito at may pagkakataon din na hinahabol pa ito. Kadalasan naman ay nahuhuli tayo at hindi nakakarating sa oras ng usapan. Maganda pag hinihintay natin ang oras ng recess or tapos ng trabaho. Ang saya di ba? May countdown pa nga tayo tuwing darating ang New Year tapos tatalon tayo, magyayakapan, magpapasalamat at matutuwa dahil sa nakaabot na naman tayo ng isang taon. Pero ang worst ay yung mawalan ng battery ang iyong relos at tuluyan na itong mamatay. Sama mo na rin pag nai-snatch!

Yung ibang kakilala ko nga ay nawawalan ng oras 'pag iniimbita ko sila sa isang pagtitipon dahil ang sabi nila lagi..."busy ako at wala akong oras". Yung nanay ko naman dati ay lagi itong tinatanong, pagalit man at may halong sermon, "Alam mo ba kung anong oras na?! Gabi na at may pasok ka pa bukas!". Iba naman ay walang pakialam sa oras at tinatamad sa paggawa ng homework dahil nauubos ang oras sa on-line games at chat. Yung kaibigan ko naman ay lagi nyang tinitingnan ang kanyang Swatch dahil halos 2 oras na siyang naghihintay sa kanyang maarteng girlfriend.

May mga iba naman dyan na matiyagang naghihintay ng suerte at nagsasabing "darating din ang lalaki para sa akin...". Ang mga kaaway ko man ay sinasabi sa akin na "darating din ang oras mo!!!!". Ang isang sundalo sa isang sagupaan ay kinakabahan baka tamaan siya ng bala ng kalaban. May pamilya pa naman siya na naghihintay sa kanyang pagdating. Ang nakapila sa silya-elektrika para sa death sentence ay nakatakda ang oras ng kamatayan. Ano kaya ang pakiramdam 'pag alam mo ang oras ng pagkawala ng iyong buhay? Itatanong ko nga rin sa mga pagkain ko dito sa bahay dahil mayrun silang mga expiration dates.

Ang mga tropang party lovers at gimikeras ay madalas na mabitin sa oras. Kulang ang isang araw para sa paghithit ng yosi at chika sa mga friends na halos linggo-linggo naman nakakasama. Ang mga magsing-irog naman ay sobra-sobra ang oras para kumain ng sabay sa gabi at pati pagtulog sa dyip. Kaya minsan ay nawawalan na ng oras para sa sarili at maging sa ibang mga bagay. Sabi sa text, "Oras na para sumimple ng halik at kiskisan, umalis na ang kasama natin sa bahay! "

Kahit nga yung magnanakaw, particularly ang akyat-bahay, ay gumagamit ng precision sa oras dahil kailangan na alam nila ang oras na wala na ang mga tao sa bahay na nanakawan. Sa pag-utot ka nga rin ay ino-orasan din natin kasi baka marinig ito ng katabi kaya tiempo lang na wala nang mga tao sa paligid. Inorasan mo ba ang niluto mong adobo? ang tigas pa ng karne eh! Sa huli ilagay kasi ang gulay nang hindi malamog! Shit! panis na pala itong kanin na kinain ko! Di ko natantya ang oras dapat kanina ko pa kinain! If only I could turn back the time...

May oras ka dapat sa pamilya. Kausapin sila at i-treat once in a while. Call them if you're living or working abroad. Greet them sa birthdays nila or anniversaries. Hindi matatawag na sayang ang oras kapag ito ay nilaan sa pamilya. Bigyan ng ilang surprises para magkaroon ng kakaibang bonding. Share a joke or two. Show them the love in your heart.

May oras ka rin dapat sa kaibigan mo maging sila man ay friend lang sa Facebook, Friendster or Multiply. Mag-comment sa mga posts nila at mag-click ng "like" kung talagang gusto mo naman talaga ang content ng post. I-share mo rin ang link nila paminsan-minsan. Mag -forward ng e-mails or send some snail mails. Makalimutan mo man ang birthday nila, basta 'wag mong kalimutan na tao rin sila.

Kung nabasa mo ang blog na ito hanggang dito, salamat nang marami dahil sa paggamit ng iyong oras. Hayaan mo, ang oras ay parang pagbilang ng numero, walang hangganan at hindi kailanman mauubos!

Salamat ah? Sa tingin ko naman ay hindi nasayang ang oras mo.
Yung sa akin lang. Hehehe.

© 2010 Lex Von Sumayo



0 Comments

Summer of 88 - Salamat Sa Sound

3/24/2010

3 Comments

 
Picture
puedeng gawing reviewer
Bago pa magbakasyon ng 1988 ay nai-hand-over na ni Miss Carmelita Santos, teacher ko sa HEKASI at coach sa Quiz Bee sa History ang lumang-lumang reviewer na halos mapunit na kaya dahan-dahan lang dapat sa pagbuklat.

Ang laging sambit ni Ma'am, "wala pang natatalo sa District Level...kapag nagkataon ay ikaw ang unang matatalo kung hindi mo gagalingan!". Ang bigat ng pressure noon para sa akin. Bilang isang bata na mabigyan ng ganung klaseng responsibility ay talagang kakaiba noong time na yun. Araw-araw ay nagre-review ako ng ilang pages. Siguro ay 10 to 20 pages a day! Since na busy ang nanay noon, hindi nya ako masyadong natutulungan kaya nakaisip ako ng cool na paraan para ma-review ko ang sarili ko in a different way.

Sakto naman at mayroon kaming cassette recorder nun. Ang ginawa ko ay naghanap ako ng mga lumang tapes na hindi na ginagamit at doon ko ni-record ang mga questions na parang ako si Ms. Santos na nagtatanong. Kumuha ako ng marker to mark ung mga sides ng tapes like side A: page 23-50; side B: 51-73. Ganun ang ginawa ko kaya halos na-memorize ko rin ang buong notebook dahil sa aking nakakatuwang "cassette reviewer". Medyo clever ang idea pero yun lang ang paraan ko para hindi ako mangamote sa araw na iko-coach ako ni Ms. Santos sa bahay nila.

May mga times din naman na umiiyak ako kay Ms. Santos kapag hindi ako nakakasagot sa mga random questions nya. Lalo na noong lampas 100 pages na kami kasi naghahalo-halo na sila. Kaya random na rin ang paggamit ko ng "cassette reviewer" ko. Pikit kong pipiliin ang nagkalat na tapes at isasalang at maghihintay kung ano ang ibabatong mga tanong. Ginawa ko ang routine na ito, kulang-kulang 2 months! Kaya hindi ako masyadong nakakapaglaro sa labas at na-miss ko tuloy ang patintero, shato, at touching ball friends ko!

Hanggang sa dumating na rin ang araw ng Quiz Bee na ginanap sa Dagat-Dagatan Elementary School. Kabilang din sa mga sumali ay ang San Jose Academy, Kapit-Bahayan Elem. School, San Rafael Elem. School, Bagumbayan Elem. School, Bangkulasi Elem. School at ilan pang schools sa District I ng Navotas. Umuulan pa nga nito kaya medyo kinabahan ako dahil baka bumaha at hindi kami makaabot sa competition! Hehehe. Habang nasa biyahe kami ay pinapabasa pa rin sa akin ni Ms. Santos ang ilang papel na ang nakasulat ay mga current events at mga newly appointed government cabinet members. Dagdag na naman sa utak ko pero salamat na rin at may ilan ding nakasama doon sa actual competition.

Nagsimula na ang Elimination Round. May 20 questions, multiple choice. San Jose Academy got the highest score! 19 points! Ako naman ang pinaka-kulelat dahil 12 lang ako! Medyo masama na ang tingin ni Ms. Santos sa akin. Pero since na pasok naman ako Elimination Round dahil more than half ang score ko kaya oks na yun!

Then came yung Easy Round, wala akong mistakes. At sumunod ang Average Round, lahat ay nasagot ko! Sundan pa ng Difficult Round na halos lahat ng katabi ko ay natatanggal na, hindi na ako tumitingin sa likuran ko, basta sulat lang nang sulat ng sagot sa papel. And now we're down to two sa Clincher Round. I still remember yung last question: Sino raw ung explorer sa Spanish Expedition na nakabalik sa Spain at nakapagpatunay na bilog ang mundo? My answer: Sebastian del Cano. Napatalon ako sa tuwa dahil...

Yup! Nag-champion ako! Hindi ko nabigo si Ms. Santos! First time ang feeling ng pressure sa mga bagay-bagay pero worth ang experience na ito. Ang reward ni Nanay --- isang Ghostbuster action figure na si Peter Venkman na kapag ginalaw mo ang arms, lumuluwa ang mga mata!

Pero siyempre bukod kay Ms. Santos, ako ay nagpasalamat nang husto sa sound at sa aking naisip na "cassette reviewer"!

Astig di ba?

© 2010 Lex Von Sumayo


3 Comments

Sorry To Be Honest

3/19/2010

0 Comments

 
Picture
ang aso 'pag gutom, tumatahol.
Minsan sa sobra nating pagiging honest ay nakakasakit na tayo kasi nga mas masakit talaga pag nalalaman mo ang totoo.

To be honest pare, ang baho ng hininga mo. Mag-Listerine ka naman dahil hindi kaya ng Colgate. Hindi rin bagay sa iyo ang skinny jeans dahil para kang suman. Tapos, naka-Mohawk pa ang buhok mo na inaabot ka siguro ng halos 30 minutes para tumayo nang matigas na hindi rin naman bagay sa iyo dahil para kang Hudyo. Saka palitan mo naman yang shorts mo, isang linggo na yan ahh? Itigil mo na rin ang panunood ng mga porn, kaya tuloy kahit mascot ng Jollibee ay naiisipan mo ng masama.

Saka itigil mo na iyang pa-religious effect mo, kasi sa sobrang pagmumura mo ay nabubulunan ka. Saka tama ang sabi ng ilan, pangit ka na nga, naka-simangot ka pa at ang sama pa ng ugali mo. Huwag ka na ring magmalinis dyan, ang lakas mo ring mandaya sa trabaho mo, walang petiks 'tol. Saka kahit naman di ka mag-react 'pag nagku-kwentuhan tayo ng bastos, alam ko naman na may collection ka ng Playboy.

Sa bawat sulok ng daigdig ay nagkakalat ka ng condom sa basurahan ng mga casa , motel at hotel. Sa bagay ang HIV naman ay lalabas matapos pa nang ilang taon. Yung sapatos mong Nike ay bago nga pero bansot ka naman, hindi rin bagay sa iyo dahil pang-matangkad lang yan. Bumili ka pa ng Macbook eh hindi mo naman ginagamit sa multi-media, panay chat ka lang sa Yahoo! Maganda ba ang reception sa voice chat? Mag-Skype kasi!

Daig mo pa si Einstein as paglikha ng mga kuwento kasi isa kang magaling na inventor! Inventor pala ng mga kuwento. Sabi mo kasi nakasama mo na si Phoebe Cates sa isang restaurant pero isa ka lang palang waiter dun! Sabi mo rin sa akin na ikaw ang manager ng hotel na iyan eh bellboy ka lang pala. Kung magsasalita ka sana ay i-check mo muna ang ngipin mo kasi kadalasan ay may tinga dahil sa mga pinitik at nilamon mong tirang pagkain. Saksi ang mga krus ng puntod dahil wala ka pa ring sawang magnakaw ng buto sa mga kabaong! Ginagawa mo ba talagang vetsin yan Mr. Aji-no-moto?

Ang laki ng sueldo mo pero laging ginisang corned beef lang yang kinakain mo. Itigil na kasi ang date sa mga mahal na lugar, i-treat mo naman ang sarili mo paminsan-minsan. Yung sampay mo ba ay nasilong mo na? Pucha, 3 araw na iyan ah! Bilisan din ang paglalaba saka huwag pagsabayin ang internet, text messaging at laba. Tingnan mo talaga ito, sabi ko naman sa iyo na ang asal ay naaayos pero ang budhi ay hindi! Masama talaga ang ugali ng mga Zombie.

Na-gets nyo na ba mga pare at mare? Hindi ko rin kilala ang nasa tabi ko 'no! Pero, sabi ko nga, maging marunong ka din dapat sa apology. Kaya sorry na po!

© 2010 Lex Von Sumayo

0 Comments

Read and Write

3/18/2010

0 Comments

 
Picture
mas malinaw 'pag may notes
Sa PWU College of Music ako nagkaroon ng idea to read and write musical notes. Sobrang hirap sa simula pero magiging madali na rin pag lagi mong ginagawa. Practice din talaga. Sa pagbasa ay medyo madali kaysa sa pagsulat. Kumbaga, madaling tugtugin pag nakasulat pero mahirap naman isulat ang tinutugtog (tama ba Sir Dong?).

Pero lalo ko na-praktis ang pagsulat noong nagkaroon ako ng chance na maging copyist ni Maestro Jose Valdez sa kanyang ilang guitar books. Isang song na may 3 pages ay kulang-kulang 2 oras or less depende sa dami ng nota at positioning. Madali kasing mag-encode (I'm using Encore 4.5), pero ang mahirap ay yung maglagay ng fingerings at ilang symbols. Lalo na kung ang piyesa ay lampas na sa 2nd position. Ma-trabaho pero nakakalibang.

Ngayon ay nagsusulat pa rin ako dahil sa aking OPM for Solo Guitar project. Bukod sa solo guitar arrangements, gumagawa rin ako ng ensemble pieces para sa aking Guitar Orchestra (3 parts lang : Melody, Harmony at Rhythm).

Dahil sa OPM project ko, medyo bumibilis na rin akong magsulat. Siyempre, may guide pa rin iyon ng technology paminsan-minsan.

Laking pasasalamat sa nota! Di ba?

© 2010 Lex Von Sumayo



0 Comments

I'm Back to Weebly!

3/17/2010

0 Comments

 
Picture
mabilis at simpleng gawin
Babalik at babalik rin talaga ako sa madaling paraan. So far, itong weebly lang ang may option to upload or post almost everything. Maliban sa videos at audio player (dapat ay update to Pro). Pero ang main point naman ay mai-share ko ang PDF files at yung ilang mp3 files kaya okay na sa aking itong Free. :) Pare, ang ganda ng Gallery ng Weebly! Astig! gusto ko rin itong blog nila, ang daling gamitin!

Nag-try din ako sa Freewebs, Blogger at Wordpress, mahirap silang gamitin at wala nga ung options for audio upload. Ang Multiply naman parang tinanggal na nila ang option para sa Audio playlist at paglagay ng Music page.

Nahihiya nga ako kay Marvin (yung nagbigay ng domain ko na sa Godaddy nya binili) kasi baka hindi ko na siya ma-update. Hassle kasi, dahil pag mag-u-update ako ng website ko, edit ko muna sa Dreamweaver then punta pang Filezilla to upload naman sa server. Pag busy ang server, nag-e-error pa. Eh dito sa Weebly, seconds lang ay ma-upload ko na kaagad ang isang PDF file, dun sa Filezilla ay ilang minutes pa ang aabutin!

Pasalamat din ako sa experience na iyon lalo na web designing at dun sa Dreamweaver, dahil naintindihan ko ang ilang basic concepts ng CSS at HTML. May option to edit ang CSS itong template na gamit ko, pag nagka-oras ay kakalikutin ko.

Kaya, it's nice to be back. Parang kinain ko ung manok nang naka-kamay! Dati kasi ay  gumagamit pa ako ng spoon and fork! :)


0 Comments

    Author

    Lex writes because his head is always full.

    Archives

    January 2017
    March 2016
    January 2016
    November 2015
    September 2015
    May 2015
    March 2015
    August 2014
    June 2014
    April 2014
    February 2014
    July 2013
    May 2013
    April 2013
    November 2012
    September 2012
    May 2012
    April 2012
    December 2011
    October 2011
    September 2011
    August 2011
    June 2011
    May 2011
    April 2011
    March 2011
    February 2011
    December 2010
    November 2010
    August 2010
    July 2010
    June 2010
    May 2010
    April 2010
    March 2010

    Titles

    All
    Ang Buhok Ayon Kay Leema
    Ang Langaw Sa Ibabaw Ng Kalabaw
    Ang Pagbabalik
    Ang Pagitan
    Ang Pila
    Ang Pinakamalapit
    Ang Sasabihin Ng Iba
    Anong Klaseng Gulay Ka?
    Bulkan Ni Plado
    Dig Deeper
    Disiplina Lang
    Dream Coming True
    Dyaryo Na Naman
    Eleksyon 2010
    Eric Clapton
    Gaano Katagal
    Happy Naman Lagi
    Hindi Naman Talaga Iyon Ang Nasa Isip Ko
    Iguhit Ang Araw Para Hindi Umulan
    I'm Back To Weebly
    Kahulugang Hindi Maintindihan
    Kailan
    Kailangang Mangailangan
    Kalayaan
    Kasi Nga Hindi Malinaw Malabo
    Katumbas Ng Balbas
    Keep On Trying
    Kuwento Ko Sa Bato
    Lalaban Ka Ba Sa Laban
    Mami
    May Aalis May Darating
    Mga Kuwento
    Mga Kuwento Sa Likod
    Music Notes Or Bank Notes
    My First Autograph
    My First Love Letter To Juvy
    Nabasa Ko Lang
    Nandito Ako Naghihintay Sa Iyo
    Opm For Solo Guitar 1st Year Anniversary
    Opm For Solo Guitar 2nd Year Anniversary
    Oras Ng Buhay
    Paghihintay
    Pambansang Papansin
    Payong Kaibigan
    Productivity
    Read And Write
    Salamat 2010
    Sa Totoong Buhay
    Selective Hearing
    Sorry To Be Honest
    Sumasabit Ang Naiipit
    Summer Of 88: Salamat Sa Sound
    Tamang Mali
    Tumingin Sa Araw Wag Sa Buwan
    UFO (Unidentified Fan Of...)
    Uri Ng Facebookers
    User-friendly
    YOUTUBE: Unknown Errors

Powered by Create your own unique website with customizable templates.