LVS WORKS
Menu

Ang Pila

10/27/2011

0 Comments

 
Picture
walang singitan
Bahagi na ng buhay natin ang pagpila. Halos hindi na natin mabilang ang mga pagkakataong iyon. Ito na marahil ang sunod sa ating pagtulog o pagkain na araw-araw nating ginagawa.

Flag Ceremony
Lagi akong nasa harapan dahil “find your height” kasi. Araw-araw ding nilalagay ang kanang kamay sa dibdib at inaawit ang pambansang awit. May Panatang Makabayan pa iyon o school hymn na kabisang-kabisa mo na at dahil sa tagal nang ginagawa ay tamad ka na ring gawin ito.

Comfort Room (CR)
Nakaranas ako ng pila sa pag-ihi sa Grand Central at sa Robinson’s Manila. Takot talagang magkasakit sa bato. Ang mahirap minsan ay yung nadudumi ka na ay pipila ka pa. Halos nauutot ka na sa pagpigil. Dito sa Dubai ay madalang na madalang ang pila sa CR. Hindi ata mahilig magbawas ang mga tao dito.

Amusement Park
Mahaba ang pila sa bump car sa Star City tapos 3 minutes lang ay tapos na ang banggaan. Sa roller coaster or Space Shuttle sa Enchanted Kingdom ay konti lang kasi medyo takot ang iba sa mga extreme rides.

Fast Food
Sa Jollibee lagi ang mahabang pila lalo na kapag weekends. Dahil sa masarap ang spaghetti at jolly hotdog, titiisin talaga ang haba ng pila. Humahaba ang pila kapag ang isang customer ay hindi pa alam kung ano ang io-order at pinapapalitan pa ang nasabi nang order. Dito ay McDonald’s naman ang may pinakamaraming pagpila. Mabilis naman ang service kahit sa drive thru din ay fairly satisfied ka.

Lotto
Once or twice lang ako pumila dito dahil umabot na sa 100 million ang puede mong mapanalunan.

SSS, NBI Clearance at Job Interview
Pagtungtong sa kolehiyo ay na-enganyo akong mag-apply sa ilang mga part-time jobs. Dahil sa Jollibee at KFC ay naka-experience ako na pumila sa NBI Clearance at SSS. Ito rin iyong unang pagkakataon na pumila ako sa isang job interview dyan sa Pasig.

POEA at DFA
Sa pagkuha ng passport naman, dahil sa haba ng pila noon ay naglagay na sila ng mga silya dahil Maraming oras talaga ang bibilangin mo. Naalala kong nauubos ang mga baterya kong Eveready AA sa pakikinig ng The Doors at Beatles gamit ang walkman cassette player. Sa POEA ay isa pa ring mahaba ang pila, parang walang katapusan. Mabuti na lang at puede nang kumuha ng OEC dito sa abroad at hindi na pupunta pa sa POEA Ortigas.

Airport Terminal
Ang mahabang pila ay sa immigration at sa pag-check-in. Sama mo na rin yung pila kapag papasok at lalabas na ng eroplano. At yung pag-claim ng bagahe sa conveyor.

Registrar
Pagkuha ng permit, pag-apply sa Transcript of Records (TOR), diploma, graduation o simpleng tanong lang regarding sa status ng isang application.

Medical
Every year ay dapat na pumila ako sa pag-renew ng medical. Sanayan na lang din sa sitwasyon. Mahabang pila sa mga boys pero konting pila sa mga girls.

LRT
Sa lahat ng public transport sa Pilipinas, ang LRT ang pinakamarami kong napilahan. Monumento to Carriedo (PMI days), Monumento to Edsa (ROTC days), Monumento to Pedro Gil (PWU days). Buti na lang at nauso na rin yung mga stored value tickets. Naabutan ko pa yung tokens na mas mahal sa ibaba ng terminal at may kunwa'y free na candy. Mahaba kasi ang pila sa booth sa itaas kaya kung nagmamadali ka, grab mo na ang chance!

Grocery
Maliit pa lang ako ay kasama na lagi ng nanay dyan sa Ever Kalookan. Kapag natapos na  sa pamimili, pipila sa counter ang trolley. Ngayon ay ganun pa rin, may trolley o wala, dapat pa ring pumila. Buti na lang at may designated lanes na (Less than 10 items).

Death March, Death Penalty at Libing
Very horrifying ang sitwasyon ng Death March. Pila na walang kasiguruhan.  Pag-asa at kamatayan lang ang halos na pagpipilian. Ang pila sa Death Penalty ay medyo alam mo na kung kailan ka bibitayin. Ang hindi lang malalaman ay kung tatawag ang isang mataas na leader ng bansa para bigyan ka ng pass or pardon. Huh! Sa libing naman, 'pag mahaba ang pila, maraming kakilala o maraming usi. Pamaypay at panyo, purong itim at puting kasuotan ang masisilayan sa pila.

Prusisyon, Sagala at Fiesta Parade
Walang humpay na kandila at lusis. Mga float na makukulay at ang paghagis ng mga candy o kalendaryo. Nakapila habang umaandar. Parusa lang dahil traffic na naman.

                                                                               - - -

Nagdudulot ng iba’t-ibang pakiramdam ang pagpila. Ito ay puedeng maramdaman bago pumila, habang nasa pila o pagkatapos pumila.

Nariyan ang saya dahil makukuha at mabibili na ang kailangan o gusto sa buhay. Ito man ay tungkol sa pagkain, laruan, ticket, pera o isang resulta. Nariyan ang excitement dahil masisilayan na muli ang mga bagay o tao na nawalay nang matagal na panahon.

Nariyan ang pangamba dahil maaaring malaman ang komplikasyon sa isang pag-aaral. Pag-aalala sa resulta na makakapagpabago ng mga nakasanayan na. Ang masilayan ang pagkukulang o pagbagsak sa isang ginawang effort sa pag-aaral o exam. Takot na mahuli at masita ang bawal na item sa bagahe ngunit kailangang maipuslit para sa kasiyahan ng iba. Ang paninibugho dahil ang resulta ng lab test ay mayroon nakitang tumor.

Kailangan pumila para may malaman at may maramdaman. Kapag wala na ang pila, asahan na ang gulo at hindi pagkakaintindihan.

Sa langit daw ay may pila. Karugtong lang ng pila dito sa lupa.


© 2011 Lex Von Sumayo


0 Comments

    Author

    Lex writes because his head is always full.

    Titles

    All
    Ang Buhok Ayon Kay Leema
    Ang Langaw Sa Ibabaw Ng Kalabaw
    Ang Pagbabalik
    Ang Pagitan
    Ang Pila
    Ang Pinakamalapit
    Ang Sasabihin Ng Iba
    Anong Klaseng Gulay Ka?
    Bulkan Ni Plado
    Dig Deeper
    Disiplina Lang
    Dream Coming True
    Dyaryo Na Naman
    Eleksyon 2010
    Eric Clapton
    Gaano Katagal
    Happy Naman Lagi
    Hindi Naman Talaga Iyon Ang Nasa Isip Ko
    Iguhit Ang Araw Para Hindi Umulan
    I'm Back To Weebly
    Kahulugang Hindi Maintindihan
    Kailan
    Kailangang Mangailangan
    Kalayaan
    Kasi Nga Hindi Malinaw Malabo
    Katumbas Ng Balbas
    Keep On Trying
    Kuwento Ko Sa Bato
    Lalaban Ka Ba Sa Laban
    Mami
    May Aalis May Darating
    Mga Kuwento
    Mga Kuwento Sa Likod
    Music Notes Or Bank Notes
    My First Autograph
    My First Love Letter To Juvy
    Nabasa Ko Lang
    Nandito Ako Naghihintay Sa Iyo
    Opm For Solo Guitar 1st Year Anniversary
    Opm For Solo Guitar 2nd Year Anniversary
    Oras Ng Buhay
    Paghihintay
    Pambansang Papansin
    Payong Kaibigan
    Productivity
    Read And Write
    Reklamadors
    Salamat 2010
    Sa Totoong Buhay
    Selective Hearing
    Sorry To Be Honest
    Sumasabit Ang Naiipit
    Summer Of 88: Salamat Sa Sound
    Tamang Mali
    Tumingin Sa Araw Wag Sa Buwan
    UFO (Unidentified Fan Of...)
    Uri Ng Facebookers
    User-friendly
    YOUTUBE: Unknown Errors

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • HOME
  • POP
  • OPM
  • E-BOOKS
  • FREE SHEET MUSIC
  • The LEX-Files
  • BLOGS
  • PHOTOS
  • VIDEOS
  • GUESTBOOK
  • GLOBE GCASH
  • ABOUT
  • CONTACT US
  • HOME
  • POP
  • OPM
  • E-BOOKS
  • FREE SHEET MUSIC
  • The LEX-Files
  • BLOGS
  • PHOTOS
  • VIDEOS
  • GUESTBOOK
  • GLOBE GCASH
  • ABOUT
  • CONTACT US