
PIANO
Gamit ang dalawang paa't kamay, may upuan. Ang vibration ay ramdam nang bahagya. Ang pagpindot mo sa keys ay may 2nd action pa para sa hammer sa loob bago ito tumunog. Sosyal pakinggan pero sa tingin ko ay medyo malayo ito sa puso.
FLUTE
Gamit ang dalawang kamay at siyempre ang bibig. Ang vibration marahil ay ramdam sa bandang ulo at mga braso. Pero masarap sa tainga ang tunog ng flute pero ganunpaman, malayo pa rin sa puso sa tingin ko.
SAXOPHONE
Katulad din sa flute halos ang sistema ng pagtugtog. Paihip din. Hindi nakadantay sa dibdib. Sexy na pakinggan pero para sa akin ay medyo malayo pa rin sa puso.
VIOLIN
Gamit din ang dalawang kamay at ginagamitan ng balikat at leeg. Ang vibration ay ramdam ng ulo, balikat, braso at konti lang marahil sa puso. Isama mo pa ang bow na naglalayo sa iyong katawan at instrumento. Nakakaiyak ang tunog ng violin pero malayo pa rin ito sa puso base sa aking analisa.
DRUM KITS
Gamit ang dalawang kamay at dalawang paa. Ang vibration ay ramdam ng buong katawan dahil nasa sahig ito. Nakaka-enganyong pakinggan ngunit masakit sa tainga pag nasobrahan. Sa pagtugtog, nasa pagitan naman ng katawan ang sticks at pedals. Marahil ay malayo din sa puso.
CELLO
Ginagamitan ng mga kamay, dalawang tuhod at dibdib para sa support. Nakadantay sa dibdib pero nasa sahig ang instrumento. Ang vibration ay ramdam halos ng buong katawan. Nilayo lang ang iyong katawan sa instrumento dahil ginagamitan mo ito kadalasan ng bow. Isa sa mga medyo malapit sa puso sa palagay ko.
CLASSICAL GUITAR
Ginagamitan ng dalawang kamay, dalawang hita at dibdib para sa support. Hawig nang konti sa cello pero ang instrumentong ito ngunit ito ay nakakalong sa iyong lap. Ang vibration ay ramdam halos ng buong katawan at paniguradong ramdam ng dibdib. Sa pagtugtog ay walang pumapagitan. Halos akap-akap mo na nga instrumentong ito. Mahina man tumunog at unstable sa tuning, mayroon naman itong distinct warm sound at sa tingin ko ay ito ang pinakamalapit dyan...ang pinakamalapit dyan sa puso.
Agree?
© 2011 Lex Von Sumayo