LVS WORKS
Menu

ANG SASABIHIN NG IBA

3/24/2016

1 Comment

 
Picture
sabi ko, sabi nya

May ilang nilalang sa mundo na nabubuhay at namamatay sa sasabihin ng iba. Ang ilan naman ay napa-praning at halos mabaliw sa sinasabi ng iba. Sa kabilang banda naman ay mayrung ding naaayos na buhay dahil sa natandaang sinabi ng iba.

​Sino ba yung “Iba” na yan? Lubhang makapangyarihan na nagdudulot ng pag-uga sa puso’t damdamin ng isang indibidwal na may paggalang at pakialam sa katotohanan.

Ang ilang iba ay iyong mga abot-kamay lang. Yun iba ay nakikita lang din araw-araw. Nakakasama halos araw-araw. Nakakausap mula umaga hanggang gabi. Nakakasalamuha o napapanood lang din araw-araw. Puede ring nadadaanan lang ng ilang segundo.

PAMILYA 
Kapag sinabi ng Nanay na pagbutihin ang pag-aaral, dapat iyong isapuso at hindi dapat kalimutan. Simple lang yun pero may malaking epekto iyon sa kinabukasan. Kapag sinabi ng Tatay na tumigil ka na sa bisyo, dapat ding isaalang-alang. Tanga lang ang hindi nakakaalam ng dahilan. Respeto ang nabuo dahil sa mga sinabi ng ating mga magulang. Nabuhay tayo sa dugo at maging sa salita.

ASAWA O KASINTAHAN
Bago pumikit ang mga mata sa pagtulog, tunay na walang katulad ang mga salitang “Goodnight, I Love You”. Masarap matulog. Masarap ding gumising. Masakit na masarap naman sa pangdinig ang mga comments o criticism kapag galing ito sa iyong kabiyak. Bago ko i-upload ang isang areglo o video sa Youtube, si Misis ang huling hukom. Kapag pangit sa pandinig nya, iyon ay akin nang ibabasura. Dahil sa pagsasalita, nagkaroon ng pagsasamang maluwat. Nasaksihan ang maligayang pagmamahalan. 

BEST FRIEND
Ang tunay na kaibigan ay iyong tapat na nagsasabi na tama o mali ang hitsura mo sa suot mo. Kung mukha kang taong grasa o sobrang baho mong tingnan, hindi sila nagdadalawang-isip. Sapul kaagad. Kapag nagtampo ang BFF dahil sa honest na pagpuna, hindi siya legit na BFF. Patunay lang na mas maraming puedeng sabihin ang BFF dahil masasabing sila ay neutral lang at walang pinapanigan. 

COLLEAGUES, FACEBOOK & SOCIAL FRIENDS
Lumalabas pa na ito ang may pinakamalaking bahagi ng “stress” or “depression” sa buhay ng iba. Dahil sa sobrang dami nila, sobra din ang pag-asa or expectations na nabubuo. Ang mga kasama sa trabaho na maraming dada kapag nakatalikod ka maging ang mga nagsasabi ng half-truth ay may negatibong epekto sa mga sarado ang isip. Kung bukas ang iyong isip, derecho ang pagsasalita at buong-buo ang pagsasalaysay ng katotohanan. 

Kaya nakakaawa ang mga biktima ng Cyber Bullying. Dahil isip at mata ang naaapektuhan, mahirap iwasan at matatagalan ang pagsasaayos nito para bumalik ang confidence o pagiging normal ng buhay. Subukan mo minsan na huwag mag-log-in sa Facebook o Internet, bababa ang stress level at magiging productive ang iyong oras at araw. May nakuha ngang attention sa kanila ngunit katapat nito ay dobleng pagtaas ng kabaliwan sa hinaharap.

ARTISTS, ACTORS, MENTORS & FAMOUS PEOPLE
Mga quotes nila ang minsang naging bahagi o solusyon sa isang prublema. Kapag nagbitaw ng salita ang iyong idol, madalas na ikaw ay maniniwala at mapupuno ng saya ang damdamin. Ang hiwaga ng kanilang mga pananalita ay may magandang epekto lalo na sa iyong tatahaking landas o karera. Dahil sa nagkapareho na ang inyong ideolohiya, madaling dalin at kahit araw-araw itong sabihin o basahin, hindi ka magsasawa. Inspirasyon ang binigay nito sa atin. Kapag wala nang inspirasyon, wala na ring direksyon. 

- - -

Kailangan natin ang iba. Walang ibang magiging kulay ang buhay kung hihinto na sa itim at puti lang. Umiikot ang mundo kaya dapat kasama tayo. 

Tanggapin ang mga mabubuting sinasabi at ito’y iyong pangalagaan.
Tanggapin din ang mga hindi magagandang sinasabi ngunit isantabi, ilayo sa puso at iyong pag-aralan.


© 2016 Lex Von Sumayo



1 Comment

    Author

    Lex writes because his head is always full.

    Titles

    All
    Ang Buhok Ayon Kay Leema
    Ang Langaw Sa Ibabaw Ng Kalabaw
    Ang Pagbabalik
    Ang Pagitan
    Ang Pila
    Ang Pinakamalapit
    Ang Sasabihin Ng Iba
    Anong Klaseng Gulay Ka?
    Bulkan Ni Plado
    Dig Deeper
    Disiplina Lang
    Dream Coming True
    Dyaryo Na Naman
    Eleksyon 2010
    Eric Clapton
    Gaano Katagal
    Happy Naman Lagi
    Hindi Naman Talaga Iyon Ang Nasa Isip Ko
    Iguhit Ang Araw Para Hindi Umulan
    I'm Back To Weebly
    Kahulugang Hindi Maintindihan
    Kailan
    Kailangang Mangailangan
    Kalayaan
    Kasi Nga Hindi Malinaw Malabo
    Katumbas Ng Balbas
    Keep On Trying
    Kuwento Ko Sa Bato
    Lalaban Ka Ba Sa Laban
    Mami
    May Aalis May Darating
    Mga Kuwento
    Mga Kuwento Sa Likod
    Music Notes Or Bank Notes
    My First Autograph
    My First Love Letter To Juvy
    Nabasa Ko Lang
    Nandito Ako Naghihintay Sa Iyo
    Opm For Solo Guitar 1st Year Anniversary
    Opm For Solo Guitar 2nd Year Anniversary
    Oras Ng Buhay
    Paghihintay
    Pambansang Papansin
    Payong Kaibigan
    Productivity
    Read And Write
    Reklamadors
    Salamat 2010
    Sa Totoong Buhay
    Selective Hearing
    Sorry To Be Honest
    Sumasabit Ang Naiipit
    Summer Of 88: Salamat Sa Sound
    Tamang Mali
    Tumingin Sa Araw Wag Sa Buwan
    UFO (Unidentified Fan Of...)
    Uri Ng Facebookers
    User-friendly
    YOUTUBE: Unknown Errors

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • HOME
  • POP
  • OPM
  • E-BOOKS
  • FREE SHEET MUSIC
  • The LEX-Files
  • BLOGS
  • PHOTOS
  • VIDEOS
  • GUESTBOOK
  • GLOBE GCASH
  • ABOUT
  • CONTACT US
  • HOME
  • POP
  • OPM
  • E-BOOKS
  • FREE SHEET MUSIC
  • The LEX-Files
  • BLOGS
  • PHOTOS
  • VIDEOS
  • GUESTBOOK
  • GLOBE GCASH
  • ABOUT
  • CONTACT US