LVS Works
  • HOME
  • ABOUT
  • SHEET MUSIC
    • OPM
    • POP
    • E-BOOKS
    • FREE SHEET MUSIC
  • BLOGS
  • VIDEO
  • AUDIO
  • GUESTBOOK

Dyaryo Na Naman

11/21/2010

0 Comments

 
Picture
araw-araw, iba-iba
Dyaryo na naman. Isang pirasong tinapay at isang basong tubig. Araw-araw. Walang patid ang ganitong sitwasyon. Nasasakyan ko pa rin naman kahit na minsan ay binabasa na nang pabaliktad ang dyaryo dahil wala na talaga akong mabasa.

Pagkatapos basahin ay itatapon lang doon sa bandang gilid, sa tapat ng mataas na bintana. Mahiwaga itong kulungan na ito. Hindi ko rin nga alam kung ano ang nagawa ko at naririto ako sa loob. Sa aking pagkakaalam, nagkahiwalay kami ng aking pag-ibig dahil sa ang kanyang ama ay galit sa mga tulad namin. Kami na may mga pinag-aralan ngunit mapusok ngunit maunawain.

Ang unang dyaryo na natanggap ko ay noong Enero 08, 1993. Mahaba na ang buhok ko ngayon. Sinasabunutan ko na lang ang sarili ko para kahit papaano ay malagas ang ilang hibla. Pinanghi-hilamos sa mukha ang tirang tubig sa baso. At ginagawang unan, kumot at kama ang santambak na dyaryo dito.

Kumusta na kaya ang aking pag-ibig? Sa palagay ko ay nasa maayos na siyang kalagayan. Hindi na ako kailangan nun. Tiyak na may sariling pamilya na at may mga anak na rin na akay-akay. Kung ano ang iniwan kong pagmamahal sa kanya, nanatili iyon sa aking puso. Laging naririto at buong-buo.

Ang huling dyaryo na nabasa ko ay iyong isyu kahapon – Enero 07, 2007. Hindi ko namalayan na halos 14 na taon na pala ako dito sa kulungang ito. Tumanda na rin siguro ang mga nagbabantay sa akin sa labas. At tiyak na nagpalit na rin ng tao.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit dyaryo ang dumarating sa aking pintuan sa araw-araw. Wala naman itong ibinibigay na magandang balita sa akin. At kung bakit nananatili pa rin akong malakas at maayos nang dahil lamang sa isang pirasong tinapay at isang basong tubig. Mahiwaga ngang talaga ang lugar na ito.

Pagkagising ko kinabukasan, natural na parang katas ng prutas na naman. Ganoon ulit. Dyaryo, tinapay at tubig. At teka, mukhang may naiba ata... May nakaipit sa loob ng dyaryo! Isang sulat. Isang sulat na ito ang nilalaman :


Enero 08, 2007

Mahal Kong Nubel,

Patawarin mo ako dahil ngayon lang ako lumiham sa iyo. Ngunit ito na rin marahil ang magiging huling sulat ko sa iyo. Mahal na mahal kita. Sa loob ng 14 na taon, wala akong ibang inisip kundi ikaw. Ngunit naging mahigpit pa rin si ama. Nagtungo kami sa iba’t-ibang bansa para ilayo lang sa iyo. Huwag kang mag-alala dahil walang nagbago, ako pa rin ito… para sa iyo.

Ako ang nagpapadala ng dyaryo. Hindi para sa iyong libangan o may basahin ka. Isang simple ngunit mahabang paghahanda ang kinakailangan. Ito lang ang aking naging paraan para makita kitang muli.

Bibigyan kita ng isang linggo mula ngayon para ayusin ang mga dyaryo na iyong natatanggap. Gagawa ka ng hagdanan gamit ang mga iyan. Isang hagdanan na sana ay umabot dyan sa mataas na bintana. Mula roon ay makakalaya ka at masisilayan na kitang muli.

Sana ay mabasa mo pa rin ito. Sana ay buhay ka, na dala-dala pa rin ang pag-asa sa iyong isip at damdamin. Magkikita na tayo aking mahal. Ito na ang pagkakataon.


Laging Naghihintay at Maghihintay,

Adiela


Natapos kong gawin ang hagdanan. Natanaw ko na muli ang mga ulap sa langit.

Natanaw ko na rin si Adiela -- ang pinakamagandang balita na natanggap makalipas ang 14 na taon.

FIN

Mga Kuwento Ni Lex
© 2010 Lex Von Sumayo



0 Comments

    Author

    Lex writes because his head is always full.

    Archives

    January 2017
    March 2016
    January 2016
    November 2015
    September 2015
    May 2015
    March 2015
    August 2014
    June 2014
    April 2014
    February 2014
    July 2013
    May 2013
    April 2013
    November 2012
    September 2012
    May 2012
    April 2012
    December 2011
    October 2011
    September 2011
    August 2011
    June 2011
    May 2011
    April 2011
    March 2011
    February 2011
    December 2010
    November 2010
    August 2010
    July 2010
    June 2010
    May 2010
    April 2010
    March 2010

    Titles

    All
    Ang Buhok Ayon Kay Leema
    Ang Langaw Sa Ibabaw Ng Kalabaw
    Ang Pagbabalik
    Ang Pagitan
    Ang Pila
    Ang Pinakamalapit
    Ang Sasabihin Ng Iba
    Anong Klaseng Gulay Ka?
    Bulkan Ni Plado
    Dig Deeper
    Disiplina Lang
    Dream Coming True
    Dyaryo Na Naman
    Eleksyon 2010
    Eric Clapton
    Gaano Katagal
    Happy Naman Lagi
    Hindi Naman Talaga Iyon Ang Nasa Isip Ko
    Iguhit Ang Araw Para Hindi Umulan
    I'm Back To Weebly
    Kahulugang Hindi Maintindihan
    Kailan
    Kailangang Mangailangan
    Kalayaan
    Kasi Nga Hindi Malinaw Malabo
    Katumbas Ng Balbas
    Keep On Trying
    Kuwento Ko Sa Bato
    Lalaban Ka Ba Sa Laban
    Mami
    May Aalis May Darating
    Mga Kuwento
    Mga Kuwento Sa Likod
    Music Notes Or Bank Notes
    My First Autograph
    My First Love Letter To Juvy
    Nabasa Ko Lang
    Nandito Ako Naghihintay Sa Iyo
    Opm For Solo Guitar 1st Year Anniversary
    Opm For Solo Guitar 2nd Year Anniversary
    Oras Ng Buhay
    Paghihintay
    Pambansang Papansin
    Payong Kaibigan
    Productivity
    Read And Write
    Salamat 2010
    Sa Totoong Buhay
    Selective Hearing
    Sorry To Be Honest
    Sumasabit Ang Naiipit
    Summer Of 88: Salamat Sa Sound
    Tamang Mali
    Tumingin Sa Araw Wag Sa Buwan
    UFO (Unidentified Fan Of...)
    Uri Ng Facebookers
    User-friendly
    YOUTUBE: Unknown Errors

Powered by Create your own unique website with customizable templates.