![]() PCOS results Dati ang gusto ko lang ay mag-collect ng mga stickers ng mga candidates dahil gagamitin namin ng Kuya ko sa pag-design ng aming customized "sticker names", paghahaluin ang mga letters at siguradong ididikit sa customized folder/binder na gawa sa illustration board. Mag-ipon din ng mga big and small calendars at isabit sa wall ng kusina at ilalagay din sa wallet. Dati kasi bilang isang bata, pag makulay ang isang bagay ay gusto mo na kaagad itong kunin at paglaruan. Paglaon din naman ay ako rin ang maaatasang magtanggal at magkudkod ng mga stickers na nakadikit sa gate at pader namin. Kaasar! Then may isang eleksyon na naupo ako bilang Third Member dyan sa Malabon Elementary School kasama ang aking Nanay, Ate Cel at si Juvy. Sobrang hirap noon dahil panay tantos ako. Busog ka nga sa mga padala ng mga kandidato pero puyat ka rin naman bandang huli. Konting takot sa pagdadala ng ballot box sa munisipyo dahil sa mga O.A. na watchers na mga maraming tanong at ung mga PNP at AFP na parang hindi alam ang gagawin. Sayang at hindi ako naging bahagi ng First Automated Elections. History kasi iyon at isa pa, naging matagumpay ito! Saludo ako sa Comelec at sa Smartmatic. Iba na talaga ang nagagawa ng technology ngayon. Bukod sa pasasalamat na mapapalitan na rin ang nakaupong pangulo, tayo rin dapat ay magpasalamat kay Bill Gates at sa ating mga computer geeks dahil sa pagiging automated ng ating eleksyon. Wala akong palagay sa mga mananalo at sa mga matatalong kandidato. Ang importante ay natapos ang halalang ito nang maayos at mabilis! History ang mga PCOS Machines! History for you and me! © 2010 Lex Von Sumayo
0 Comments
|
AuthorLex writes because his head is always full. Titles
All
|