• HOME
  • ABOUT
  • SHEET MUSIC
    • OPM
    • POP
    • E-BOOKS
    • FREE SHEET MUSIC
  • BLOGS
  • VIDEO
  • AUDIO
  • GUESTBOOK
LVS Works

Kahulugang Hindi Maintindihan

11/21/2010

0 Comments

 
Picture
bawat segundo

Kasama ko siya lagi sa bawat araw, sa paglikha ng musika at pakikinig ng bawat tibok ng puso. Isa akong mapalad na nilalang dahil nasisilayan ko at nararamdaman ang saya at lungkot ng buhay—dahil sa kanya. Hindi siya kailanman nagalit sa akin.

Nananatili siyang buo at matatag maging sa pagdaan ng mga masalimuot kong mga araw.

Sa lahat ng iniyak ko, sa kalungkutan at maging sa kasiyahan, narun siya lagi. Makapangyarihan na walang katulad lalo na kapag katabi mo siya. Sa sobrang lapit niya sa aking puso, napapawi ang madidilim na bahagi nito at napapagaan ang mga mabibigat na dalahin ko.

Higit pa sa kaibigan ang turing ko sa kanya. Laging nasasabik na makapiling sa pagkakataong kami‎‎‎'y magkalayo. Hinahanap ang himig at iniisip ang mga magagandang pangyayaring nag-ugnay sa amin.

Sadyang magiging malungkot ang mundo ko kapag nawala siya. Alam niya kasi kung paano ako pasayahin. Alam na alam niya ang kiliti dito sa puso ko. Naiintindihan niya ako sa tuwing sinasaktan ko ang sarili sa mga maling dahilan. Kahit sa kanya ko binubuhos ang lahat ng sama ng loob, patuloy pa rin ang kanyang mayumi at kalmadong himig. 

Mahigpit ko siyang inaakap at hinahawakan ko siya ng todo, na hindi mo kailanman maaagaw sa akin. Walang panalo ang iyong malalaking kamao dahil hindi niya iyon kailangan. Kasukat ng puso ko ang puso niya. Tunay na pinag-isa ng pagkakataon. Hindi maaaring mapaghiwalay ninuman.

Ngunit nagnanais na siyang lumisan. Sinusubukan na ring kalimutan. Humihina na ang hatak ng lubid na nagdurugtong sa amin. Kahit ang panahon ay walang magagawa para mapigil ang pagpiglas. Kahit ang pinaka-maingat na pagsamo at pag-iingat ay wala ring magiging bisa.

Hindi ko alam kung kailan. Hindi ko alam kung kailan siya tuluyang mawawala.

Habang binibigay ko ang buong puso sa kanya, nagiging madali ang kanyang paglisan. At hindi na siya mahihirapang mag-isip. Ngunit hindi ko kaya ang katahimikan sa paligid. Kahit na ang bawat naririnig ko ay wala na sa ayos, magiging masaya pa rin ako. Kasiyahan ko ang kanyang tinig.

Ang bawat sandaling kasama siya ay punung-puno ng kahulugan.
Ang kahulugang hindi namin kayang maintindihan.


© 2010 Lex Von Sumayo


0 Comments

    Author

    Lex writes because his head is always full.

    Archives

    January 2017
    March 2016
    January 2016
    November 2015
    September 2015
    May 2015
    March 2015
    August 2014
    June 2014
    April 2014
    February 2014
    July 2013
    May 2013
    April 2013
    November 2012
    September 2012
    May 2012
    April 2012
    December 2011
    October 2011
    September 2011
    August 2011
    June 2011
    May 2011
    April 2011
    March 2011
    February 2011
    December 2010
    November 2010
    August 2010
    July 2010
    June 2010
    May 2010
    April 2010
    March 2010

    Titles

    All
    Ang Buhok Ayon Kay Leema
    Ang Langaw Sa Ibabaw Ng Kalabaw
    Ang Pagbabalik
    Ang Pagitan
    Ang Pila
    Ang Pinakamalapit
    Ang Sasabihin Ng Iba
    Anong Klaseng Gulay Ka?
    Bulkan Ni Plado
    Dig Deeper
    Disiplina Lang
    Dream Coming True
    Dyaryo Na Naman
    Eleksyon 2010
    Eric Clapton
    Gaano Katagal
    Happy Naman Lagi
    Hindi Naman Talaga Iyon Ang Nasa Isip Ko
    Iguhit Ang Araw Para Hindi Umulan
    I'm Back To Weebly
    Kahulugang Hindi Maintindihan
    Kailan
    Kailangang Mangailangan
    Kalayaan
    Kasi Nga Hindi Malinaw Malabo
    Katumbas Ng Balbas
    Keep On Trying
    Kuwento Ko Sa Bato
    Lalaban Ka Ba Sa Laban
    Mami
    May Aalis May Darating
    Mga Kuwento
    Mga Kuwento Sa Likod
    Music Notes Or Bank Notes
    My First Autograph
    My First Love Letter To Juvy
    Nabasa Ko Lang
    Nandito Ako Naghihintay Sa Iyo
    Opm For Solo Guitar 1st Year Anniversary
    Opm For Solo Guitar 2nd Year Anniversary
    Oras Ng Buhay
    Paghihintay
    Pambansang Papansin
    Payong Kaibigan
    Productivity
    Read And Write
    Salamat 2010
    Sa Totoong Buhay
    Selective Hearing
    Sorry To Be Honest
    Sumasabit Ang Naiipit
    Summer Of 88: Salamat Sa Sound
    Tamang Mali
    Tumingin Sa Araw Wag Sa Buwan
    UFO (Unidentified Fan Of...)
    Uri Ng Facebookers
    User-friendly
    YOUTUBE: Unknown Errors

Powered by Create your own unique website with customizable templates.