
Kahit na ayaw nang bumukas nang hindi nakasaksak ang laptop mo sa kuryente ay nagtitiyaga at nagmamadali ka pa rin lagi sa iyong ginagawang tula sa MS Word dahil alam mong may ilang minuto pa naman itong nalalabi. Lagi mo kasing itinatanim sa isip na ayos pa ang iyong lumang computer kahit ito ay halos 5 taon mo nang ginagamit. Hanggang kaya pang magtiis, I'll keep on trying...
Kahit hindi na kayang sikmurain ng mga tao ang iyong serbisyo sa mundo, patuloy mo pa ring pinapaliwanag na ang nangyari noon ay bahagi lang ng isang maling pagkakataon. Tunay man o hindi ang nabalitaan ko kahapon sa iyo na ako ay iyo nang sinumpa, hindi pa rin ako titigil na ipahiwatig sa iyo na ako'y walang ibang alam kundi ang sabihin sa loob at labas ng isip ang "paumanhin po "at "pasensya na". And I'll keep on trying...
Nagkaroon ng linaw ng iyong mundo sa munting ilaw na hatid ko ngunit sadyang mas gusto mo pa rin ang liwanag ng umaga na dulot siempre ng haring araw. Ano ang laban ng isang Moon sa Sun? Nanghihiram nga lang ako ng sinag dito. Pero, I'll keep on trying...
Mayrun tayong sariling mithiin sa buhay. Imposible man sa tingin natin pero ito'y patunay lang na hindi tumitigil ang pag-ikot ng mundo. Huwag tayong umasa lagi na may magandang epekto ang magandang bagay na ating ginawa o ginagawa. Iba-iba ang hugis ng ulo ng tao, may makapal ang harap at may makikitid ang dulo.
Sa kabila nito ay hindi ka dapat susuko at wala ka dapat sayangin na oras. You just have to keep on trying.
© 2010 Lex Von Sumayo