LVS WORKS
Menu

Lalaban Ka Ba Sa Laban?

4/19/2013

0 Comments

 
Picturelaban lagi kahit ano pa
Kahit saan ka lumingon o kahit pakiramdaman mo lang ang sarili mo, laging may mga naglalaban o nagpapaligsahan. Sa aking palagay, kung walang ganito ay walang mga bagong mga ideya at walang mga makabagong innovations. Mawawala rin ang pagsusumikap at magiging pirmi lang ang usad ng mundo. Ang tamang pagtanggap sa ganito ay magkakaroon ng magandang resulta. Positibo na pag-iisip ay may naghihintay na positibong resulta.

Kung hindi pa kinumpetensya ng Smart ang Globe, baka iilan lang ang linya sa mobile communications. Isama mo na din ng pagtapat ng BayanTel sa PLDT. Yung mga ganitong scenery ay nagkaroon ng magandang epekto sa madalng people. Alam mo na kung bakit.

Hindi susulpot ang Sony Ericsson, Iphone, HTC kung wala sa isip nila ang paglaban sa Nokia na talaga namang nag number one sa market noon.  Ang makabagong laban naman ngayon ay ang Samsung at Apple. Pinag-iisipan nila nang husto ang mga ilalabas nilang bago na wala dun sa kanilang competitors. Ang resulta ng labanan, panalo ang madlang people dahil napaganda ang means of communications at napasaya pa ng mga games at apps.

Kung hindi nag-isip ng ibang features ang Facebook, malamang na nasa anino pa rin tayo ng Friendster. Ang browsing ay hindi magiging mabilis kung hindi naisip kalabanin ng Firefox ang Windows Explorer. Isabay mo na rin ang Youtube laban sa Dailymotion at Metacafe.  Ang resulta ay naging paborito at bahagi na ng buhay ng madlang people.

Sa sarili mo, sino ba ang kinakalaban mo? Ang kalaban lagi ay ang pagiging tamad, procrastination at ang paggawa ng kasamaan sa iba. Kung magagawa mong labanan ang ilang mga bagay na ito, lagi kang magiging masipag at hindi mo sasayangin ang oras mo sa ibang bagay na walang importance. Ang resulta ay malaking pag-usad sa estado at kapayapaan ng madlang humanity.

Healthy competitions ay magagamit din sa buhay. Kung pareho kayo ng linya o  ginagawa ng iba, ano ba ang iisipin mo? Sasabay ka ba? Lalaban ka ba? O papabayaan mo na lang ang labanan?

Ang buhay ay isang paglaban. Pag hindi ka sasali, walang pagbabago.
Kapag ikaw ay kabilang sa patimpalak, maraming puedeng magbago. 


© 2013 Lex Von Sumayo




0 Comments

    Author

    Lex writes because his head is always full.

    Titles

    All
    Ang Buhok Ayon Kay Leema
    Ang Langaw Sa Ibabaw Ng Kalabaw
    Ang Pagbabalik
    Ang Pagitan
    Ang Pila
    Ang Pinakamalapit
    Ang Sasabihin Ng Iba
    Anong Klaseng Gulay Ka?
    Bulkan Ni Plado
    Dig Deeper
    Disiplina Lang
    Dream Coming True
    Dyaryo Na Naman
    Eleksyon 2010
    Eric Clapton
    Gaano Katagal
    Happy Naman Lagi
    Hindi Naman Talaga Iyon Ang Nasa Isip Ko
    Iguhit Ang Araw Para Hindi Umulan
    I'm Back To Weebly
    Kahulugang Hindi Maintindihan
    Kailan
    Kailangang Mangailangan
    Kalayaan
    Kasi Nga Hindi Malinaw Malabo
    Katumbas Ng Balbas
    Keep On Trying
    Kuwento Ko Sa Bato
    Lalaban Ka Ba Sa Laban
    Mami
    May Aalis May Darating
    Mga Kuwento
    Mga Kuwento Sa Likod
    Music Notes Or Bank Notes
    My First Autograph
    My First Love Letter To Juvy
    Nabasa Ko Lang
    Nandito Ako Naghihintay Sa Iyo
    Opm For Solo Guitar 1st Year Anniversary
    Opm For Solo Guitar 2nd Year Anniversary
    Oras Ng Buhay
    Paghihintay
    Pambansang Papansin
    Payong Kaibigan
    Productivity
    Read And Write
    Reklamadors
    Salamat 2010
    Sa Totoong Buhay
    Selective Hearing
    Sorry To Be Honest
    Sumasabit Ang Naiipit
    Summer Of 88: Salamat Sa Sound
    Tamang Mali
    Tumingin Sa Araw Wag Sa Buwan
    UFO (Unidentified Fan Of...)
    Uri Ng Facebookers
    User-friendly
    YOUTUBE: Unknown Errors

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • HOME
  • POP
  • OPM
  • E-BOOKS
  • FREE SHEET MUSIC
  • The LEX-Files
  • BLOGS
  • PHOTOS
  • VIDEOS
  • GUESTBOOK
  • GLOBE GCASH
  • ABOUT
  • CONTACT US
  • HOME
  • POP
  • OPM
  • E-BOOKS
  • FREE SHEET MUSIC
  • The LEX-Files
  • BLOGS
  • PHOTOS
  • VIDEOS
  • GUESTBOOK
  • GLOBE GCASH
  • ABOUT
  • CONTACT US