
Para sa akin, ang tunay na musician ay iyong may pagmamahal at pagtangkilik sa musika nya at laging naghahanap ng ways para makatugtog at mailabas ang musika sa loob ng kanyang puso. Expression in the time of depression.
Walang pera-pera, makatugtog lang ay masaya na. At hindi nga rin umaasa sa sasabihin ng iba. In short, ang priority ay ang tugtog at makapag-share somehow.
Minsan kasi, natuto lang tayong tumugtog at makapagbasa ng standard notations at napuri pa ng iba ay maiisip na kaagad natin na puedeng pagkakitaan ito. Konting tugtog lang sa instrumento ay may pera na kaagad na katapat.
I guess natural ito sa iba kasi it’s really cool na pagkakitaan ang tugtog.
Pero mas cool pa lalo kung ang “favorite” mong type ng music ay nagpo-provide ng pera para sa iyo. Ang iba kasi, napipilitan na lang na tumugtog for practical reasons, para kumita at mabuhay. Tumutugtog ng RnB or variety pero mga hard rock, metal or fusion ang nasa puso at ang totoong trip. Kaya nakakabilib ang ibang musikero na nananatili sa kanilang chosen craft at kahit anong mangyare, taas-noo pa rin sila sa kanilang ginagawa. Kumbaga sa favorite color, hindi mo ito basta-basta mapapalitan.
Ang iba naman, nakagawa lang ng isang bagay na feeling nya ay may na-achieve na silang super-momentous pero hindi naman nabigyang pansin ng iba, ang unang gagawin ay mag-revolution at tuluyan na ring maghahanap ng mas mataas na offers at mag-seek na rin ng ibang followers. At sempre, dun sila sa pakiramdam nila ay well-compensated sa kanilang mini-musical traits pero with maxi-kupal attitude.
Pansinin natin ang mga underrated na musicians, sila ung mga tunay na magagaling pero sila yung hindi masyadong nakakaangat sa buhay in terms of money matters. Maraming artists ang nagsimula na pulubi at hindi napapansin bago sumikat nang husto. Mahalaga kasi sa kanila ang artistic side ng music, hindi iyong monetary side nito. Saludo ako sa mga Indie at underground artists dahil sila iyong may tunay na dedication at good musical taste. Pero minsan, ang mga artist na ganito kapag nakatuntong na sa fame, ang ilan ay nagiging ganid at nagmumukhang pera na rin.
Enjoyin lang sana ang music. Basahin muna sana ang music notes sa harapan mo bago isipin ang bank notes sa bulsa.
©2013 Lex Von Sumayo