
Siyempre, pa-mysterious effect para hindi mahulaan. Ang pinang-sulat ko pa dito ay ang aking kaliwang kamay para maiba lang ang stroke at yung font style.
Itong papel na ito ay galing pa ata sa best bud kong si Jon or kay Kuya Vic. Basta Beatles ay cool naman lagi kaya ito ang ginamit ko.
Ang ginamit kong "Alias" ay FIRST RAYS OF THE NEW RISING SUN, na title ng isa sa mga album ni Jimi Hendrix.
Malamang na bandang April 1998 ito naisulat. Sa aking pagkakaalam ay pagkatapos mabasa ito ni Juvy ay hinanap nya sa lahat ng logbook ng Jollibee ang handwriting style ng nasa sulat. Medyo natagalan pa siya na malaman ito. Natagpuan nya ang aking alias sa isang logbook na ako lang ata ang nagsusulat.
Nakakatuwa dahil tinabi pa ito ni Juvy. Kakakilig kapag naaalala mo ang mga ganito. Nakakatakot din minsan dahil pagkatapos ng sulat na ito, bumilang pa ulit ako ng 8 months bago ako muling makasulat sa kanya. Hindi naman kasi nanliligaw ang style ng sulat kaya walang proof na na-busted ako, hehehe. Si Juvy ay naging kasintahan ko noong February 2, 1999 at naging kabiyak noong July 8, 2006.
Anyway, ito ang nilalaman ng sulat:
Juvy,
I really don’t know how to start things out here. May be my fear towards you is helping me a lot. But you know, instead of saying silly words of love to you, I will rather shut down all my rugged senses and keep them as it is.
Just in case you’re filled with simultaneous “wonders”, or you have this desire to know who I am, well I think you better look for a strange reason and a perfectly done response --- that I’m sure it will immediately mould into an answer.
Anyway, I’m really scared to lose a friend and a feeling and by that, my innate propensity is telling me to be in silence and to wait for the right time.
Thank God, the feeling of love is in my heart again.
The race is on --- between my fears and my everlasting hope to be loved.
Your time and attention is much appreciated.
Be well, I will be sending twelve angels just to take care of you.
- First Rays of the New Rising Sun
Hindi na uso ang ganitong mga sulat. Medyo tamad at mainipin na ang tao.
Gayunpaman, ang mas mahalaga pa rin lagi ay ang sincerity ng bawat salita at titik na pinapahiwatig ng may katha sa kanyang napupusuan at minamahal.
© 2015 Lex Von Sumayo