![]() waiting in vain Tulad ng Pasko ito ay hinhintay at pinaghahandaan. Ang mga teleserye o soap operas ay sinusubaybayan, ang pagtigil ng kirot ng iping bagang para mabunot at matapos na ang pagdurusa gabi-gabi sa pagtulog. Nakasulat sa ibaba ang ilan pa sa mga karaniwang bagay na hinihintay at sadyang inaabangan, NOTE: be patient. 1. Sagot na Oo o Hindi sa nililigawang chick, I Do sa weddings 2. Resulta ng mga exams (medical, board, o lahat ng uri ng test) 3. Reply sa message sa email or tawagan sa ina-applayan na trabaho 4. Lotto, sweepstakes o any raffle 5. Regalo sa pasko, birthday, kasal o binyag 6. Remittances ng OFW 7. Bayad ng mga may utang 8. Customer na bibili sa iyong tindahan 9. Bus o dyip sa abangan at ang paglapit ng konduktor para sa iyong bayad o paghintay din ng sukli 10. Bukas, makalawa o weekends 11. Maubos ang pasensya at tuluyan nang sumuko 12. Musika o bagong album ng idol na musikero; comeback o reunion concert 13. Paghilom ng sugat sa puso better known as heartache 14. Sueldo 15. Inorder na pagkain sa KFC o Jollibee, delivery o dine-in 16. Lumamig nang konti ang sabaw ng sinigang o ng bagong timplang kape o tsaa 17. Mapansin o masulyapan ng crush 18. May mag-like o mag-comment sa wall post o shared link sa FB 19. Pagsilang ng sanggol sa sinapupunan 20. Pagbabalik sigla ng isang taong binuhusan ng sandamakmak na pighati at poot 21. Matigil ang labanan sa Mindanao o ang lahat ng gulo sa mundo 22. Paglambot ng karne o gulay na pinakukuluan 23. Maalala ang nakalimutan pero nasa dulo na raw ng dila 24. Paggaling ng mga may sakit, kahit sakit-sakitan o may sakit sa isip 25. Dapuan ng antok 26. Pagluwag ng Converse All-Stars na sapatos para sumarap na sa paa kapag suot-suot 27. Pagliit ng tiyan, pagbaba ng timbang o pagpayat 28. Makapagtapos ng pag-aaral 29. Forgiveness 30. Sinag ng araw sa walang tigil na pag-ulan at para matuyo na rin ang sinampay kaagad 31. Sale or mga Promo sa mga malls 32. Palabas sa sine, Transformers 4, Rocky 8, Panday 10 33. Laban ni Pacquiao 34. Pag-amin o confession ng mga tao na alanganin ang gender 35. Bill ng kuryente, phone, credit card o simpleng receipt sa pagbili ng Magnum 36. Taglamig para maisuot na ang mga pamormang jacket 37. Traffic lights para mag-green 38. Sinaing na bigas, click ng rice cooker 39. Alarm clock pero pipindutin naman ang snooze 40. Alukin sa pagkain lalo na pag gusto mo ung ulam o iyong inaalok 41. Labanan ng koponang Ginebra at Purefoods o Crispa at Toyota, old skul basketball ito mga kids 42. Dumaan ang binatog, taho o napoy sa tapat ng bahay 43. Matapos na ang Harry Potter, ang tanda na nila eh 44. Magka-boyfriend o magka-girlfriend ang mga napag-iwanang klasmeyts 45. Magkamali o masintunado ang hate mong contestant sa American Idol 46. Pagputi ng uwak, para sa mga long-term waiters na ito 47. Umupo ang mga nakatayo sa sinehan para makita nang maayos ang pinapanood 48. Mapalitan ang nakaupong corrupt na pulitiko 49. Matunawan kaagad para sumundot na kaagad ng iba pang chibog 50. Lahat ng FREE, free entrance, free taste, free lessons, freedom Naku po! Ang dami palang puedeng hintayin. Pero sa katunayan, isa lang talaga ang hinihintay ko ngayon, ang PAGBABALIK ng darling ko na nawalay sa akin ng halos isang linggo na. Missing you na! © 2012 Lex Von Sumayo
0 Comments
|
AuthorLex writes because his head is always full. Titles
All
|