![]() time will tell Bukod sa pagtulog at paghinga, isa rin sa pangangailangan ng tao ay ang paggamit ng oras. Noong unang panahon pa man ay umaandar na ito at ino-obserbahan. Dati ay sa paglitaw at paglubog lang ng araw nasusukat ang oras pero ngayon ay may iba-iba ng mga paraan para dito. Ano ba talaga ang oras para sa atin? Minsan nga ay natatakot pa ang tao dito at may pagkakataon din na hinahabol pa ito. Kadalasan naman ay nahuhuli tayo at hindi nakakarating sa oras ng usapan. Maganda pag hinihintay natin ang oras ng recess or tapos ng trabaho. Ang saya di ba? May countdown pa nga tayo tuwing darating ang New Year tapos tatalon tayo, magyayakapan, magpapasalamat at matutuwa dahil sa nakaabot na naman tayo ng isang taon. Pero ang worst ay yung mawalan ng battery ang iyong relos at tuluyan na itong mamatay. Sama mo na rin pag nai-snatch! Yung ibang kakilala ko nga ay nawawalan ng oras 'pag iniimbita ko sila sa isang pagtitipon dahil ang sabi nila lagi..."busy ako at wala akong oras". Yung nanay ko naman dati ay lagi itong tinatanong, pagalit man at may halong sermon, "Alam mo ba kung anong oras na?! Gabi na at may pasok ka pa bukas!". Iba naman ay walang pakialam sa oras at tinatamad sa paggawa ng homework dahil nauubos ang oras sa on-line games at chat. Yung kaibigan ko naman ay lagi nyang tinitingnan ang kanyang Swatch dahil halos 2 oras na siyang naghihintay sa kanyang maarteng girlfriend. May mga iba naman dyan na matiyagang naghihintay ng suerte at nagsasabing "darating din ang lalaki para sa akin...". Ang mga kaaway ko man ay sinasabi sa akin na "darating din ang oras mo!!!!". Ang isang sundalo sa isang sagupaan ay kinakabahan baka tamaan siya ng bala ng kalaban. May pamilya pa naman siya na naghihintay sa kanyang pagdating. Ang nakapila sa silya-elektrika para sa death sentence ay nakatakda ang oras ng kamatayan. Ano kaya ang pakiramdam 'pag alam mo ang oras ng pagkawala ng iyong buhay? Itatanong ko nga rin sa mga pagkain ko dito sa bahay dahil mayrun silang mga expiration dates. Ang mga tropang party lovers at gimikeras ay madalas na mabitin sa oras. Kulang ang isang araw para sa paghithit ng yosi at chika sa mga friends na halos linggo-linggo naman nakakasama. Ang mga magsing-irog naman ay sobra-sobra ang oras para kumain ng sabay sa gabi at pati pagtulog sa dyip. Kaya minsan ay nawawalan na ng oras para sa sarili at maging sa ibang mga bagay. Sabi sa text, "Oras na para sumimple ng halik at kiskisan, umalis na ang kasama natin sa bahay! " Kahit nga yung magnanakaw, particularly ang akyat-bahay, ay gumagamit ng precision sa oras dahil kailangan na alam nila ang oras na wala na ang mga tao sa bahay na nanakawan. Sa pag-utot ka nga rin ay ino-orasan din natin kasi baka marinig ito ng katabi kaya tiempo lang na wala nang mga tao sa paligid. Inorasan mo ba ang niluto mong adobo? ang tigas pa ng karne eh! Sa huli ilagay kasi ang gulay nang hindi malamog! Shit! panis na pala itong kanin na kinain ko! Di ko natantya ang oras dapat kanina ko pa kinain! If only I could turn back the time... May oras ka dapat sa pamilya. Kausapin sila at i-treat once in a while. Call them if you're living or working abroad. Greet them sa birthdays nila or anniversaries. Hindi matatawag na sayang ang oras kapag ito ay nilaan sa pamilya. Bigyan ng ilang surprises para magkaroon ng kakaibang bonding. Share a joke or two. Show them the love in your heart. May oras ka rin dapat sa kaibigan mo maging sila man ay friend lang sa Facebook, Friendster or Multiply. Mag-comment sa mga posts nila at mag-click ng "like" kung talagang gusto mo naman talaga ang content ng post. I-share mo rin ang link nila paminsan-minsan. Mag -forward ng e-mails or send some snail mails. Makalimutan mo man ang birthday nila, basta 'wag mong kalimutan na tao rin sila. Kung nabasa mo ang blog na ito hanggang dito, salamat nang marami dahil sa paggamit ng iyong oras. Hayaan mo, ang oras ay parang pagbilang ng numero, walang hangganan at hindi kailanman mauubos! Salamat ah? Sa tingin ko naman ay hindi nasayang ang oras mo. Yung sa akin lang. Hehehe. © 2010 Lex Von Sumayo
0 Comments
|
AuthorLex writes because his head is always full. Titles
All
|