Sabi nila, ang mga madalas talagang mag-reklamo sa buhay ay iyong mga “meron na”. Yun bang mga kumpurtable na sa buhay---mayroon nang natitirhan, may datung dahil sa trabaho at may pagkain na sigurado sa hapag-kainan. Sa madaling salita, mga mayayaman. Bakit kaya ganun? Mahirap daw kasing paliwanagan ang mga yan. Laging may “say”, laging “kontra-bulate combantrin”. Yung tipo na hindi nagpapatalo basta-basta, parang nasasapian, sobrang nangangaral at galit sa mga bobo at tanga. Sabi rin nila, mas marami ang extra-time ng mga yan. Kapag nakakita nga ako ng ini-interview na leader ng nagra-rally, lagi akong napapatanong na, “Trabaho nya na kaya iyon? May pamilya ba o responsibilidad yan?” Kasi ang daming time! Active na active! Siguro nga ay compensated ang mga yan, otherwise, maalwan sa buhay. Yung mga printed materials, mga tarpaulin, yung mga effigies na sinusunog, may expense lahat yun. Saan galing ang funds? Sus ginoo, minsan nga nakakita ako ng mga nagra-rally na naka- OOTD pa! Eh di wow! Ang mga maiitim gustong pumuti. Ang mga mapuputi, nagpapa-tan. Ang mga macho, gustong maging beauty queen. Ang mga sexy, gustong may mababang boses. Ang mga kulot, gustong magpa-straight. Tingnan mo, ang lahat ng mga yan ay para lang doon sa mga may kakayanan. May panggastos. May extra si Ma’am Sir. Panay reklamo sa trapik sa EDSA, di ba mga pribadong sasakyan ang nagpapasikip sa daan? Panay reklamo sa pagtaas ng presyo ng gasolina, sino nga ba ulit yung may pambili ng sariling sasakyan? Sa tingin ko, hindi lang talaga nakukuntento, kaya nagre-reklamo. Mayayaman sa kaalaman pero sadyang mahirap makaintindi sa payak na mamamayan. © 2022 LVS Works
0 Comments
|
AuthorLex writes because his head is always full. Titles
All
|