LVS WORKS
Menu

Salamat 2010

12/28/2010

0 Comments

 
Picture
parang taon, napapalitan
Magaling talaga ang pagkakataon. Hindi nya pinagsasabay ang lahat ng pabor sa iyo. Kumbaga, laging may kaliwa't kanan ang sitwasyon.

Sa kabila ng maraming experience at knowledge na naibigay sa iyo, hindi ito natapatan ng materyal na bagay o salapi. Dahil nauwi ka sa puro investments, risks, trials at experimentation.

Naging masaya at tagumpay ang lahat ng iyong na-plano, sa likod nun ay marami pa ring kulang at hindi nakikibagay sa hulog. Parang binigyan ka ng isang malaki at machong katawan pero lumiit naman ang iyong utak at pasensya.

Nagkaroon ka nga ng matataas na uri ng technolihiya ngunit hindi mo naman ito nama-maximize dahil tamad at wala kang oras na pag-aralan ito. Sayang lang dahil ito'y isang status symbol lang para sa iyo. Parang bumili ka ng eroplano pero hindi mo naman ito sinasakyan at pinapalipad. Wala kang ibang ginagawa kundi  ang tingnan at punasan ito hanggang sa kumintab.

Naging sarili mo nga ang kubeta para sa pagdumi, ang katabi mo naman ay parang bisperas na ng bagong taon dahil sa mga nakakabinging utot. Nasa iyo man ang pinakamagandang upuan sa sinehan ay hindi mo naman maintindihan ang pinapanood dahil sa maingay ang katabi mo sa pagdakdak at pagkain ng chips.

May mga magagandang pagkakataon na nangyari sa iyong buhay ngunit nag-iisa ka lang para ito'y i-celebrate. Paano mo isu-shoot ang dalawang bola sa isang ring o goal? Kailangang magsakripisyo. Kung gusto mong pagsabayin ay kailangan mong impisin ang isang bola para magkasya ito sa iisang lalagyan.

Natapos ang taon nang hindi mo namamalayan dahil ang 365 days ay nimamnam mo nang husto. Nagising ka nang maaga at natulog ng hatinggabi. Nabuo ang ideya at naitayo mo ang iyong sariling gusali. Napatunay mo na ang oras ay nauubos ngunit ang pag-asa ay hindi.

Pero kung ikaw ay walang inisip kundi ang magsaya at magsayang ng oras, sigurado ako na napansin mo ang paglipas ng oras.  Sabi nga nila, kung sino yung mas nakakalimot ng oras at araw ay siya pa iyong may pagpapahalaga sa mga ito.

Kahit ano pa man ang naganap sa buong taon ng iyong buhay, may kasama ka o nag-iisa, maitim o maputi,  manipis o makapal ang mukha , magiging kabilang ka pa rin sa mga mapapalad na nilalang na nakasaksi sa pag-ikot ng ating mundo sa haring araw.

Salamat 2010.


© 2010 Lex Von Sumayo


0 Comments

    Author

    Lex writes because his head is always full.

    Titles

    All
    Ang Buhok Ayon Kay Leema
    Ang Langaw Sa Ibabaw Ng Kalabaw
    Ang Pagbabalik
    Ang Pagitan
    Ang Pila
    Ang Pinakamalapit
    Ang Sasabihin Ng Iba
    Anong Klaseng Gulay Ka?
    Bulkan Ni Plado
    Dig Deeper
    Disiplina Lang
    Dream Coming True
    Dyaryo Na Naman
    Eleksyon 2010
    Eric Clapton
    Gaano Katagal
    Happy Naman Lagi
    Hindi Naman Talaga Iyon Ang Nasa Isip Ko
    Iguhit Ang Araw Para Hindi Umulan
    I'm Back To Weebly
    Kahulugang Hindi Maintindihan
    Kailan
    Kailangang Mangailangan
    Kalayaan
    Kasi Nga Hindi Malinaw Malabo
    Katumbas Ng Balbas
    Keep On Trying
    Kuwento Ko Sa Bato
    Lalaban Ka Ba Sa Laban
    Mami
    May Aalis May Darating
    Mga Kuwento
    Mga Kuwento Sa Likod
    Music Notes Or Bank Notes
    My First Autograph
    My First Love Letter To Juvy
    Nabasa Ko Lang
    Nandito Ako Naghihintay Sa Iyo
    Opm For Solo Guitar 1st Year Anniversary
    Opm For Solo Guitar 2nd Year Anniversary
    Oras Ng Buhay
    Paghihintay
    Pambansang Papansin
    Payong Kaibigan
    Productivity
    Read And Write
    Reklamadors
    Salamat 2010
    Sa Totoong Buhay
    Selective Hearing
    Sorry To Be Honest
    Sumasabit Ang Naiipit
    Summer Of 88: Salamat Sa Sound
    Tamang Mali
    Tumingin Sa Araw Wag Sa Buwan
    UFO (Unidentified Fan Of...)
    Uri Ng Facebookers
    User-friendly
    YOUTUBE: Unknown Errors

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • HOME
  • POP
  • OPM
  • E-BOOKS
  • FREE SHEET MUSIC
  • The LEX-Files
  • BLOGS
  • PHOTOS
  • VIDEOS
  • GUESTBOOK
  • GLOBE GCASH
  • ABOUT
  • CONTACT US
  • HOME
  • POP
  • OPM
  • E-BOOKS
  • FREE SHEET MUSIC
  • The LEX-Files
  • BLOGS
  • PHOTOS
  • VIDEOS
  • GUESTBOOK
  • GLOBE GCASH
  • ABOUT
  • CONTACT US