![]() madaling pumili ng tunog Mapipili mo ba ang iyong naririnig? Sa music ay possible na i-isolate mo ang particular na instrumento or melody ng isang kanta. Ganito ang ginagawa ko sa pag-aareglo ng mga songs, pinapakinggan ko lang ang melody at halos binabalewala ko ang ibang parts (drums, bass, piano, guitar, etc…) At sa pagkuha ng chords naman ay sa bass ako nagsisimula then ma-figure out mo na rin kung major or minor base sa kanilang feeling (happy or sad). Sa pop ay kaya ko pa ito pero pag sa Jazz ay sobrang hirap. From rhythm to harmony, ayy naku! Ang daming iisipin. But still sa kabila ng lahat, ay nagagamit mo pa rin ang selective hearing. Puede mo ba itong magamit sa ibang bagay? Katulad sa mga pagkakataon na ayaw mo nang marinig? Like ung mga masasamang bagay or mga negative ideas na naririnig mo everyday? Katulad din ng mga tsismis at paninira na binabato sa iyo? Puede kaya na ‘wag na lang natin iyon g marinig? Dapat sana ay puro positive na lang. Pero hindi ganun ang sistema May mga tao kasi na sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay puro mura at swear words ang maririnig mo. Kung hindi sex ay halos pera lang ang pag-uusapan. Kahit nga mga nakakaasar na tawanan ay nakaka-irita pa rin paminsan-minsan. Kung meron kang Ipod or any mp3 player ay isinusuksok mo kaagad para hindi mo marinig ang ingay o boses nung kina-iinisan mo. Isasara mo ang pinto kahit hindi naman ito soundproof. Just the idea or yung gesture na ayaw mo lang marinig kahit na gabulong lang ang boses ng mga asshole mong kasama sa bahay, sa workplace and even sa biyahe sa dyip, LRT or FX. Nakakalito rin minsan ang mga naririnig mo. Akala mo ay utot pero hindi naman. Kayang i-fake or i-mimic ang ibang sound. Ang pag-ubo at ang paghikab ay kayang dayain. Pero ang tanong ko lang naman, nagagawa nga nating piliin ang ating mga naririnig pero mapipili ba natin ang ating mararamdaman para dito?
Piliin mo lang sa simula at pilitin mo itong pakibagayan. Iyon lang ang nakikita kong solusyon.
1 Comment
|
AuthorLex writes because his head is always full. Titles
All
|