![]() puedeng gawing reviewer Bago pa magbakasyon ng 1988 ay nai-hand-over na ni Miss Carmelita Santos, teacher ko sa HEKASI at coach sa Quiz Bee sa History ang lumang-lumang reviewer na halos mapunit na kaya dahan-dahan lang dapat sa pagbuklat. Ang laging sambit ni Ma'am, "wala pang natatalo sa District Level...kapag nagkataon ay ikaw ang unang matatalo kung hindi mo gagalingan!". Ang bigat ng pressure noon para sa akin. Bilang isang bata na mabigyan ng ganung klaseng responsibility ay talagang kakaiba noong time na yun. Araw-araw ay nagre-review ako ng ilang pages. Siguro ay 10 to 20 pages a day! Since na busy ang nanay noon, hindi nya ako masyadong natutulungan kaya nakaisip ako ng cool na paraan para ma-review ko ang sarili ko in a different way. Sakto naman at mayroon kaming cassette recorder nun. Ang ginawa ko ay naghanap ako ng mga lumang tapes na hindi na ginagamit at doon ko ni-record ang mga questions na parang ako si Ms. Santos na nagtatanong. Kumuha ako ng marker to mark ung mga sides ng tapes like side A: page 23-50; side B: 51-73. Ganun ang ginawa ko kaya halos na-memorize ko rin ang buong notebook dahil sa aking nakakatuwang "cassette reviewer". Medyo clever ang idea pero yun lang ang paraan ko para hindi ako mangamote sa araw na iko-coach ako ni Ms. Santos sa bahay nila. May mga times din naman na umiiyak ako kay Ms. Santos kapag hindi ako nakakasagot sa mga random questions nya. Lalo na noong lampas 100 pages na kami kasi naghahalo-halo na sila. Kaya random na rin ang paggamit ko ng "cassette reviewer" ko. Pikit kong pipiliin ang nagkalat na tapes at isasalang at maghihintay kung ano ang ibabatong mga tanong. Ginawa ko ang routine na ito, kulang-kulang 2 months! Kaya hindi ako masyadong nakakapaglaro sa labas at na-miss ko tuloy ang patintero, shato, at touching ball friends ko! Hanggang sa dumating na rin ang araw ng Quiz Bee na ginanap sa Dagat-Dagatan Elementary School. Kabilang din sa mga sumali ay ang San Jose Academy, Kapit-Bahayan Elem. School, San Rafael Elem. School, Bagumbayan Elem. School, Bangkulasi Elem. School at ilan pang schools sa District I ng Navotas. Umuulan pa nga nito kaya medyo kinabahan ako dahil baka bumaha at hindi kami makaabot sa competition! Hehehe. Habang nasa biyahe kami ay pinapabasa pa rin sa akin ni Ms. Santos ang ilang papel na ang nakasulat ay mga current events at mga newly appointed government cabinet members. Dagdag na naman sa utak ko pero salamat na rin at may ilan ding nakasama doon sa actual competition. Nagsimula na ang Elimination Round. May 20 questions, multiple choice. San Jose Academy got the highest score! 19 points! Ako naman ang pinaka-kulelat dahil 12 lang ako! Medyo masama na ang tingin ni Ms. Santos sa akin. Pero since na pasok naman ako Elimination Round dahil more than half ang score ko kaya oks na yun! Then came yung Easy Round, wala akong mistakes. At sumunod ang Average Round, lahat ay nasagot ko! Sundan pa ng Difficult Round na halos lahat ng katabi ko ay natatanggal na, hindi na ako tumitingin sa likuran ko, basta sulat lang nang sulat ng sagot sa papel. And now we're down to two sa Clincher Round. I still remember yung last question: Sino raw ung explorer sa Spanish Expedition na nakabalik sa Spain at nakapagpatunay na bilog ang mundo? My answer: Sebastian del Cano. Napatalon ako sa tuwa dahil... Yup! Nag-champion ako! Hindi ko nabigo si Ms. Santos! First time ang feeling ng pressure sa mga bagay-bagay pero worth ang experience na ito. Ang reward ni Nanay --- isang Ghostbuster action figure na si Peter Venkman na kapag ginalaw mo ang arms, lumuluwa ang mga mata! Pero siyempre bukod kay Ms. Santos, ako ay nagpasalamat nang husto sa sound at sa aking naisip na "cassette reviewer"! Astig di ba? © 2010 Lex Von Sumayo
3 Comments
|
AuthorLex writes because his head is always full. Titles
All
|