LVS WORKS
Menu

Tumingin Sa Araw, 'Wag Sa Buwan

9/23/2011

1 Comment

 
Picture
araw-araw may buwan
Sumakay ako sa isang dyip kaninang umaga at nakasabay ko si Shai. Dahil sa siya ang nauna sa loob nito, dali-dali niya akong binayad ng pamasahe. Pasakay pa lang daw ako ay hinanda na niya ang kanyang munting lalagyan ng barya. Hinantay nya muna akong tumingin at saka pa lang siya nagmadaling nagbayad.

Banaag ko pa rin sa mukha ni Shai ang natural na ngiti na minsan din akong pinahanga. Pero kung titingnan mo siya nang husto, mapapansin mong unti-unti ang tunay na kulay ng kanyang puso.

Habang kami ay nasa dyip, natanaw ko ang lumang paaralan namin at itinuro ko iyon kay Shai. Napansin ko ang biglang pagkalungkot ng kanyang mga maliliit na labi at sa kanyang malumanay na mga mata. Ako naman itong nabahala at tinanong ko siya kaagad, “Bakit Shai, ano ang prublema?” Hindi siya sumagot at dali-dali siyang pumara. Bumaba siya at ako’y naiwan lang na nakatulala habang papalayo ang sinasakyang dyip.

Gusto ko sanang bumaba at sundan siya ngunit sadyang importante ang oras na ito para sa aking pag-aaral. May malaking pagsusulit kami sa siyensya at etiks kaya naisip ko man na alamin ang dahilan sa naganap, binuklat ko na lang ang aking libro at pilit na nagbasa ng ilang pahina.

Pinuntahan ko noong hapong ding iyon ang bahay nina Shai pagkagaling ko sa paaralan. Kumatok ako sa pinto at bumungad sa akin ay ang kanyang ina na halos nabigla ngunit mga ilang segundo lang ay nagalak at hindi ko naman mawari kung bakit. “Pumasok kang madali dito, iho!”, ang ipit na pasigaw niya. Sumunod naman ako. Nakaramdam na ako ng takot ng mga sandaling iyon. “Ano ho ang nangyayari at nasaan ho si Shai?”, ang nauutal kong tanong.

Hindi rin siya sumagot at inabot lang sa akin ang isang papel. Magtatanong pa sana ako ngunit halos itulak niya na ako palabas ng bahay nila. Nagpaalam pa rin ako sabay kamot sa aking ulo.

Binulatlat ko ang papel na ibinigay sa akin at ito ang nakasulat: “Tumingin sa araw, ‘wag sa buwan…” Madalas ko itong mabasa pero hindi ko alam kung saan ko iyon nakita.

Pag-uwi ko sa bahay ay hinalughog ko ang mga lumang gamit at aklat. Tiningnan ko isa-isa ang lahat ng mga iyon maging ang likuran nito. Halos lahat ng aklat ko ay may mga sulat ni Shai. At ganun din ang nakasulat: “Tumingin sa araw, ‘wag sa buwan…” Naguluhan ako bigla at napaisip nang husto sa nabasa.

Habang inuusisa ko ang ilang aklat, dumating si Inay. Halos nanlaki ang mata ni Inay nang makita nya ang ginagawa kong pagbabasa sa mga libro. “Anak…may mga bagay na hindi ko makuhang sabihin sa iyo. May mga pagkakataon na gustuhin ko man ay hindi ko magawang ipagtapat sa iyo…”

Isang mabilis na paglingon ang ginawa ko. “Ano po ang hindi ko alam Inay? May kinalaman ba ito sa mga nakasulat sa mga librong ito?”, ang tanung ko. Hindi sumagot si Inay at dali-dali siyang pumasok sa kanyang silid. Mga ilang sandali lang ay nagbalik siya at may inabot sa akin. Isang sulat iyon na ako ang nagkatha at ito ang nakasulat:


Mahal Kong Shai,

Maaaring pagkatapos ng lahat ng ito ay hindi na kita makikilala. Maaaring mapawi na ang lahat ng mga alaala ko sa iyo. Lubhang mapanganib ang pag-alis ng tumor sa aking utak. May mga bagay na maiiwan, magugulo at mawawala sa aking isipan. Ang pagmamahal ko sa iyo ay baka tuluyan na ring maglaho. Nakakalungkot ngunit ito lang ang tanging paraan para magpatuloy ang aking buhay.

Kung mayroon man akong hiling sa mga sandaling ito, iyon ay ang makapiling ka nang mas matagal hangga’t buo pa ang aking isip.

Umaasa at nagmamahal,

Den


Ang tanging lunas sa panunumbalik ng aktibong pag-iisip ay ang natural na proseso. Ang kusang malaman at maitindihan ang mga bagay na lumipas na at darating pa. Hindi na ako nagtanung kay Inay tungkol sa sulat na iyon.

Gumising na lang daw ako nang maaga bukas at tanawin ang araw at ang buwan. Yun nga ang ginawa ko.

Nakita ko ang buwan…wala namang makitang kakaiba ngunit nang pagmasdan ko ang araw habang pasikat ito sa silangan, natanaw ko rin nang bahagya ang mataas na bahay nina Shai.

Ngayon ay nanumbalik na sa aking isipan ang ibig sabihin ang lahat ng ito. Sa tuwing ako ay lalabas ng bahay at titingin sa silangan, matatanaw din ako ni Shai mula sa ikawalang palapag ng bahay nila at magmamadali na siyang bumaba para makasabay niya ako sa paglalakad patungong terminal.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sa loob ng 5 taon, kahapon ko lang nakasabay ulit si Shai sa dyip.

© 2006 Lex Von Sumayo


1 Comment

    Author

    Lex writes because his head is always full.

    Titles

    All
    Ang Buhok Ayon Kay Leema
    Ang Langaw Sa Ibabaw Ng Kalabaw
    Ang Pagbabalik
    Ang Pagitan
    Ang Pila
    Ang Pinakamalapit
    Ang Sasabihin Ng Iba
    Anong Klaseng Gulay Ka?
    Bulkan Ni Plado
    Dig Deeper
    Disiplina Lang
    Dream Coming True
    Dyaryo Na Naman
    Eleksyon 2010
    Eric Clapton
    Gaano Katagal
    Happy Naman Lagi
    Hindi Naman Talaga Iyon Ang Nasa Isip Ko
    Iguhit Ang Araw Para Hindi Umulan
    I'm Back To Weebly
    Kahulugang Hindi Maintindihan
    Kailan
    Kailangang Mangailangan
    Kalayaan
    Kasi Nga Hindi Malinaw Malabo
    Katumbas Ng Balbas
    Keep On Trying
    Kuwento Ko Sa Bato
    Lalaban Ka Ba Sa Laban
    Mami
    May Aalis May Darating
    Mga Kuwento
    Mga Kuwento Sa Likod
    Music Notes Or Bank Notes
    My First Autograph
    My First Love Letter To Juvy
    Nabasa Ko Lang
    Nandito Ako Naghihintay Sa Iyo
    Opm For Solo Guitar 1st Year Anniversary
    Opm For Solo Guitar 2nd Year Anniversary
    Oras Ng Buhay
    Paghihintay
    Pambansang Papansin
    Payong Kaibigan
    Productivity
    Read And Write
    Reklamadors
    Salamat 2010
    Sa Totoong Buhay
    Selective Hearing
    Sorry To Be Honest
    Sumasabit Ang Naiipit
    Summer Of 88: Salamat Sa Sound
    Tamang Mali
    Tumingin Sa Araw Wag Sa Buwan
    UFO (Unidentified Fan Of...)
    Uri Ng Facebookers
    User-friendly
    YOUTUBE: Unknown Errors

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • HOME
  • POP
  • OPM
  • E-BOOKS
  • FREE SHEET MUSIC
  • The LEX-Files
  • BLOGS
  • PHOTOS
  • VIDEOS
  • GUESTBOOK
  • GLOBE GCASH
  • ABOUT
  • CONTACT US
  • HOME
  • POP
  • OPM
  • E-BOOKS
  • FREE SHEET MUSIC
  • The LEX-Files
  • BLOGS
  • PHOTOS
  • VIDEOS
  • GUESTBOOK
  • GLOBE GCASH
  • ABOUT
  • CONTACT US