
Nag-aral ako ng guitar noong ako’y 15 years old, ang una kong Jingle Songbook ay ang The Beatles (yung pula). Marahil ay nagkataon lang ito dahil muling naipalabas ang mga documentaries ng The Beatles sa mga unang palabas ng ABC-5. Tama naman si Erpat, kapag natugtog ko daw ang mga awitin nila ay mas lalawak ang appreciation ko sa music. Naroon na kasi sa tingin ko ang mga basic information about different genres like rock, pop, country, blues, jazz, etc.
Nang lumaon ay parang nagsawa na rin ako sa pagbabasa ng chords at TABS lang. Naisip ko na harapin ko na ang aking kinakatakutan---ang standard notation! Sa tingin ko ay mas mapapalawak pa nito ang aking interes sa musika dahil hindi naman lahat ng music ay recorded via audio. Ang iba ay nakapaloob sa mga libro in sheet music or standard notations. Hmm…
I need to dig deeper. So, I enrolled sa PWU School of Music (formerly PWU College of Music) para sa isang Summer Preparatory sa classical guitar. Naituro sa akin ang left/right hand techniques and sempre ung pagbabasa ng notes or standard notations. Akala ko ay mula 1960 music lang ang malalaman ko, mas luma pa pala sa luma ang musical journey na ito. Nagustuhan ko ito at naging seryoso. At siempre, tinapos ko ang course na ito. Sa palagay ko ay madali mong matatapos ang isang bagay kung masaya ka at gusto mo ang iyong ginagawa. Wala nang tanong pa. Ito ay isang hobby na naging profession eventually.
~ ~ ~
Pagdating ko dito sa Dubai, pa-boom pa lang ang digital point and shoot cameras. Wala akong idea tungkol sa mga DSLRs. Una akong nakakita ng ganung klaseng camera during our pre-nuptial shoot noong 2006, Canon 20D yun! I was so amazed kung paano lumalabo or nagiging blurry ang background. Gamit nyang lente ay yung 70-200mm f/2.8 (based yun sa Exif)
I need to dig deeper. Noong nasa Boston pa si Erpat, I asked him to look around sa Target for a Nikon D40. Sa sobrang excited siguro ni Erpat ay nabili nya ay yung Nikon F65! Sabi ko, “Tay, balik nyo po yan! Film camera pa po yan…” At iyon nga, napalitan naman at na-iskor nya ang Nikon D40 with kit lens at yung 55-200mm lens.
Shoot dito, shoot doon. Practice talaga lagi. Pero parang may kulang. Hindi ko ma-blurred out ang background sa kit lens. So, I acquired my first prime lens, ung Nikkor 35mm f/1.8, then followed by Sigma 10-20mm. Then the journey continued pa hanggang sa bumili ako ng second hand na Nikon D50 na wala palang backlight ang top LCD. Few months lang ito then binenta ko ulit.

Mirrorless! Smaller, lighter and of course, has the ability to acquire older lenses (legacy lenses).
I need to dig deeper. Since sobrang mahal ng mga lenses ng Sony, may mga cheaper and affordable alternatives.
Ito nga iyong mga legacy lenses na tinatawag. Ito iyong mga gawa pa from 1928 to 1990. Yun nga ang nangyari, dahil sa camera kong ito (Sony a6000), bumalik ako sa mga luma. Cool talaga and since na manual focus lahat, mas bumibilis ang reflex mo to compose at talagang mata-mata lang. Hindi ko na masyadong iniisip ang mga auto features, yun lang pag-shoot lang or pag-compose ang iniintindi. So far, ay ito ang mga na-acquire kong legacy lenses: Hanimex 28-80mm Macro, Vivitar 35mm f/2.8, Takumar Bayonet 135mm f/2.5, Vivitar 28-105mm f/2.8-3.8, Minolta 50mm/1.7 at ang SMC Takumar 50mm f/1.4. Very cheap ang mga ito pero very sharp ang output!
Ganito talaga siguro ang sequence. Babalik at babalik talaga tayo sa nakaraan para matugunan ang kailangan ng kasalukuyan.
I always learn from the past.
That is why… I dig deeper.
© 2015 Lex Von Sumayo