
Nakaramdam na kasi ako nang kakaiba kaya nag-decide nang mag-control sa pagkain. In other words, Diet and Exercise ang ginawa ko. Nagbawas na ako ng kanin, wala na masyadong merienda at mga pagkaing rich in carbo. Walang softdrinks or cola, mga juices ko dapat ay freshly squeezed! Hindi yung Rani or may mga artificial flavoring or with added sugar.
Pag-uwi galing sa trabajo ay ibaba ko lang ang gamit ko then sibat na kaagad to walk for 45 minutes. Dyan lang sa Al Wasl Road while listening to some mp3 music sa aking CD mp3 player! Wala pa kasing Ipod noon (or kung meron man ay sobrang mahal!) Ganun lang ang ginawa at unti-unti ko nang nararamdaman na gumagaan na ako at hindi na ako mabilis hingalin.
Ngayon ay lumalaki na naman ako (sabi ng misis kong si Juvy), kaya hangga't maaga pa ay kontrolin na ang pagkain at simulan na ulit ang long walks!
Sa akin lang, sa lahat ng bagay, kung gusto mong may ma-reach na goal, disiplina lang talaga ang kailangan. Wala ng iba pa. Yun lang.
So, ikaw? Ready ka na ba sa disiplina mo? Magsimula ka na.