![]() mabilis at simpleng gawin Babalik at babalik rin talaga ako sa madaling paraan. So far, itong weebly lang ang may option to upload or post almost everything. Maliban sa videos at audio player (dapat ay update to Pro). Pero ang main point naman ay mai-share ko ang PDF files at yung ilang mp3 files kaya okay na sa aking itong Free. :) Pare, ang ganda ng Gallery ng Weebly! Astig! gusto ko rin itong blog nila, ang daling gamitin! Nag-try din ako sa Freewebs, Blogger at Wordpress, mahirap silang gamitin at wala nga ung options for audio upload. Ang Multiply naman parang tinanggal na nila ang option para sa Audio playlist at paglagay ng Music page. Nahihiya nga ako kay Marvin (yung nagbigay ng domain ko na sa Godaddy nya binili) kasi baka hindi ko na siya ma-update. Hassle kasi, dahil pag mag-u-update ako ng website ko, edit ko muna sa Dreamweaver then punta pang Filezilla to upload naman sa server. Pag busy ang server, nag-e-error pa. Eh dito sa Weebly, seconds lang ay ma-upload ko na kaagad ang isang PDF file, dun sa Filezilla ay ilang minutes pa ang aabutin! Pasalamat din ako sa experience na iyon lalo na web designing at dun sa Dreamweaver, dahil naintindihan ko ang ilang basic concepts ng CSS at HTML. May option to edit ang CSS itong template na gamit ko, pag nagka-oras ay kakalikutin ko. Kaya, it's nice to be back. Parang kinain ko ung manok nang naka-kamay! Dati kasi ay gumagamit pa ako ng spoon and fork! :)
0 Comments
Your comment will be posted after it is approved.
Leave a Reply. |
AuthorLex writes because his head is always full. Titles
All
|