
Tapos kaarawan ko pa. Maraming dapat pasalamatan. Unang-una (bukod sa Kanya at sa Pamilya) ay sa sobrang understanding kong kabiyak na si Juvy! Hindi ko maisip or ma-imagine ang kalagayan ko ngayon kung wala siya sa tabi ko.
Hindi mabubuo ang OPM at POP solo guitar projects kung walang motivation at inspiration na galing sa kanya. Walang JMCGO kundi dahil sa pagtulak sa akin to think big. Nagagawa ko ang mga ibang bagay ngayon na hindi ko nagagawa dati. Naging possible ang impossible.
May mga pagkakataon na bibitaw na ako sa isang pagkakataon pero napadali nya ang pag-analisa at nakuha ko ang punto. Naging malinaw ang pagtahak ko sa mga direksyon na kahit naliko minsan pero laging nagpapaalala gamit lang ang kanyang mga mata na ituloy lang at huwag na huwag hihinto.
Kulang pa ang lahat ng mga nabanggit dahil sa tingin ko ay hindi ito mauubos at hindi rin mabibilang dahil magkasama tayo magpakailanman.
Isipin lagi ang tama kaya nagiging tama ang lahat.
Isipin lagi ang pag-ibig kaya nagiging pag-ibig ang lahat.
Isipin lagi ang buhay kaya nagiging buhay ang lahat.
Isipin lagi ang saya kaya nagiging masaya ang lahat.
Salamat Ling! Mahal na mahal kita kaya happy naman lagi!
©2014 Lex Von Sumayo