LVS Works
  • HOME
  • ABOUT
  • SHEET MUSIC
    • OPM
    • POP
    • E-BOOKS
    • FREE SHEET MUSIC
  • BLOGS
  • VIDEO
  • AUDIO
  • GUESTBOOK

Kailangang Mangailangan

4/5/2010

2 Comments

 
Picturetaas o ibaba, lagi kang may kailangan
Lahat naman tayo ay may kailangan. May kailangang gawin, kailangang tapusin, kailangang bilin at kailangang may maramdaman. Noong bata pa tayo, elementary days, ang tanging kailangan lang natin ay yung makapaglaro sa labas kasama ang mga kaibigan. Konting laruan para gumana ang imagination at konting TV lang for entertainment. Then, pasok lang sa school at sumagot sa recitation at mga questions sa test paper.

Pagdating ng high school ay medyo nag-iba na. Nadagdagan at nag-iba na ang mga kailangan. Naghihilamos na sa gabi at nagpapahid na ng Rexona pagkaligo. Kailangan na ring magalit at natuto na ring magmura. Kailangang sumabay sa agos ng pag-ibig at nanligaw na rin. Nag-aral ng gitara para may magawa lang ang mga kamay at daliri. Kumuha ng entrance test sa mga colleges at natapos din ang high school nang may konting medal sa dibdib.

Dumating ang college at mga bulakbol. Pinabayaan ang kursong ECE at pinagpalit sa Music Degree. Nagkaroon ng serious GF at nagkaroon na rin ng seryosong path ang buhay. Nakapag-trabaho at nakatikim ng steak sa TGIF. Dagdagan pa ng ice cream sa Baskin Robbins at one-to-sawang roasted chicken pag tinatamad magluto.

Masaya pa rin naman ang mundo kahit wala kang blackberry na phone, DSLR na camera, original DVD movies at Macbook Pro na laptop. Lilipad pa rin naman ang balita sa iyo kahit wala kang cable TV or internet. Matatapos din naman ang araw mo kahit na ang kinain mo lang sa gabi ay soup at tinapay. Makakarating ka pa rin naman sa lugar ng trabaho mo kahit wala kang hulugan na sasakyan na pamporma lang naman.

Kung tutuusin ay " food-water-shelter " lang ang kailangan natin. Pero dahil gusto nating sumaya kahit na sandali lang, dinadagdagan natin ang pangangailangan. Imagine kung ang buong sueldo ay nilalaan mo lang sa basic necessities, siguro ay marami kang ipon sa bangko. Ang katwiran lagi ng iba --- kailangang magsaya at magpahangin paminsan-minsan. Yun nga lang, pag malapit nang matapos ang buwan, balik ka na naman sa mga de-lata na pagkain.

Tandaan mo, mas marami ay mas mahirap i-handle. Huwag ipilit ang sarili kung hindi mo naman kayang isiksik sa oras mo ang bagong pagkaka-abalahan. Hindi mo na rin dapat iniisip ang prublema ng iba dahil may sarili ka ring prublema di ba? Kailangan mo na rin magpatawad at kalimutan na ang bagay na nakasakit sa iyo. Ano ba ang mapapala mo sa pagkipkip ng galit? Kailangan mo ba yun? Ang maging isang sikat na kaibigan at maging centro ng atensyon, kailangan ba yun?

Madami tayong kailangan sa mundo pero hindi natin lahat yun makukuha, magagawa at makakamtan. Marami nang nagsakripisyo at nagbuwis ng buhay para lang sa isang bagay dahil kailangan lang na may patunayan. Maraming oras na rin ang nasayang kakatanim mo ng mga kalokohan sa Farmville. Natuyo na ang langis sa Middle East at sadyang magaling ka pa ring magdala na wala kang prublema. Kailangan ba sa image?

Naka-design ang tao para mangailangan. Hindi na yun puedeng mabago pero iyon ay laging madadagdagan. Natuto na tayo sa mga kinailangan at kakailanganin pa rin nating magpatuloy para mabuhay. Hayaan mo, hindi naman laging ganito dahil kailangan din nating magpahinga at sa paglaon, tayo rin ay mamamatay.

Iba-iba ang kailangan natin sa mundo pero dapat ba ay laging may dahilan?

© 2010 Lex Von Sumayo


2 Comments
LT
5/28/2010 12:23:52 am

Human is insatiable kaya kailangang mangailngan.

Reply
Tey
6/1/2010 06:16:08 am

Human become insatiable dahil sa pag-ibig sa sarili at sa salapi (2 Tim. 3:1-3). Pero kung ang pag-uusapan katuwirang mula sa Biblia dapat matuto tayong makuntento kung ano man ang meron tayo.

Tama si Lex sa isang banda na ang kailangan lang natin sa mundo ay food-walter-shelter. Pero sa kabilang banda dapat din nating maintindihan na hindi tayo naririto para kumain, uminom o gawin ang gusto natin sa buhay natin at mamatay tayo. Hindi ganun ang sinasabi ng Biblia

"Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao:-Eccle 12:13

Reply

Your comment will be posted after it is approved.


Leave a Reply.

    Author

    Lex writes because his head is always full.

    Archives

    January 2017
    March 2016
    January 2016
    November 2015
    September 2015
    May 2015
    March 2015
    August 2014
    June 2014
    April 2014
    February 2014
    July 2013
    May 2013
    April 2013
    November 2012
    September 2012
    May 2012
    April 2012
    December 2011
    October 2011
    September 2011
    August 2011
    June 2011
    May 2011
    April 2011
    March 2011
    February 2011
    December 2010
    November 2010
    August 2010
    July 2010
    June 2010
    May 2010
    April 2010
    March 2010

    Titles

    All
    Ang Buhok Ayon Kay Leema
    Ang Langaw Sa Ibabaw Ng Kalabaw
    Ang Pagbabalik
    Ang Pagitan
    Ang Pila
    Ang Pinakamalapit
    Ang Sasabihin Ng Iba
    Anong Klaseng Gulay Ka?
    Bulkan Ni Plado
    Dig Deeper
    Disiplina Lang
    Dream Coming True
    Dyaryo Na Naman
    Eleksyon 2010
    Eric Clapton
    Gaano Katagal
    Happy Naman Lagi
    Hindi Naman Talaga Iyon Ang Nasa Isip Ko
    Iguhit Ang Araw Para Hindi Umulan
    I'm Back To Weebly
    Kahulugang Hindi Maintindihan
    Kailan
    Kailangang Mangailangan
    Kalayaan
    Kasi Nga Hindi Malinaw Malabo
    Katumbas Ng Balbas
    Keep On Trying
    Kuwento Ko Sa Bato
    Lalaban Ka Ba Sa Laban
    Mami
    May Aalis May Darating
    Mga Kuwento
    Mga Kuwento Sa Likod
    Music Notes Or Bank Notes
    My First Autograph
    My First Love Letter To Juvy
    Nabasa Ko Lang
    Nandito Ako Naghihintay Sa Iyo
    Opm For Solo Guitar 1st Year Anniversary
    Opm For Solo Guitar 2nd Year Anniversary
    Oras Ng Buhay
    Paghihintay
    Pambansang Papansin
    Payong Kaibigan
    Productivity
    Read And Write
    Salamat 2010
    Sa Totoong Buhay
    Selective Hearing
    Sorry To Be Honest
    Sumasabit Ang Naiipit
    Summer Of 88: Salamat Sa Sound
    Tamang Mali
    Tumingin Sa Araw Wag Sa Buwan
    UFO (Unidentified Fan Of...)
    Uri Ng Facebookers
    User-friendly
    YOUTUBE: Unknown Errors

Powered by Create your own unique website with customizable templates.