
Sagad sa pag-aaruga ng mga negatibong elemento sa utak ang nag-uudyok na sungkitin ang kalayaan. Ang mga sawing-sawi din na halos mabiyak ang dibdib at tuluyang mamanhid na rin pati ang kaluluwa. Ang masalinan ng isang damukal na kahihiyan na pumapasok pa sa magulong kaisipan ay nagdudulot ng pagkalimot sa nakagisnan.
Hangga’t tayo ay naririto sa daigdig, pare-pareho lang tayong preso na umaasa na makakalabas din at makakamtan ang mga mithiin.
Kung tutuusin ay nararating na ng ilan ang daan patungo sa madilim na ibayo pero may mga pagkakataon na ito ay pinipigilan at laging nauudlot.
Ang ibang nagtagumpay daw sa pagkamit ng kalayaan ay sadyang matatapang at walang takot kaninuman at kung sa anuman. Pero ang sabi nang ilan, ito ay isang uri lang ng kahibangan.
Ang mundo ngayon ay punong-puno ng mga elemento na kung iyong susuriing maigi ay mayroon lamang itong dalawang kulay---ang itim at ang puti. Ang puti ay para sa mga dilat sa kadiliman at ang itim ay para sa mga nakapikit sa katotohan.
Ang kalayaan ay kamatayan ng kaisipan.
Ang kamatayan ay ang kalayaan sa katinuan.
© 2014 Lex Von Sumayo