LVS Works
  • HOME
  • ABOUT
  • SHEET MUSIC
    • OPM
    • POP
    • E-BOOKS
    • FREE SHEET MUSIC
  • BLOGS
  • VIDEO
  • AUDIO
  • GUESTBOOK

Kuwento Ko Sa Bato

4/2/2010

3 Comments

 
Picture
rock en roll
Isa ito sa mga kuha ni Odie noong nag-photowalk kami. Bato na maraming kahulugan at pakinabang. Bato ang sumira sa buhay ng kaibigan ko. Ito naman ang nagsilbing pundasyon ng mga gusali sa Makati. Ito rin yung pakiramdam ko pag hindi na alam ang gagawin --- nababato!

Pinukol ko rin ang bunga sa puno ng mangga gamit ang bato. Pero wag naman sana akong magdala at magtago ng isang bato na ipupukpok ko rin sa sarili ko. Natanggal din ang mga libag ko dahil sa paggamit at pagkuskos nito. Ino-perahan naman ang Kuya ko dahil puno na siya ng bato sa bladder nya. Dito rin sinusulat ng mga preso ang araw at buwan o taon ng pananatili nila sa rehas na bakal.

Ginamit na nga rin itong salita patungkol sa paghagis : binato ko siya ng tinapay, binato ko siya ng kamatis nang hindi ko magustuhan ang performance niya sa stage, binato ng bata ang dyaryo sa harap ng pinto namin, binato ko siya ng  kahoy dahil sobra siyang batugan! Hehehe. Binato ko siya ng bato...confusing! parang sinabi mo rin na "pakiabot nga ng basahang tuyo.

Masarap din 'kapag may bato ang alak (Scotch on the rocks). Kapag nalasing ka ay masama raw matulog sa sahig na bato, mauntog ka lang sa bato ay puede pa. Hirap na hirap kami nina Tatay gibain ang mga lumang pader ng bahay dahil iba daw ang built nito --- purong bato daw. Pero noong nasaktan ako sa pag-ibig dito ko rin ito binuhos at sinuntok ko ito. Matigas kasi ang ulo ko, parang bato. Alam nang niloloko ay patuloy pa ring umaasa na magbabago ang lahat.

Lahat ata ng may hilig sa guitar ay nagdaan sa pagkahilig sa Rock. Ako, sempre sa Rock  and Roll heroes like Elvis Presley and The Beatles. Isama mo ang mga adik-adik na Rolling Stones! Iba kasi ang Rock music, matinding expression at minsan, sobra na ang negative feel kaya medyo nagpalit na ako unti-unti at nahihilig na ako sa Classical music. More personal kasi ang classical lalo na yung Classical Guitar music.

Alam ko hilig mo ang balot pero alam ko rin na hindi mo kinakain ang bato. Pero paborito ata ito ng mga nagwo-work-out sa Gym dahil lalakas daw ang tuhod at ang katawan ay magiging batu-bato pero liliit daw ang etits. Totoo ba yun? Batu-bato sa langit, ang tamaan ay wag magagalit! Hehehe!

Ang pag-ibig mo ba ay parang isang kastilyong gawa lang sa buhangin o isang batong-buhay na lumalaki at hindi matitibag na parang adobe.? Huwag mo lamang isuot ang madulas mong sinelas kapag ikaw ay naglalakad sa batuhan dahil baka ikaw ay madulas at mabagok ang ulo at magising sa katotohanan.

Pero sana naman kapag nangako ka, itaga mo sa bato. Kaya huwag mong ipagkakalat na si Darna ako!

© 2010 Lex Von Sumayo


3 Comments
maria
4/2/2010 08:08:04 am

Ang kwentong bato ay sadyang makatotohanan!
2 thums up para sa iyo...

Reply
Rod
4/2/2010 01:42:46 pm

Rock en Roll! :D

Reply
neil
5/28/2010 09:02:53 pm

(classical music) kung kailangan mo "bato" sa oras ng iyong pag-iisa.. hehehe..

Reply

Your comment will be posted after it is approved.


Leave a Reply.

    Author

    Lex writes because his head is always full.

    Archives

    January 2017
    March 2016
    January 2016
    November 2015
    September 2015
    May 2015
    March 2015
    August 2014
    June 2014
    April 2014
    February 2014
    July 2013
    May 2013
    April 2013
    November 2012
    September 2012
    May 2012
    April 2012
    December 2011
    October 2011
    September 2011
    August 2011
    June 2011
    May 2011
    April 2011
    March 2011
    February 2011
    December 2010
    November 2010
    August 2010
    July 2010
    June 2010
    May 2010
    April 2010
    March 2010

    Titles

    All
    Ang Buhok Ayon Kay Leema
    Ang Langaw Sa Ibabaw Ng Kalabaw
    Ang Pagbabalik
    Ang Pagitan
    Ang Pila
    Ang Pinakamalapit
    Ang Sasabihin Ng Iba
    Anong Klaseng Gulay Ka?
    Bulkan Ni Plado
    Dig Deeper
    Disiplina Lang
    Dream Coming True
    Dyaryo Na Naman
    Eleksyon 2010
    Eric Clapton
    Gaano Katagal
    Happy Naman Lagi
    Hindi Naman Talaga Iyon Ang Nasa Isip Ko
    Iguhit Ang Araw Para Hindi Umulan
    I'm Back To Weebly
    Kahulugang Hindi Maintindihan
    Kailan
    Kailangang Mangailangan
    Kalayaan
    Kasi Nga Hindi Malinaw Malabo
    Katumbas Ng Balbas
    Keep On Trying
    Kuwento Ko Sa Bato
    Lalaban Ka Ba Sa Laban
    Mami
    May Aalis May Darating
    Mga Kuwento
    Mga Kuwento Sa Likod
    Music Notes Or Bank Notes
    My First Autograph
    My First Love Letter To Juvy
    Nabasa Ko Lang
    Nandito Ako Naghihintay Sa Iyo
    Opm For Solo Guitar 1st Year Anniversary
    Opm For Solo Guitar 2nd Year Anniversary
    Oras Ng Buhay
    Paghihintay
    Pambansang Papansin
    Payong Kaibigan
    Productivity
    Read And Write
    Salamat 2010
    Sa Totoong Buhay
    Selective Hearing
    Sorry To Be Honest
    Sumasabit Ang Naiipit
    Summer Of 88: Salamat Sa Sound
    Tamang Mali
    Tumingin Sa Araw Wag Sa Buwan
    UFO (Unidentified Fan Of...)
    Uri Ng Facebookers
    User-friendly
    YOUTUBE: Unknown Errors

Powered by Create your own unique website with customizable templates.