![]() Kahit saan ka lumingon o kahit pakiramdaman mo lang ang sarili mo, laging may mga naglalaban o nagpapaligsahan. Sa aking palagay, kung walang ganito ay walang mga bagong mga ideya at walang mga makabagong innovations. Mawawala rin ang pagsusumikap at magiging pirmi lang ang usad ng mundo. Ang tamang pagtanggap sa ganito ay magkakaroon ng magandang resulta. Positibo na pag-iisip ay may naghihintay na positibong resulta. Kung hindi pa kinumpetensya ng Smart ang Globe, baka iilan lang ang linya sa mobile communications. Isama mo na din ng pagtapat ng BayanTel sa PLDT. Yung mga ganitong scenery ay nagkaroon ng magandang epekto sa madalng people. Alam mo na kung bakit. Hindi susulpot ang Sony Ericsson, Iphone, HTC kung wala sa isip nila ang paglaban sa Nokia na talaga namang nag number one sa market noon. Ang makabagong laban naman ngayon ay ang Samsung at Apple. Pinag-iisipan nila nang husto ang mga ilalabas nilang bago na wala dun sa kanilang competitors. Ang resulta ng labanan, panalo ang madlang people dahil napaganda ang means of communications at napasaya pa ng mga games at apps. Kung hindi nag-isip ng ibang features ang Facebook, malamang na nasa anino pa rin tayo ng Friendster. Ang browsing ay hindi magiging mabilis kung hindi naisip kalabanin ng Firefox ang Windows Explorer. Isabay mo na rin ang Youtube laban sa Dailymotion at Metacafe. Ang resulta ay naging paborito at bahagi na ng buhay ng madlang people. Sa sarili mo, sino ba ang kinakalaban mo? Ang kalaban lagi ay ang pagiging tamad, procrastination at ang paggawa ng kasamaan sa iba. Kung magagawa mong labanan ang ilang mga bagay na ito, lagi kang magiging masipag at hindi mo sasayangin ang oras mo sa ibang bagay na walang importance. Ang resulta ay malaking pag-usad sa estado at kapayapaan ng madlang humanity. Healthy competitions ay magagamit din sa buhay. Kung pareho kayo ng linya o ginagawa ng iba, ano ba ang iisipin mo? Sasabay ka ba? Lalaban ka ba? O papabayaan mo na lang ang labanan? Ang buhay ay isang paglaban. Pag hindi ka sasali, walang pagbabago. Kapag ikaw ay kabilang sa patimpalak, maraming puedeng magbago. © 2013 Lex Von Sumayo
0 Comments
Your comment will be posted after it is approved.
Leave a Reply. |
AuthorLex writes because his head is always full. Titles
All
|