![]() first time Basically, ang mga TABS ay sine-send ko lang via e-mail sa purchaser at ang file ay nasa PDF format. Send dito, send doon. Ganun lang ang routine. Pero one time, I received a Facebook message from Laura (who works here in Dubai), mother of Peter (na nasa Pilipinas) na isa sa mga OPM for Solo Guitar enthusiast, na nag-i-inquire about my guitar TABS. Since Peter haven’t got any Paypal or means to buy my TABS online, nakisuyo siya sa mother nya na i-meet ako dito and at the same time, makakuha rin ng TABS. According kay Laura, isa itong gift para sa graduation ng son nyang si Peter. So, I need to print ang mga sheet music, lay-out the cover then bind. Dahil sa ito ay first time, kakaiba ang naramdaman ko. Strange yung feeling na parang kinakabahan but at the same time ay excited. At tumawag si Laura, it was a Saturday, then nag-set kami ng meeting. Then iyon na nga ang moment, nagkita na kami. Masaya pala ang maka-meet ng ganun dahil parang napaka-special ko sa kanila. At yung sabihin sa iyo how good you are and how I made them smile sa guitar playing ko. Sa mga comments kasi sa internet, nakasulat lang ang mga yun but compare to this, I actually shook her hand, had some chat and of course, may picture taking! Inabot ko na kay Laura ang OPM book then she requested something na isa ring “first time”--- ang makahingi ng “autograph” sa akin! sabi ko, “Sure! Why not?”. Then I signed. :) Wow! Very momentous ito and for sure, hindi ko ito makakalimutan! Maraming salamat, Peter and Laura! Eto yung mga bagay na magtutulak sa akin para ituloy pa lalo at isulong nang todo ang OPM for Solo Guitar! Salamat, salamat. © 2011 Lex Von Sumayo
0 Comments
Your comment will be posted after it is approved.
Leave a Reply. |
AuthorLex writes because his head is always full. Titles
All
|