LVS WORKS
Menu

Nabasa Ko Lang

6/10/2014

0 Comments

 
Picturebasahin mo
Wala naman talagang original sa mundo. Lahat ay dahil din sa mga impluwensya ng mga sinauna o lumang tao, mga nakaraang pangyayari at pagkakataon. Kung di ka mahilig magbasa ng mga bagay-bagay ay iisipin mo na ang Tinikling pa rin ang pambansang sayaw ng Pilipinas pero iyon pala ay Cariñosa.

Nakasabay ni Pareng Kiko ang kumpare nyang si Pareng Lucio sa tren at napag-usapan nila ang pulitika. Nagkaroon sila ng mga opinyon at katulad ng  ating inaasahan, nauwi ito sa pagtatalo. Naisip ko lang, kung isang libro o isang balita sa telebisyon lang ang napanood nila ay hindi sana umabot sa ganun ang sitwasyon.

Nakakatuwa lang isipin na nagiging magaling o tumatalino ang isang tao dahil sa kanyang pagbabasa. Pero minsan ay ipinapahiwatig nila na parang sila ang nakaisip at ang orihinal na nagkatha nito.

Maging sa musika, ang lahat ng mga bagong kanta ngayon ay hango din lamang sa mga tugtugin ng nakaraan. May konti lang na pagkakaiba pero iisa pa rin ang ugat nito. Kaya ang aking istilo ng pagtugtog, paglikha at pag-areglo ng musika ay anino lang din ng aking mga naging guro. Ang epektibong pag-interpret ng mga piyesa ay galing sa mahusay kong guro na si Ginoong Edgardo de Dios. Ang istilo ng pag-areglo sa solo guitar ay turo ni Maestro Jose Valdez at ang aking malambing at maramdaming vibrato ay impluwensya ni Andres Segovia.

Lahat ng mayrun ka ngayon na patungkol sa kaalaman, talento, ugali, biyaya at karanasan ay may tunay na pinanggalingan. Maaaring nasagap, nabanggit, nabasa, nakita o naramdaman mo ito dahil sa iyong pakikisalamuha sa kapaligiran. Hindi pupude na sumulpot lang basta ang isang ideya nang walang dahilan.

Kaya huwag masyadong mayabang sa nalalaman ng iyong utak.

Kung ako ang inyong tatanungin, kung saan ko pinagkukuha ang mga sinulat ko dito, ang isasagot ko ay ganun din --- nabasa ko lang.

© 2014 Lex Von Sumayo


0 Comments

Your comment will be posted after it is approved.


Leave a Reply.

    Author

    Lex writes because his head is always full.

    Titles

    All
    Ang Buhok Ayon Kay Leema
    Ang Langaw Sa Ibabaw Ng Kalabaw
    Ang Pagbabalik
    Ang Pagitan
    Ang Pila
    Ang Pinakamalapit
    Ang Sasabihin Ng Iba
    Anong Klaseng Gulay Ka?
    Bulkan Ni Plado
    Dig Deeper
    Disiplina Lang
    Dream Coming True
    Dyaryo Na Naman
    Eleksyon 2010
    Eric Clapton
    Gaano Katagal
    Happy Naman Lagi
    Hindi Naman Talaga Iyon Ang Nasa Isip Ko
    Iguhit Ang Araw Para Hindi Umulan
    I'm Back To Weebly
    Kahulugang Hindi Maintindihan
    Kailan
    Kailangang Mangailangan
    Kalayaan
    Kasi Nga Hindi Malinaw Malabo
    Katumbas Ng Balbas
    Keep On Trying
    Kuwento Ko Sa Bato
    Lalaban Ka Ba Sa Laban
    Mami
    May Aalis May Darating
    Mga Kuwento
    Mga Kuwento Sa Likod
    Music Notes Or Bank Notes
    My First Autograph
    My First Love Letter To Juvy
    Nabasa Ko Lang
    Nandito Ako Naghihintay Sa Iyo
    Opm For Solo Guitar 1st Year Anniversary
    Opm For Solo Guitar 2nd Year Anniversary
    Oras Ng Buhay
    Paghihintay
    Pambansang Papansin
    Payong Kaibigan
    Productivity
    Read And Write
    Reklamadors
    Salamat 2010
    Sa Totoong Buhay
    Selective Hearing
    Sorry To Be Honest
    Sumasabit Ang Naiipit
    Summer Of 88: Salamat Sa Sound
    Tamang Mali
    Tumingin Sa Araw Wag Sa Buwan
    UFO (Unidentified Fan Of...)
    Uri Ng Facebookers
    User-friendly
    YOUTUBE: Unknown Errors

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • HOME
  • POP
  • OPM
  • E-BOOKS
  • FREE SHEET MUSIC
  • The LEX-Files
  • BLOGS
  • PHOTOS
  • VIDEOS
  • GUESTBOOK
  • GLOBE GCASH
  • ABOUT
  • CONTACT US
  • HOME
  • POP
  • OPM
  • E-BOOKS
  • FREE SHEET MUSIC
  • The LEX-Files
  • BLOGS
  • PHOTOS
  • VIDEOS
  • GUESTBOOK
  • GLOBE GCASH
  • ABOUT
  • CONTACT US