
Dahil sa project na ito ay naihatid ko sa mundo lalo na sa mga Pinoy sa iba't-ibang bansa ang ating sariling musika. Marahil ay nalusaw ko ang pagiging "homesick" nila at napalitan ng kahit saglit lang na saya ang lungkot na nararanasan.
Muli ay nagpapasalamat ako sa mga mga subscribers at friends na tumatangkilik sa aking OPM Youtube channel at maging ang mga tinatawag kong "fans" sa Facebook Fan Page ng OPM for Solo Guitar. Sama kayo ulit sa isa na namang journey ng ating musika!
Gitara lang at gitara pa rin ang magdudugtong sa ating mga Filipino, kaya tipahin at kalibitin na ang mga kuwerdas! Tayo nang magsaya!
Salamat ulit sa iyong pakikiisa, Kabayan!
Hanggang sa muli!
© 2010 Lex Von Sumayo