
Noong wala pang social media, madali naman masipat ang mga ganitong uri. Sila yung tumataas ang kamay sa classroom na wala namang sense ang sagot. Sila rin iyong nagsa-suggest ng mga ideas na wala namang substance.
Sila rin yung madalas na sumisingit sa usapan para lang may masabi. At the end of the day, sila yung walang tunay na kaibigan, nag-iisa sa sulok at pinipirmahan ang sariling slumbook.
Sila rin iyong nagpapalit ng style ng pananamit at naglalagay ng kakaibang pabango na hindi naman akma sa kanilang status. Naniniwala pa rin ako na may binabagayan ang bawat bagay sa mundo. Kapag di mo kayang ma-sustain ang isang bagay, nagpapanggap ka lang. Iba yung hinog sa pilit sa hinog sa panahon. Iba pa rin ang Organic na pagkain.
Kakambal ng Papansin ang Inggit. Kasi kung iisipin mo, ano ang nag-trigger sa mga ito para magpa-pansin? Maaaring nakita nya lang sa iba ang isang IDEA at feeling nya ay gusto nya rin ito kaya nya mabilis na naisip ang isang walang kuwentang bagay. Kahit di naman masyadong inaral ang sitwasyon, pasok lang nang pasok. Kadalasan tuloy ay palpak ang resulta. Hindi na rin makaahon dahil mabigat ang dinadala. Kung meron siya at wala ka, ayos lang dapat yun. Hanap ka na lang nung bagay na wala pa siya at siguradong ikaw ay magiging masaya. Labas pa run yung inggit at somehow ay makakatulong ka pa sa iba. Think differently but with a definite purpose.
Tama lang naman din minsan ang magpapansin. Tulad nung ginagawa ng mga OFWs sa Facebook. Lalo na yung time ng Balikbayan Box na binubuksan, Yung Tax sa mga gamit upon arrival sa airport at yung bagong issue ng Tanim-Bala sa NAIA. Kinalampag ng mga OFWs ang gobyerno at kahit papaano ay nabigyan ng imbestigasyon at later on sana ay ang tamang solution. Masarap ang Spam na de-lata pero pag sa e-mail, nakaka-buwisit. Epalogs.
Nakakatawa ang mga Papansin pero kadalasan ay pang-asar ang mga ito.
Kaya kung ako sa iyo, para hindi rin naman masira ang araw mo, huwag mo na itong pansinin.
© 2015 Lex Von Sumayo