LVS WORKS
Menu

Productivity

12/4/2011

0 Comments

 
Picture
fulfillment
_ Pagkagising sa umaga, buksan ang bintana sabay bukas ng PC. Check ng mail at updates sa website pero napadaan sa Youtube at Facebook. Tiningnan ang oras at inisip na hanggang 10 AM lang pero lumampas at tumagal nang tumagal at nadagdagan ang browsing time at may sumingit pang idea na kailangan i-search sa Wikipedia.

May mga pagkakataon na ganito ang araw at sa tingin ko ay ito ang mga “less productive”. Imbis na tapusin na ang voice 2 ng nasimulang solo guitar arrangement ay nagkakaroon tuloy ng ilang delay. Not a good idea kaya kailangang mag-compensate sa nasayang at naubos na oras.


Ganun talaga kapag na-overlook mo ang oras. Mabilis talaga yun at hindi maaaring bumagal. Hindi masyadong cool kapag nagmamadali ka na dahil sa nakalimutan at nalampasang aim.

Ito pa sa tingin ko ang ilan sa mga less-productive moments:
  1. browsing profile pictures ng ilang friends sa FB
  2. reading biographies of lesser-known people
  3. watching scary stuffs and morbid videos
  4. trying a different guitar playing style just for the fun of it and the end of the day I’ll be hating it
  5. arranging random stuffs for solo guitar like some 90’s rock songs. Ang hirap isulat dahil una, hindi masyadong melodic. Pangalawa, kundi maigsi ay mahaba naman ang rhythm values ng melody lines
  6. waiting for a different result sa paulit-ulit na process
  7. eating sa restaurant na nauubos ang oras kakahintay at mabubusog ka nga pero maiisip mo yung calories at yung fats nito afterwards
  8. previewing in mind some past events, experiences and errors

Ang more productive days ay yung husto lang na napakinabangan ang oras at minsan ding sumusobra at sulit.

That’s why I love the public transportation dito sa Dubai. Mayrun kasi silang mga air-conditioned na bus stop (naglagay sila ng mga waiting shed). Doon habang ako’y nakaupo nabubuo ang maraming ideas at sinusulat ko sa maliit kong notebook iyon man ay tungkol sa mga methods of teaching, mga future solo guitar arrangements, updates and analysis ng isang piesa, daily-goal settings at ilang ideas sa mga susunod na blogs.

Heto naman ang ilan pa na sa tingin ko ay mga more productive moments:
  1. arranging and writing 1 to 2 songs for  solo guitar a day.
  2. reading updates sa Wikipedia for 15 minutes each day
  3. talking to my wife about marketing strategies (almost everyday)
  4. chatting with my family sa Philippines during weekends
  5. cooking healthy foods around 10AM each day
  6. listening to audio books while riding the bus
  7. analyzing recent and future ideas about music projects
  8. trying to share some ideas of happiness to others

Masaya at medyo mahirap ang maging productive. Kailangan talaga ang mind-setting at kailangang sinusulat. Para kasing map ito. Kung may pupuntahan kang bagong lugar, mahirap for sure na manghula sa direction at ang nakakainis ay hindi mo rin makikita ang hinahanap. Pero kung hawak mo ang map or manual, sadyang madali lang puntahan at iba ang fulfillment when you reached that certain place di ba?

Alamin ang priorities at kunin ang better use of time. Ibuhos ang energy dun sa mga bagay na alam mo na magaling ka at mag-e-excel. Pansinin mo, kahit ilang oras mo iyon ginawa at pinag-isipan, hindi ka nakakaramdam ng pagod at parang laging bitin. Kaya the following day ay itutuloy mo ulit ang routine at ang productive process. Sabi nga nila, nakakasawa ang ulam pero ang kanin hindi.

Just enjoy what you are doing and stop complaining.
Aim for more productivity but less stress.


© 2011 Lex Von Sumayo

0 Comments

Your comment will be posted after it is approved.


Leave a Reply.

    Author

    Lex writes because his head is always full.

    Titles

    All
    Ang Buhok Ayon Kay Leema
    Ang Langaw Sa Ibabaw Ng Kalabaw
    Ang Pagbabalik
    Ang Pagitan
    Ang Pila
    Ang Pinakamalapit
    Ang Sasabihin Ng Iba
    Anong Klaseng Gulay Ka?
    Bulkan Ni Plado
    Dig Deeper
    Disiplina Lang
    Dream Coming True
    Dyaryo Na Naman
    Eleksyon 2010
    Eric Clapton
    Gaano Katagal
    Happy Naman Lagi
    Hindi Naman Talaga Iyon Ang Nasa Isip Ko
    Iguhit Ang Araw Para Hindi Umulan
    I'm Back To Weebly
    Kahulugang Hindi Maintindihan
    Kailan
    Kailangang Mangailangan
    Kalayaan
    Kasi Nga Hindi Malinaw Malabo
    Katumbas Ng Balbas
    Keep On Trying
    Kuwento Ko Sa Bato
    Lalaban Ka Ba Sa Laban
    Mami
    May Aalis May Darating
    Mga Kuwento
    Mga Kuwento Sa Likod
    Music Notes Or Bank Notes
    My First Autograph
    My First Love Letter To Juvy
    Nabasa Ko Lang
    Nandito Ako Naghihintay Sa Iyo
    Opm For Solo Guitar 1st Year Anniversary
    Opm For Solo Guitar 2nd Year Anniversary
    Oras Ng Buhay
    Paghihintay
    Pambansang Papansin
    Payong Kaibigan
    Productivity
    Read And Write
    Reklamadors
    Salamat 2010
    Sa Totoong Buhay
    Selective Hearing
    Sorry To Be Honest
    Sumasabit Ang Naiipit
    Summer Of 88: Salamat Sa Sound
    Tamang Mali
    Tumingin Sa Araw Wag Sa Buwan
    UFO (Unidentified Fan Of...)
    Uri Ng Facebookers
    User-friendly
    YOUTUBE: Unknown Errors

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • HOME
  • POP
  • OPM
  • E-BOOKS
  • FREE SHEET MUSIC
  • The LEX-Files
  • BLOGS
  • PHOTOS
  • VIDEOS
  • GUESTBOOK
  • GLOBE GCASH
  • ABOUT
  • CONTACT US
  • HOME
  • POP
  • OPM
  • E-BOOKS
  • FREE SHEET MUSIC
  • The LEX-Files
  • BLOGS
  • PHOTOS
  • VIDEOS
  • GUESTBOOK
  • GLOBE GCASH
  • ABOUT
  • CONTACT US