![]() parang taon, napapalitan Magaling talaga ang pagkakataon. Hindi nya pinagsasabay ang lahat ng pabor sa iyo. Kumbaga, laging may kaliwa't kanan ang sitwasyon. Sa kabila ng maraming experience at knowledge na naibigay sa iyo, hindi ito natapatan ng materyal na bagay o salapi. Dahil nauwi ka sa puro investments, risks, trials at experimentation. Naging masaya at tagumpay ang lahat ng iyong na-plano, sa likod nun ay marami pa ring kulang at hindi nakikibagay sa hulog. Parang binigyan ka ng isang malaki at machong katawan pero lumiit naman ang iyong utak at pasensya. Nagkaroon ka nga ng matataas na uri ng technolihiya ngunit hindi mo naman ito nama-maximize dahil tamad at wala kang oras na pag-aralan ito. Sayang lang dahil ito'y isang status symbol lang para sa iyo. Parang bumili ka ng eroplano pero hindi mo naman ito sinasakyan at pinapalipad. Wala kang ibang ginagawa kundi ang tingnan at punasan ito hanggang sa kumintab. Naging sarili mo nga ang kubeta para sa pagdumi, ang katabi mo naman ay parang bisperas na ng bagong taon dahil sa mga nakakabinging utot. Nasa iyo man ang pinakamagandang upuan sa sinehan ay hindi mo naman maintindihan ang pinapanood dahil sa maingay ang katabi mo sa pagdakdak at pagkain ng chips. May mga magagandang pagkakataon na nangyari sa iyong buhay ngunit nag-iisa ka lang para ito'y i-celebrate. Paano mo isu-shoot ang dalawang bola sa isang ring o goal? Kailangang magsakripisyo. Kung gusto mong pagsabayin ay kailangan mong impisin ang isang bola para magkasya ito sa iisang lalagyan. Natapos ang taon nang hindi mo namamalayan dahil ang 365 days ay nimamnam mo nang husto. Nagising ka nang maaga at natulog ng hatinggabi. Nabuo ang ideya at naitayo mo ang iyong sariling gusali. Napatunay mo na ang oras ay nauubos ngunit ang pag-asa ay hindi. Pero kung ikaw ay walang inisip kundi ang magsaya at magsayang ng oras, sigurado ako na napansin mo ang paglipas ng oras. Sabi nga nila, kung sino yung mas nakakalimot ng oras at araw ay siya pa iyong may pagpapahalaga sa mga ito. Kahit ano pa man ang naganap sa buong taon ng iyong buhay, may kasama ka o nag-iisa, maitim o maputi, manipis o makapal ang mukha , magiging kabilang ka pa rin sa mga mapapalad na nilalang na nakasaksi sa pag-ikot ng ating mundo sa haring araw. Salamat 2010. © 2010 Lex Von Sumayo
0 Comments
Your comment will be posted after it is approved.
Leave a Reply. |
AuthorLex writes because his head is always full. Titles
All
|