
Ang pagkakaiba lang ngayon ay nagiging bulgar na lahat dahil na rin sa kapangayarihan ng internet. Ang nangyari kanina ay maya-maya lang ay makikita mo na kaagad.
Pero anong uri ka bang Social Networker? Ito ang ilan sa mga aking mga nasaliksik at sabihin na nating naisip ko lang na mga uri na maaring angkop sa iyo at sa iba.
Hanapin kung anong uri ka at enjoy!
STANDARDERS
Ito iyong klase na tama lang ang info sa profile. Nakasulat ang schools at maging ang birthday pero walang year. Nakikisalamuha naman sa karamihan pero limitado lang din ang activities. Bubuksan lang ang account kapag kailangan lang. Konting browsing time lang, check ng messages, updates and then logout na rin kaagad.
BORINGERS
Ito iyong tipo na simple lang at halos walang laman ang account. Konti lang ang pictures at yung lugar lang ng pinanggalingan ang nakalagay sa profile info. Hindi masyadong nagbubukas ng account dahil busy raw sa work. Walang buhay kaya nga boring. Wala ring masyadong friends of course.
LIKERS
Mahilig mag-like nang kung anu-ano. Kahit nga yung post nya ay nila-like. Kahit hindi nya naman gusto ay nila-like. Kahit hindi naman nakikita ang buong album ng pictures ay nagla-like pa rin. Mahilig din magpa-like ang mga Likers, hehehe. Kaya tuloy ang dating sa iba ay “ano ba naman itong tao na ito?”. Kaya out of Facebook ay dislike sila ng karamihan.
BULGARERS
Madalas magsabi kung nasaang lugar na siya at kung sino ang mga kasama. Sinasabi rin kung ano ang ginagawa at kung anong kinakain, iniisip at kasalukuyang nararamdaman. Nagagalit at nagpaparinig sa mga kaaway. Walang masabihan ng hinanakit at kasiyahan sa buhay kaya iyon, kulang na lang ay sabihin pati ang pag-tae at pagkakamot ng betlogs. At ito rin iyong nag-iiwan ng message na, “ Goodnight Facebook”.
QUOTERS
Mahilig mag-post sa status ng mga quotes na galing sa Google. Copy-Paste kadalasan ng mga poems, lyrics ng kanta, famous lines sa movies, jokes, bible verses, mottos, expressions ng favorite na artista at iba pa. Pero minsan din naman ay sariling-gawa ang mga quotes. Ang dahilan marahil ay hindi masabi ang tunay na nararamdaman kaya naghahanap ng babagay sa kasalukuyang sitwasyon sa loob ng mga quotations.
LINKERS
Punong-puno ang wall ng mga links lalo na ng mga Youtube videos. Masipag magbasa ng mga interesting stuffs then i-she-share ang link afterwards. Tungkol sa balita, tsismis, scandals, rare video footages and funny clips. Minsan, link din naman sa business at ilang mga ventures. Marami na ring yumaman sa Facebook I’m sure.
KODAKERS
Mahilig mag-post ng mga pictures. Kukunan muna ng picture ang pagkain bago kainin. At sama mo na rin yung pagkatapos ding kumain. Ipapakita din ang niluto at kahit picture lang ng pagkain na gustong kainin. Magpapakuha din ng picture at ang background ay makikita ang pangalan ng mga restaurant, mall, beaches, probinsya, mga sikat na infrastructures at mga monumento. Maaring kasama sa picture ang alagang hayop, mga barkada, bespren, GF at BF, at maging ang mga mascot na gumagalaw at hindi gumagalaw. Lahat ng okasyon, concerts at events na napuntahan. Pero paborito ko sa lahat yung mahilig piktyuran ang sarili nang iba-iba angles at ang name ng album ay “Just Me”, “Me”, “Solo Pics”, “Alone”, “Ako Lang”, etc.
BAGOERS
Katulad din ng Bulgarers pero ibang level naman ito. Mahilig mag-show off ng mga “bago” o “new” na mga gamit at mga experiences. Ipapakita ang bagong sapatos, kotse, guitars, camera, mobile phone, laptop, tablet, damit, alahas, relos, suklay, headband, bahay, braces sa ipin, tinga sa ipin, pimple sa noo, engagement ring, invitation or ticket sa sinehan o concerts, pasa sa tuhod, bagong siyota, bagong anak, bolpen, salamin sa mata, lapis at ang new haircut. Sama mo na rin dito ang mga bagong hobbies, bagong trabaho at bagong ugali. Buti na lang walang nagpapakita ng bagong panty or any undergarments. Kapag may bago, maghihintay marahil ng mga papuri at mga cool comments sa iba.
HATERS
Walang sinabi kundi ang mga pangit sa gobyerno at sa mundo. Hindi mapigilan ang sarili sa mga masasakit na salita laban sa mga kinakaaway.
LOVERS
Exclusive lang ang account para sa kanilang dalawa. Punong-puno ang photo albums ng mga memories ng mga lakad at dates. Regalo dito, regalo doon. Akbay dito, akbay doon. Pero kapag nag-break ay magiging Boringers ang account dahil wala na rin itong laman and subject for deactivation.
GAMERS
Naloko ang lahat sa Farmville (kasama ata ako doon). Pero naisip ko kaagad na nasasayang lang ang oras ko sa wala namang pupuntahang direction. Tanim-ani. Araro-Gawa fences. Buset! Dumami pa ang mga kasunod na games at katulad din ng Farmville, are awful, damn waste of time.
ANGKASERS
Eto yung mga nakikisakay kahit wala namang alam sa mga pinag-uusapan. Iba naman nakiki-join lang dahil uso at bago ang trend. Mabilis mabola at kahit hindi pa naman napapag-aralan nang husto ay susubukan kaagad.
TAGGERS
Mahilig mag-tag kahit wala ka naman sa pic or sa isang event. Pero sign ito ng thoughtfulness dahil naalala ka. It's another word or a question na "What Do You Think?". Mainam ito pag may mga okasyon tulad ng Pasko o New Year dahil isasama ka nila sa greetings! Another form of Taggers ay iyong isasama ka sa comment at magpapasalamat o may sasabahing maganda sa iyo. Isama mo na rin ang nagre-request na i-accept mo ang Tag Requests sa pictures na in-upload mo.
PEKERS
Hindi naman kasi lahat ng nakikita at nababasa ay totoo. Naglalagay ng profile picture na kamukha daw nila or hawig at minsan ay hindi pa talaga sila ang picture. Favorite artist ang nakalagay. Minsan, ipo-photoshop at ilalagay ang ulo sa katawan o ung katawan sa ulo ng iba. Mga nag-iimbento rin ng mga kuwento at nagpo-post ng pictures na galing sa taas yung kuha para lumiit o pumayat nang konti. Minsan ay mata lang pinapakita para maging mysterious.
PAMILYERS
Kapag ang may-ari ng account ay pamilyado na or masasabi nating solid family lang talaga at puede ring NBSB (no boyfriend since birth) o matandang dalaga o binata, makikita mo na puro baby pics, lola pics, nanay pics, tatay pics, pamangkin pics, dinner at lunch pics, pasyal pics, swimming pics, kapatid pics, barangay pics at kahit kapit-bahay pics.
~ ~ ~
Sa tingin ko ay marami pang uri ng Facebookers na hindi pa nagiging dominant.
Pero huwag mabahala dahil lahat tayo ay nakikinabang sa networking.
Masaya at very interesting ang Facebook.
Kahit hindi mo kilala noon at makikilala mo na ngayon.
At ang kilala mo noon ay hindi mo na makikilala ngayon.
© 2011 Lex Von Sumayo