LVS Works
  • HOME
  • ABOUT
  • SHEET MUSIC
    • OPM
    • POP
    • E-BOOKS
    • FREE SHEET MUSIC
  • BLOGS
  • VIDEO
  • AUDIO
  • GUESTBOOK

User-Friendly

5/11/2012

0 Comments

 
Picture
gamitan
Kahit saan tingnan, kailangan ang kaibigan. Sa mabuti o masamang sitwasyon, laging may ibang tao bukod sa mga kamag-anak, kapatid at mga magulang. 

Di nga alam minsan kung paano umusbong ang friendship. Kalaro lang sa patintero o single ngunit naging best friends for life. Kakampi lang sa football (pinoy version) at shato, then aabot sa punto na dun na kumakain at nagpapalipas ng hapon para may merienda at matatanaw ang set ng encyclopedia sa bookshelf na mababasa at mahihiram kapag may mga homeworks at assignments. 

May kaibigan din na nagpakilala ng isang tao na magiging asawa o magiging partner for life ng isang nilalang. May ilan naman na nasira at napariwara ang buhay dahil sa bad influence ng mga kaibigan. Maraming ganyan, hanggang ngayon.  Masamang kaibigan ay katumbas ng masamang buhay sa hinaharap.

Kaibigan na kailangan lang kapag may kailangan. Kaibigan na iiyakan at uutangan na wala nang bayaran. Kaibigan na mahihingan ng payo na walang bayad pero libre pa sa accommodation kapag naglayas sa bahay dahil nakipag-away sa nanay at tatay. May agahan din at pancit canton at shower na courtesy ng mabuti at walang choice na kaibigan. Ang maging hospitable kahit ilang araw lang ay sukatan na matibay na samahan, huwag lang dalasan.

Kaibigan na nauuwi sa ibang pagtitinginan at sa paglaon ay nade-develop into something na maayos na output at minsan naman ay nagiging worst o pangit sa paningin ng iba. Sinusulot ng kaibigan ang pag-ibig ng isang walang muwang na kaibigan. Hahanapin at dudulugan ng tulong at sasamantalahin ang kabutihang-palad na lalampas na sa loob ng damit ng bawal na pag-ibig. Kaibigang matalik na nakikipagtalik kapag nakatalikod ang kaibigan. Hindi lang ipot kundi isang baldeng tae na sinaklob sa buong ulo ng isang kaibigan.

Ang tunay na kaibigan na makakapagsabi ng tunay na amoy ng hininga. Kailangang humanap ng toothpaste na hahalili sa alat na namuo dahil sa hindi pagsasalita. Sadyang kailangang may makapagsabi pa na mali ang kasalukuyang ginagawa bago ito itigil. Kaibigan lang ang gagawa nun, ang pagbatok sa nasisirang ulo o kukote para sa pagtino at pag-usad sa maayos na daraanan. 

Masarap ding maging kaibigan ang mga kadugo. Kapatid, pinsan, lola at ang nanay at tatay. Kapag bata ay hindi pa ito  mararamdaman pero sa pagtanda at sa pagkamulat ay magiging kaibigan na walang katulad sa mundo. Kadugo na, kaibigan pa. Turuan ang tatay na mag-upload ng pictures sa FB na gamit ang Album Option hindi iyong paisa-isa sa wall. Ang paggamit ng Skype Video calls, pakipindot ang Video On kasi naririnig lang ngunit hindi naman nakikita.

Kailangan ang kaibigan. Iyon din ang silbi ng bawat isa sa mundo, ang maging isang kaibigan. Ngunit kapag sobrang ginamit, masisira at mananawa. Kapag hindi naman ginamit o pinansin, maluluma din, titigas, magiging pulbos at mawawala at minsa’y mapapariwara.

Alagaan ang kaibigan at gamitin lang paminsan-minsan.


© 2012 Lex Von Sumayo


0 Comments

Your comment will be posted after it is approved.


Leave a Reply.

    Author

    Lex writes because his head is always full.

    Archives

    January 2017
    March 2016
    January 2016
    November 2015
    September 2015
    May 2015
    March 2015
    August 2014
    June 2014
    April 2014
    February 2014
    July 2013
    May 2013
    April 2013
    November 2012
    September 2012
    May 2012
    April 2012
    December 2011
    October 2011
    September 2011
    August 2011
    June 2011
    May 2011
    April 2011
    March 2011
    February 2011
    December 2010
    November 2010
    August 2010
    July 2010
    June 2010
    May 2010
    April 2010
    March 2010

    Titles

    All
    Ang Buhok Ayon Kay Leema
    Ang Langaw Sa Ibabaw Ng Kalabaw
    Ang Pagbabalik
    Ang Pagitan
    Ang Pila
    Ang Pinakamalapit
    Ang Sasabihin Ng Iba
    Anong Klaseng Gulay Ka?
    Bulkan Ni Plado
    Dig Deeper
    Disiplina Lang
    Dream Coming True
    Dyaryo Na Naman
    Eleksyon 2010
    Eric Clapton
    Gaano Katagal
    Happy Naman Lagi
    Hindi Naman Talaga Iyon Ang Nasa Isip Ko
    Iguhit Ang Araw Para Hindi Umulan
    I'm Back To Weebly
    Kahulugang Hindi Maintindihan
    Kailan
    Kailangang Mangailangan
    Kalayaan
    Kasi Nga Hindi Malinaw Malabo
    Katumbas Ng Balbas
    Keep On Trying
    Kuwento Ko Sa Bato
    Lalaban Ka Ba Sa Laban
    Mami
    May Aalis May Darating
    Mga Kuwento
    Mga Kuwento Sa Likod
    Music Notes Or Bank Notes
    My First Autograph
    My First Love Letter To Juvy
    Nabasa Ko Lang
    Nandito Ako Naghihintay Sa Iyo
    Opm For Solo Guitar 1st Year Anniversary
    Opm For Solo Guitar 2nd Year Anniversary
    Oras Ng Buhay
    Paghihintay
    Pambansang Papansin
    Payong Kaibigan
    Productivity
    Read And Write
    Salamat 2010
    Sa Totoong Buhay
    Selective Hearing
    Sorry To Be Honest
    Sumasabit Ang Naiipit
    Summer Of 88: Salamat Sa Sound
    Tamang Mali
    Tumingin Sa Araw Wag Sa Buwan
    UFO (Unidentified Fan Of...)
    Uri Ng Facebookers
    User-friendly
    YOUTUBE: Unknown Errors

Powered by Create your own unique website with customizable templates.