
Ang classical guitar ay isang instrument na hindi kayang mag-sustain ng sound tulad ng violin, flute or human voice. Magkaroon dapat muna ng analysis sa melody, rhythm at harmony ng napiling kanta bago simulan ang isang areglo.
Lahat marahil ng kanta ay puede namang isulat sa gitara pero hindi lahat ng ito ay babagay o magandang pakinggan.
Ang Pop music ang masarap isulat sa solo guitar dahil most of the time ay melodic at continuous ang melody ng mga ito. Ang main example ay ang tunes ng Beatles, Rey Valera at ang APO Hiking Society. Wala masyadong mga sustained at mga held notes. Dahil sa melodic ang tono nito, mas madali ring kapain ang melody line dahil halos naglalaro lang din sa loob ng mga chords. Madali ring makuha ang rhythm at ang harmony (chords).
On the other hand, very challenging naman ang mga jazz songs dahil hindi lang sa torture ka sa melody range ay sasakit din ang ulo mo sa harmony or chords nito. Isama mo pa ang complicated rhythm aspects nito : syncopation at odd meters.
Sa Blues at Rock, ang pentatonic ang hari dito. Hindi masyadong masarap isulat dahil halos umiikot lang sa 5 notes ang melody pero varied naman ang mga rhythms nito. Saka ang highlight lagi dito ay ang Adlib or Guitar Solo part, hindi ang melody ng kanta.
Bukod sa Pop, okay din ang Folk at Traditional music para sa solo guitar. Very common at very catchy.
Piliin lang nang maigi ang isusulat para sa gitara. Lumalabas din kasi na may mga limitations din ito katulad din ng ibang instruments.
to be continued...