
Let's say, gusto ko ng Spanish Style, mas madali kong maisusulat ang areglo dahil alam ko na ang magiging takbo nito. So, it means na it dictates the whole idea of an arrangement.
It's like saying, okay, Beach Party yan, I'm going to wear shorts, sunglasses and I will bring salbabidas, towels and extra clothes. Something like that. :)
Ito ang ilan sa mga styles na kadalasan kong ginagamit or ina-apply sa pag-a-areglo :
BASIC STYLE (or tinatawag kong Classical Style)
Sa aking mga nagawang ballads or slow songs, mapapansin mo na tuloy-tuloy lang ang Voice 2 or accompaniment na ginagawa ko. Ang main idea nito ay para mapunan at maiwasan ang mga butas o patlang na binigay ng iyong Voice 1 or melody line.
Applied ko dito yung tinatawag kong 1:2 ratio. Kapag ang melody ay isang quarter note or one beat, ilalagay ko sa ilalim or accompaniment ang 2 eight notes or 2 half beats, na kadalasang binubuo ng two notes ng chord or triad.
So let's say sa chord na C (C-E-G or 1-3-5), puede mong ilagay ang 1 and 3 or 1 and 5 combination. Para maging basic din ang tunog, always start with the tonic or yung 1 ng triad. Not unless na ang chord mo ay C/G, gagamitin mo dapat ang 5th or ung G note or yung 5 ng triad.
On the other hand, kapag ang melody mo naman ay 2 eight notes or 2 half beats, ang ilalagay mo naman sa ilalim or accompaniment ay 1 quarter note.
To make the story short, always think that if you have a "FAST melody", you have to make your "accompaniment" SLOW.
LATIN or SPANISH STYLE
Bago ko gawing Latin ang feel ng isang areglo, I need to consider first ang chord progression ng napiling kanta. Kadalasan kong ginagamit ang ganitong style sa mga "minor" progressions like Am-G-F-E, or ung basic Am-Dm-G-C. etc...
Maganda at madali kasing kompyutin (compute) ang ganitong takbo dahil alam ko kaagad na gagamit ako ng secondary bass or yung 5th ng chord or triad (e.g. sa C ay G, sa A ay E, sa D ay A, etc...) sa aking rhythm accompaniment. Ang good example dito ay yung areglo ko sa "Kahit Konting Pagtingin" at "Lumayo Ka Man".
Suabe rin ang dating ng style na ito dahil magkakaroon ng mga sudden chord breaks at magbibigay ito ng dramatic feel, aggressiveness or tensed na mood sa iyong areglo. And also, you will have a breathing space at hindi magiging parang robot ang flow nito. :)
COUNTRY or FOLK STYLE
Ito ay ang opposite lang ng naunang Latin Style. Sa mga Major progressions naman ito ina-apply like A-D-E, C-F-G-C, E-A-B-E, etc. Same approach din at gumagamit din ng secondary bass. But, less naman ang chord breaks dito dahil gagamitan mo naman ng mga Hold or Pause sa mga dominant chords (C's dominant is G) bago sumulong pabalik sa verse part ng kanta. Magandang example nito ay yung sinulat kong areglo sa "Masdan Mo Ang Kapaligiran" ng Asin.
OTHER STYLES (hindi ko masyadong ginagamit o hindi talaga ginagamit)
Cello or Baritone Style - kapag ang melody line ay ginagamitan ng lower strings (4th, 5th at 6th strings). See "Anak" and "Walang Hanggang Paalam".
Swing or Jazz Style - medyo malikot ito, mahirap ang pagsulat, mahirap ding tugtugin. Needs a lot of experimentation sa rhythm lalo na sa harmony or chords. See "Ewan" and "Saranggola Ni Pepe".
Percussive Style - ito iyong pagsingit ng tap or slap sa accompaniment. Makikita mo ito kadalasan sa mga fingerstyle steel string guitarists like Andy McKee or Sungha. Ginagawa nilang percussion ang guitar into which hindi ko masyadong digs. I love the guitar so much and I don't want to "hit" or "tap" it. Hehehe.
Limitless pa rin ang style sa pag-areglo. Basta alam mo from the very first start ang idea o style na gusto mo, the rest will follow--- naturally.
Enjoy arranging!
More tips and tricks soon!
Thanks for reading.
- Lex